Chapter 40

2.4K 22 5
                                    

Habang nasa bus kami pauwi, hindi ko na namalayang naka-idlip na pala kami pareho ni ate Krish. It's such a sweet scenario when I woke up. Her arms are around my waist and my arms are on her shoulders. Ngayon lang nangyari to, kaya talagang sinulit ko na.

Hindi ko na siya ginising. I just stared at her while sleeping. Napaka-silent niya matulog. I can hear her breathing. Medyo malapit na kaming bumaba kaya ginising ko na siya para makapag-inat.

Stephen: Wake up sleepy head.

Krish: huh?

Mukhang wala pa siya sa ulirat.

Stephen: gising na. Malapit na tayong bumaba.

Krish: Kuya....

Stephen: Ate... uyy!

Krish: Sorry, antok na antok ako ha...

Stephen: Ok lang. Ang lakas mong humilik.

Krish: Di ako humihilik noh.

Stephen: Tss, who told you?

Krish: Matutulog na nga lang ako ulit.

Stephen: Mamaya ka na matulog. Bababa na nga tayo, kulit. Kahit matulog ka ng matagal, walang problema.

Natahimik siya.

Pagod na siguro si ate.

Hindi ko na lang nga siya aasarin.

Pati sa pagbaba ng bus, tahimik pa rin siya.

Mukhang nasaktan talaga ang best friend ko.

Stephen: Ate una ka nang sumakay sa tric. 

sumakay na siya. Sumunod ako. Parang pakiramdam ko hindi ko siya dapat galitin ngayon. Dati kasi pag inaasar ko siya, sinasakyan niya. Pero simula kanina, tumatahimik na lang siya.Baka mapagbuntunan pa ako ng galit, hahayaan ko na lang siya.

Krish: Kuya wala bang nagtext sakin?

Sinilip ko ang cellphone niya.

Stephen: Wala ate. bukas mo na tignan. Gusto ko peaceful ang gabi mo. Ayokong magtext ka sa boyfriend mong walang kwenta. Ayokong makita kang nasasaktan.

Krish: Okay...

Alam kong mahirap para sa kanya yun. Pero mukha namang makikinig siya sakin ngayon.

STATUS: Friendzoned [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon