Kabanata 34

156K 2.8K 179
                                    

Kabanata 34

Nang makarating ako sa aming floor ay agad kong kinuha ang aking bag para hanapin ang extrang napkin na lagi kong dala. Nahanap ko agad ito ng mabilis kaya agad akong nagtungo sa Cr.

Medyo natagalan ako sa paghubad ng underwear kaya medyo natagalan ako sa banyo. Habang nag-tatangal ako ng dapat tangalin ay bigla akong natigilan sa ginagawa dahil narinig kong bumukas at sumara ang pinto ng Cr. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

"Si-sino ‘yan?" mahina na tanong ko. Wala akong narinig na pagtugon kaya mas lalo akong binundol ng kaba.

Sino yung pumasok? Wala namang nag-si-cr dito kundi ako lang pe-pero bakit biglang nagbukas at nagsara ang pinto? Mi-nu-multo ba ako? Anak ng tokwa! Hindi pumupunta si Boss dito at kung saka sakali mang pumunta siya ay agad agad niyang tatawagin ang pangalan ko.

Narinig ko ang tunog ng bawat paglakad niya papunta sa aking cubicle. Mas lalo akong kinabahan kaya bilisan ko ang aking ginagawa. Hindi ako magkanda-ugaga sa pag lalagay nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng cubicle na kinalalagyan ko. Natigilan ako dahil sa sobrang kaba na nararamdaman.

Bakit yata feeling ko, hindi na love story itong storya ko? Bakit yata napapadalas ang takutan? Horror na ba ito?

Nakuha ko pa talagang magloko. Napapitlag ako nang kumatok ulit ito ng isang beses. Magmumura na naman sana ako nang bigla itong nagsalita.

"Baby, what's taking you too long? Kanina pa akong nag-hihintay sa opisina." mahina pero may inis sa boses na sabi ni Boss.

Nakahinga ako nang maluwag noong narinig ko ang boses niya. Nawala ang kaba ko.

Anak ng pucha! Ang hilig niya talaga manakot!

"Sarap niyang pektusan!" mahinang bulong ko.

Muli siyang kumatok at nagsalita. "What did you say?" seryoso niyang tanong.

"Wala! Sabi ko bakit ka nandito?" mataray na sabi ko.

"Open the door" seryosong sabi niya.

Binuksan ko nang konti ang pinto para masilip sya. Ayokong lumabas dahil hindi pa ako nakakapag-suot ng slacks. Binasa ko kasi yung parte kung saan may tagos. Tinutuyo ko pa kasi doon sa box na may nalabas na hangin. Hindi ko alam kung anong tawag doon kaya basta iyon na 'yon.

"Oh! Ano, bakit ba?" busangot ang mukha na tanong ko sa kaniya.

Nakita ko na naman ang kilay niyang magkasalubong. Sus, ako na nga iyong natakot tapos sya pa ang nainis! Edi wow! Nakakainis din siya! Sarap pisilin ng ilong niya na may halong pangigigil.

"Here. Wear this." diretsang sabi niya habang ibinibigay sa akin yung paper bag na may tatak ng kilalang brand ng mga damit.

Inirapan ko s’ya. "Ayoko!" madiing sabi ko.

Alam kong mahal na naman ang presyo ng damit na binili niya. Tsaka Ayoko nang madagdagan ang mga damit na kaniyang ibinibigay sa akin.

Hindi ko naman kasi masyadong naisusuot. Iilan lang na damit ang nagagamit ko doon sa mga binili niya sa akin dati dahil nangangati ang balat ko doon sa tela. Sasaraduhan ko na sana ang pinto nang bigla niya itong pigilan.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon