Kabanata 48

149K 2.7K 211
                                    

Kabanata 48

"Birthday ng anak ni Mang Lano. Gusto mo bang pumunta tayo sa kanila?"

Sandaling huminto ako sa paghuhugas ng kamay nang marinig ko ang sinabi ni King Tyron. Tumango ako sa kaniya habang nagtutuyo ng kamay gamit ang maliit na towel.

"Oo naman. Anong oras ba tayo pupunta doon?" nilingon ko siya at nginitian.

Ngayon pala ang Birthday ni Sam Joy. Ang makulit na bata na anak ni Mang Lano. Naalala ko na naman siya. Noong isang buwan ko pa siya huling nakita. Hindi na kasi siya nakakapunta dito dahil tapos na ang bakasyon nila at nagsimula na ang kanilang klase. Dati ay lagi siyang pumupunta dito para kwentuhan ako ng kung ano ano. Nakakatuwa siya kaya naman lagi akong nalilibang tuwing nandito siya.

Lumapit sa akin si King Tyron at hinawakan niya ang aking kamay.

"Kaya mo bang maglakad?" tila nagdadalawang isip na tanong niya sa akin.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Oo naman, kaya ko. Malapit lang naman ang bahay nila tsaka mas maganda sa buntis ang naglalakad lakad."

“Para maging mas mabilis at madali ang pag anak ko.”

Tatlong buwan na mula noong pahiramin niya ako ng cellphone, at iyon ang una’t huling paghawak ko noon. Mabilis na lumipas ang panahon. Malapit na akong manganak.

Pinagmasdan niya ang tyan ko. Maya maya ay huminga siya nang malalim. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Sure ka ba?" paninigurado niya.
Natatawang umirap ako sa kaniya.

"Oo naman. Kayang kaya kong lumakad no. Kahit mabigat ang dala dala ko ay kayang kaya ko ‘yan. Tsaka konting minuto lang naman ang lakarin." sabi ko.

Tinapik ko ang kaniyang balikat. Masyado siyang Oa. Maglalakad lang naman, akala mo naman ay manganganak agad ako dahil lang sa paglalakad.

"So, anong oras nga tayo pupunta sa kanila?" muli kong tanong sa kaniya.

"Alas-kwatro ng hapon tayo pupunta sa kanila. Mamayang hapunan daw kasi gaganapin."

Tumango ako sa kaniya. "Ayos lang naman pero huwag tayong magpapaabot ng gabi ah? Madilim kasi sa daan." nakangusong paalala ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang aking mukha habang nakangiti. "Oo naman. Hindi tayo magpapaabot ng gabi."

"Delikado sa daan." sambit ko.

Malapit lang naman ang bahay nila Mang Lano. Nasa may parte ito ng aplaya. Sa may dinadaungan ng mga bangka na pangisda. Doon kalimitang nakatira ang mga residente sa isla. Medyo malapit lang naman ito sa bahay namin. Ang problema nga lang ay nakakatakot magpagabi sa daan.

Madilim kasi dahil puros punuan ang dadaanan namin papaunta doon. May short cut namang daanan sa dalampasigan pero hindi naman kami makakadaan dahil madulas doon. Medyo batuhan din ang dadaanan. Delikado para sa amin, lalong lalo na sa buntis na tulad ko. Baka mapasala ako ng tapak at madulas ako.

"Bago mag-ala sais ay aalis na tayo doon. Magdadala narin ako ng flashlight para may ilaw tayo sa daan." ani niya.

Nakangiti akong napanguso sa kaniya. Dapat talagang magdala ng linte para may ilaw kami mamaya.

"Huwag kang masyadong mag-iinom ah? Baka kasi patagayin ka nila Mang Lano. Mahirap mag uwi ng lasing lalo na at buntis ako." tinaasan ko siya ng kilay matapos kong sabihin sa kaniya iyon.

Nag-aalala kasi ako. Alam kong may posiblidad na patatagayin siya mamaya. Kailangan ko na siyang paalalahanan hanggat maaga pa. Baka kasi mapadami ang inom niya. Ayokong mag-akay ng lasing pauwi no.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon