Kabanata 50

220K 3.8K 986
                                    

Kabanata 50

Noong sumunod na araw ay tinanghali ako ng gising. Nataranta ako nang makita ang oras. Alas-nuwebe na. Mamayang alas-tres ng hapon ang kasal namin ni King Tyron. Hindi naman ako masyadong napuyat kagabi pero tinanghali parin ako ng gising.

Nang makapaghilamos ako sa sarili kong banyo ay agad akong lumabas sa kwarto ko. Nang makababa ako sa hagdan ay nakita ko ang tatlong babae na naglilinis sa salas. Kung hindi ako nagkakamali ay sila yung mga pamangkin ni Mang Lano. Ang dalawa ay may asawa narin at ang isa naman ay dalaga pa.

Hinanap ko si King Tyron sa paligid pero hindi ko siya makita. Matapos kong batiin ang tatlong babae ay nagtungo agad ako sa kusina. Pero bigo akong makita si Tyron doon. Ang tangi ko lang nakita ay si Aling Ising at ilang mga babaeng residente sa isla. Lahat sila ay kakilala at ka-close ko. Noon kasing mga panahon na maliit pa ang tyan ko ay nag-gagala ako sa mga bahay-bahay kasama ang mga bata kaya halos lahat ng residente ng isla ay kilala ko. Mababait naman silang lahat.

Muli kong sinulyapan ang buong paligid upang hanapin si Tyron.
Wala s’ya dito. Nasaan na kaya siya?
Si Aling Ising ang unang nakapansin sa akin noong pumasok ako sa pintuan ng kusina. Malawak niya akong nginitian. Tumingin din sa akin ang ibang mga babae kaya binati ko din sila ng magandang umaga. Malawak silang ngumiti sa akin at bumati din sila pabalik, pagkatapos noon ay ibinalik na rin nila ang atensyon sa ginagawa.

Busy sila sa kusina. Nakita ko ang napagka-daming pagkain na niluluto nila. Naggagayat sila ng mga rekados habang ang iba naman ay nagluluto. Lahat sila ay aligaga at sobrang busy sa kanilang ginagawa.

Lumapit sa akin si Aling Ising na may dala dalang isang basong gatas. Ibinigay niya ito sa akin kaya tinanggap ko ito at nagpasalamat ako.

"Nandito na pala ang ikakasal." masayang bati niya.

Nginitian ko muna siya bago ko ininom ang gatas. Nang matapos ako ay nagpasalamat ako sa kaniya. Ipinatong ko ang basong wala ng laman sa katabi naming lamesa.

"Salamat po sa gatas, Aling Ising. Alam niyo po ba kung nasaan si Tyron?" magalang na tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang gilid ng aking labi.

Baka kasi may amos ako. Nakakahiya namang makipag-usap sa kanila na mayroon pa akong gatas sa labi.

"Kanina lang ay nandyan siya, kausap ang asawa ko." sagot niya habang naghihiwa ng repolyo.

Magtatanong pa sana ako sa kaniya nang bigla akong matigilan. Napataas ang gilid ng aking labi dahil sa pagngiwi. Nakaramdam ako ng pagbigat sa aking pantog.

"Ah ganon po ba? Teka lang po, Aling Ising, iihi lang po ako." pagpapaalam ko.

Tumalikod ako para pumunta sa cr na nasa may kanlurang bahagi ng Kusina. Dito na lang ako iihi. Ihing-ihi na kasi ako. Baka hindi na ako abutin pag sa taas pa ako pumunta upang umihi. Mas malapit dito kaya mas maiging dito na lang ako mag-cr.

"Nasaan na kaya siya ngayon?" mahinang tanong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa cr.

Isasara ko na sana ang pinto nang bigla akong natigilan. Tinawag kasi ako ni Aling Ising. Nangunot ang noo ko sa pagtataka habang lumilingon ako sa kaniya.

"Bakit po Aling Ising?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

Nag-isip si Aling Ising tapos ay napapitik siya ng daliri na para bang may naalala siya.

"Ay! Oo. Naalala ko na. Baka
dalampasigan si Hijo. Sinabi niya nga pala sa akin kanina na may aabangan siya doon dahil may dadating daw siyang kaibigan na nagmula sa Maynila. Siguro ay nag-aabang na iyon doon."

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon