Chapter 33

2.7K 26 11
                                    

STEPHEN'S POV

I seriously don't know what I am doing. Mahal ko na yata si Lanie. Pero hindi ako kuntento na siya lang. Oo, kahit na sinabi ko kay ate Krish na siya lang, hindi ko pa rin maalis sa isip ko na kapag nandyan si Lanie, napapasaya niya ako. Ewan ko ba, ang hirap lubayan ng tukso. Ang hirap magmahal ng dalawa.

Alam ko namang masaya na ang best friend ko sa boyfriend niya. May bago nang lalaking nakakapagpasaya sa kanya, kaya naman kung ipagtabuyan niya ako at isnabin, wagas. Aaminin ko, ang sakit.

ang hirap pala nung ganun na pipilitin mong mahalin ka ulit ng taong dati naman ay mahal na mahal ka. Parang kahit anong gawin kong kumbinsi sa kanya, hindi na umeepekto. Oo, nilalambing ako ni Lanie, pero hindi ko maikakaila sa sarili kong nakukulangan ako.

Iba pa rin magmahal si ate Krish. at kahit na alam ko at ramdam kong hindi niya pa rin ako napapatawad hanggang ngayon, pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na balang araw merong pag-asa.

Ang hirap ring maghintay sa kanya.

Gusto ko siyang hintayin, gusto ko siyang mabawi.

Pero hindi ko kayang magsettle na lang sa kahihintay. Kaya hindi ko rin maitangging habang naghihintay ako na mahalin niya ako ulit, susubukan kong magmahal ulit ng iba. Susubukan kong mainlove ng tuluyan kay Lanie. Baka kasi maghintay ako sa wala.

Baka nga hindi talaga kami para sa isa't-isa ni ate Krish.

Andami ko nang pagdududa. Ang hirap nang maniwala ngayon na may pag-asa pa kami. Pakiramdam ko nagawa ko na lahat para maibalik siya pero parang walang kwenta. Naisip ko, saan pa ba to pupunta? Baka naman nagpapakatanga na lang ako sa kanya.

Hindi ko kasi alam kung pinepeke niya lang ang nararamdaman niya sakin.

Ewan ko.

ang hirap na niyang basahin ngayon.

hindi na katulad dati na ang dali-dali para sakin na malaman kung galit siya sakin o hindi.

Siya pa rin ba ang best friend ko?

Para kasing napaka-layo na niya sakin.

STATUS: Friendzoned [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon