MHGDM 33

3.5K 133 26
                                    

Lychi's Point Of View

Malapit nang matapos ang Oras ng Trabaho ko, Makakauwi na rin ako, kanina ko pa gustong Umuwi at mahiga at magkulong sa kwarto, hindi ako pamilyar sa nararamdaman kong ito at alam kong mali ito, dahil sasaktan ko lang ang sarili ko kapag pinagpatuloy ko tong nararamdaman ko.

Back to Iwasan nanaman kami ni Leaf for sure, pero naisip ko mas mabuti na ito kesa sa, naguusap kami. Mas lalo lang akong masasaktan.

Lalo na kapag narerelized ko na Hindi niya ako magugustuhan at Masasayang lang ang Feelings ko, ayokong sumugal sa larong alam ko simula palang Talo na ko.

Oo Inaamin ko na May gusto na ako kay Leaf ako nga rin hindi makapaniwala na magkakagusto ako sa isang Bading.

Kahit sino naman diba sa ganyang Itsura niya at sa mga pinapakita niya sa akin, hindi maiwasan na mahulog ako sa kanya, lalo na wala siyang bakas ng pagkabading.

Di bale ng Magkagusto sa lalaki atleast alam mo na pwede siyang Magkagusto sayo, hindi katulad ng Bading, Wala ka na talagang Pag asa.

Bakit ang Tanga tanga pumili ng Puso?

Sa maling tao pa sila Titibok...

"Chi Tara na!" Napabalikwas ako ng Kinalabit ako ni Wenny.

Napapadalas na rin ang Pagiging Lutang ko!

Ganito ba ang Epekto kapag nasasaktan, yung sakit na hindi mo alam kung san ang gamot.

pumasok ako sa Stuff Room para magpalit na ng Damit, Nadatnan ko doon si Leaf na Nagbibihis na din.

Napatingin siya sa akin, agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

Habang maaga pa! Ititigil ko na ang Kabaliwang Pagibig na ito. Mali ito.

natapos akong Mag palit ng Damit. Kinuha ko na ang Bag ko at Isinukbit ko ito sa Likod ko..

Napatingin ako sa Gawi ni leaf..

Wala na siya, hindi ko napansin na Umalis na pala siya.

Napabuntong hininga ako at lumabas na rin ng Stuff Room.

Nakita ko si wenny na Nagpapaalam na sa manager namin..

Nginitian ko lang ang Manager namin at Nauna na akong lumabas...

Napatingin ako sa Madilim na kalangitan na may Malakas na buhos ng ulan na Pumapatak.

Bakit nakalimutan kong Magdala ng Payong?... Ang malas malas ko talaga ngayong Araw, dati naman umaayon sakin ang swerte pero bakit ngayon? Noong dumating sa Dorm ko si baklang dahon Bihira na ang swerte ko.

Nabroken na nga ko na naabutan pa ng Ulan.

Tumayo lang ako doon at Tumingin sa paligid, May Mag kakasintahan na Magkaakbay...

Panahon naman! Wag ka Mang Ingit! Alam ko na! Na Malas ako sa Love Life, una si jade na crush ko na umasa ako na akala ko may gusto sakin, tas ngayon si leaf na Alam kong iba ang Gusto dahil puso niya ay babae.

Yumuko na lang ako at Isinahod ang Kamay ko sa Ulan, Sana ang Nararamdaman ko kay Leaf ay parang Ulan na lang, Malakas ngayon pero Mamaya ay Mawawala na rin.

Sana ganun na lang.

Ilang minuto ako doong naka yuko at pinapadaloy sa mga palad ko ang ulan.

Napatingin ako sa Dalawang pares ng Sapatos na nasa harapan ko kaya napaangat ako ng Ulo upang makita ang may ari ng pares ng mga sapatos na ito.

Bakit Nakikita ko na ngayon si Leaf?.

Nababaliw na ba ako?.

Tinampal ko ang sarili ko at Yumukong muli..

Leaf Pwede bang Tantanan mo muna ako ngayon, wala akong payong Baka mapatay na kitang Baklang dahon ka.

Napaaray ako ng may pumitik sa noo ko.

"Arayyyy!" Napatakip ako ng mukha dahil sa sakit...

Buwiyset...

"Umuwi na tayo" walang Kaemo emosyong sabi ni leaf.

Teka akala ko ba umuwi na siya?

"Akala ko umuwi ka na?" Tanong ko sa kanya

"May naiwan ako kaya ako bumalik!" Walang gana niya sabi...

"Ano namang nakalimutan mo at napakahalaga naman nito?" imposibleng may maiwanan ang Baklang ito? Eh sa sobrang Sinop neto at Pag kaperfectionist pwede na siyang Sabitan ng Award...

"Ang puso ko!" Sabi niya at Hinila ako para isilong sa payong niya.

Huh?
Ano daw?

My Handsome Gay Dorm Mate [EDITING]Where stories live. Discover now