Epilogue

3.2K 41 31
                                    

Isang taon na ang nakalipas. 

Isang taong naghintay na naman ako sa pangakong patutunayan niya sakin na ako ang mahal niya. Pero wala. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang hintayin ngayon. Siguro nga, anak niya talaga yung batang dinadala ni Lanie. Kung totoo ngang buntis siya.

O pwede ring, napagod na rin siya sa ugali ko?

Kailangan ko na yata talagang magmove on.

9 years of friendship? Hindi biro yun.

Marami kaming pinagdaanan na talagang hindi mapapantayan.

Asaran, tawanan, iyakan, lambingan.

Lahat ng yun, mahalaga lahat sakin.

Alam kong naging mahalaga rin naman ako sa kanya.

22nd birthday ko ngayon. Ano nga bang meron?

10th year anniversary namin as best friends.

Maaalala pa kaya niya?

Napangiti na lang ako habang naglalakad ako sa papunta sa park kung saan siya nagtapat sakin na mahal niya ako.

Maganda na ngayon ang park.

Green na green na ang damuhan. Marami nang mga magagandang bulaklak sa paligid.

Umupo ako sa swing kung saan niya ako kinalong one year ago. Namimiss ko na siya.

Kamusta na kaya siya?

Kung makikita ko man siya, gusto kong humingi ng sorry kasi naduwag ako na ipaglaban siya.

STATUS: Friendzoned [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon