MHGDM 51

266 19 4
                                    

Lychi's Point Of View

"A-anong g-ginawa mo dito?, S-saan mo ko Dadalhin?" Tanong ko kay Leaf na nakatuon lang sa Pagmamaneho ang mga mata.

Hinintay ko siyang Sagutin ang tanong ko pero nakatuon lang siya sa harapan at Walang kaemo-emosyon ang mga mata.

Tumingin ako sa gilid ko para tignan ang kung naasan na kami ng dako ng mundo, inoobserbahan ko ang labas at nagbabakasakali na makahanap ng sagot sa sarili kong tanong.

Kanina pa kami bumabyahe at wala, at sa buong byahe na ito wala manlang siyang sinasabi sa akin, seryoso siyang nagmamanahe at walang Pakealam sa mga itinatanong ko.

Nagugulahan ako kung bakit siya nandito at kung bakit kami magkasama ngayon, wala akong Idea kung bakit nandito ako ngayon kasama siya.

Napatingin ako sa Labas ng sasakyan, ng mapansin na Mapuno at wala na gaanong Bahay na makikita.

Gusto kong Matakot sa pusibilidad na baka kung anong gagawin sa akin ni Leaf, at baka ito na ang katapusan ko, pero hindi! Hindi ako nakakaramdam ng kahit anong takot at pangamba pakiramdam ko ligtas ako kapag kasama ko siya.

"Nasaan tayo?" Lakas loob kong tanong kay Leaf, dahil hindi ko na kinaya ang sobrang katahimikan naming dalawa.

"Nandito tayo resthouse ko" Tipid na Sabi ni Leaf.

Rest house? Bakit kami nandito anong gagawin namin dito?

Yaan ang mga nabuong tanong sa isip ko pero hindi na lumabas sa bibig ko ng Huminto kami sa isang Malaking Gate.

Napatingin ako kay Leaf ng bumaba siya ng sasakyan at binuksan niya ang Napakalaking Gate.

Bumalik siya sa driver seat at Pumasok kami doon sa Gate na binuksan niya

Inilibot ko ang mata ko sa labas at nagtataka man ay napukaw ng mata ko ang ilog sa gilid ng mansyon.

Naalala ko ang si nanay ang lola ko sa probinsya, malapit din sa ilog ang kubo namin doon.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking Bahay na masasabi kong Isa itong Mansyon.

Bumaba si leaf at pinag buksan ako ng pintuan.

Nabighani ako sa paligid ng makatapak ako sa lupa, parang nasa ibang lugar ako ngayon, Mukhang Sobrang yaman paligid sa mga magagandang tanawin.

Nagpatingin ako kay Leaf ng Akbayan niya ako.

"Lets eat First, Hmmm." Bulong niya sa akin at nagumpisa na maglakad papasok sa loob ng Mansyon.

Nang nakapasok kami mas lalo akong namangha sa ganda ng loob, sa mga Palabas at mga Movie ko lang nakikita ang ganitong kagandang Bahay ay mali Mansyon pala.

Ang Itsura ng loob nito ay Punong puno ng Kulay Gold, na mas lalong nakapag paganda sa design ng Mansyon,

Parang isang Royal Family ang Nakatira dito, sa ganda at elegante ng Lugar.

"Sino nakatira dito?" Wala sa sarili kong tanong kay leaf naka akbay parin sakin, patungo kami ngayon sa Napaka laking Lamesa namay magigit benteng Upuan.

My Handsome Gay Dorm Mate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon