Kabanata 26

154K 2.7K 58
                                    

Kabanata 26


"Hoy, Hera! Hintayin mo ako." hinihingal na sabi ni Mich.

Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang aking pangalan. Pumihit ako patalikod para harapin si Mich na ngayon ay nakayuko habang hinihingal.

Nakapamaywang na pinanlakihan ko siya ng mata. "Ang bagal mo kasing kumilos! Saan ka ba nagpunta? Kanina nasa likod lang kita tapos nawala ka na agad. Akala ko nga umuna ka na."

Ngumuso lang siya sa sinabi ko. Nagtataka talaga ako sa babaeng 'to. Bigla-bigla na lang nawawala.

"Pasensya na may asungot kasing humarang sa dinadaanan ko eh." nakalabing paliwanag niya.

"Asungot? Iyong manliligaw mo? Hinarang ka na naman ng isang gwapong nilalang?" nang aasar na sabi ko.

Nang marinig niya ang sinabi ko ay pinanlakihan niya ako ng mata pagkatapos ay inirapan niya ako ng todo. Halos lumuwa na nga ang eyeball niya sa sobrang eksaheradang pag-irap.

"Pwede ba, Hera! Tigil-tigilan mo nga ako sa pang-aasar mo! Hindi siya gwapo, okay! Mukha siyang paa na tinubuan ng mukha." naiinis na sigaw niya.

Napatawa ako sa sinabi niya. Napapailing na hinawakan ko siya sa braso. Pagkatapos ay dinut-dot ko ang kaniyang pisngi tsaka ko ito kinurot.

"Sus, kung maka-pula ka naman doon sa tao. Akala mo ang ganda-ganda mo na. Hoy, gising! Masama iyang ginagawa mo. Baka mamaya, siya pa ang makatuluyan mo." nang-aasar na sabi ko. Umarte naman siya na parang nasusuka.

Grabe talaga ang isang 'to. Kung makapula ng tao sagad sa buto. Ang hard talaga niya. Tsaka, Bulag yata ang lukahin na 'to.

"Yuck! Mas gugustuhin ko pang mag-madre kung saka-sakali man. Hindi ako mai-in-love sa kaniya noh!" nakita ko kung paano lumaki ang kaniyang ilong habang sinasabi ang mga katagang iyan.

Napaismid ako at nagkibit balikat.

"Okay, sabi mo eh. Pero teka nga lang, Mich. Bakit ba ayaw na ayaw mo sa kaniya? Eh hindi naman siya panget ah?" sabi ko habang tinataasan siya ng kilay.

"Ikaw lang talaga ang bukod tanging nagsasabing panget siya. Umamin ka nga sa akin. Malabo ba talaga iyang mata mo? Iyong gwapo ay nagiging panget sa paningin mo? Duh! Mich, makalaglag panty kaya si Sir James." pagpapatuloy ko.

Mataray na hinawi niya ang kaniyang buhok palikod tsaka siya nagsalita. "Hindi malabo ang mga mata ko, Hera! Para talaga sa akin, PANGET SIYA PERIOD." madiing pagkakasabi niya.

Nagkibit-balikat na lang ako sa kaniya at tsaka ko siya nginisian nang nakakaloko.

Sus, ang sabihin mo ayaw mo talaga sa mga mahahangin na lalaki at tsaka sa mga playboy, kaya ka naiinis sa kaniya.

"The more you hate, the more you love." nang-iinis na bulong ko.

"Ha? May sinasabi ka ba, Hera? Anong binubulong-bulong mo diyan?" nakataas kilay na tanong niya.

Tumawa ako ng peke pagkatapos ay umiwas ako nang tingin.

"Ha-ha. Ang sabi ko, Tara nang umuwi." sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now