"Talaga po? Sige po. Susundan ko na lang siya mamaya." namilog ang mga mata ko dahil sa gulat at saya.

Masayang isinara ko ang pinto. Habang umiihi ay hindi ako mapakali. Bigla akong na-excite sa sinabi ni Aling Ising. May dadating dito at galing itong Maynila? Sino kaya iyon? Si Mich kaya ang tinutukoy nilang bisita? Pinapunta kaya siya dito ni Tyron para masaksihan ang kasal namin? Kung si Mich nga ang dadating ay lubos ang mararamdaman kong saya dahil nandito ang dakila kong bestfriend.
Excited na akong makita siya.

Lumabas agad ako sa cr nang makatapos ako. Pagkalabas ko pa lang ay lumapit na ako kay Aling Ising. Napansin ko na nandoon si Mang Lano. Nag uusap sila habang naghihiwa ng rekado si Aling Ising.

Ang plano ko sana ay pumunta sa dalampasigan pero tinamaan ako ng katamaran kaya hindi natuloy ang plano ko. Tutulong na lang ako sa pag-luluto.

Tumabi ako kay Aling Ising at may pag-iingat na umupo ako sa mataas na upuan. Kinuha ko iyong maliit na kutsilyo sa tabi ng mga gulay na nakapatong sa lamesa. Kumuha din ako ng sayote at tinalupan ko iyon habang nakikinig sa pinag-uusapan nila Mang Lano.

"Bakit yata natagalan kayo sa pagkuha ng lechon sa kabilang isla?" nagtatakang tanong ni Aling Ising.

"Natagalan bago nakarating yung lalaking nagdi-deliver sa may pantalan. Isang oras nga yata kaming nakatigil doon. Inugat na nga kami sa pag-hihintay. Humingi naman ng pasensya iyong lalaki kasi sobrang trapik daw dahil sa check point."

"Check point? Minsan lang maglagay ng ganong check point sa kabilang isla. Ano daw ang dahilan kung bakit meron noon?" may kuryosidad na tanong ni Aling Ising.

Bigla din akong na-curious kaya itinigil ko muna ang pag-tatalop ng gulay at tiningnan ko si Mang Lano na nagsasalita.

Check point? Siguro ay may nakatakas na bilanggo kaya mayroon noon.

"Siguro ay may hinahanap o may hinuhuli. Ang dami nga daw pulis na nagkalat sa paligid. Halos sa buong isla daw ay may nag-gagala na mga pulis at sundalo. Iyon ang sabi noong lalaki. Kaya pala may nakita din kami sa may daungan. Nagmamasid masid yung mga sundalo." paliwanang ni Mang Lano.

Napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya. Binati niya ako at nginitian.

"Oh nandito pala itong si Hera. Ngayon lang kita napansin. Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya habang may ngiti na nakapaskil sa kaniyang mukha.

Tumango ako sa kay Mang Lano habang nakangiti. Masyado kasi silang seryoso sa pinag uusapan nila kaya hindi nila ako napansin.

"Oo naman po, Mang Lano. Kanina pa po ako dito." nakanguso na sabi ko.
Tumawa siya na may halong pagkahiya habang nagkakamot sa ulo.

"Bweno, balita ko ay tatlo daw ang magiging anak niyo? Kay swerte niyo nga namang mag-asawa."

"Opo. Totoo po iyan. Hindi ko nga din po inaasahan eh." muli akong nakaramdam ng pagkatuwa sa naalala.

Tatlo ang anak namin ni Tyron at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala, parang imposible pero heto at tatlo agad ang magiging anak ko.

Nakakakaba pero at the same time ay masaya ako. Sobrang saya.

"Ang swerte niyo. Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi normal ang laki ng tyan mo noong apat na buwan ka palang na buntis. Akala ko nga ay kaya malaki ang tyan mo ay dahil madami kang kumain, iyon pala ay tatlo ang laman. Ang takaw takaw mo kaya tapos nakaka-dalawang pinggan ng kanin ka pa tuwing kumakain." tumawa kami sa sinabi ni Aling Ising.

Napuno ng halakhakan ang buong paligid. Narinig din kasi ng iba ang sinabi ni Aling Ising. Natigil ako sa pag-tatalop dahil sa pagtawa ko.

"Bweno, huwag ka ng tumulong sa amin hija. Dapat ay nag-papahinga ka. Kumain ka muna at mamaya maya lang ay darating na ang mga mag-aayos sayo." sabi niya sa akin habang pinipigilan ako sa pag-tulong sa kanila.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon