Chapter 7

4.2K 41 2
                                    

It's 2 weeks before my 18th birthday. Excited? Nah. I don't think so. I'm not excited for the fact that my best friend cannot attend my cotillion de honor practices. Yeah, for one month, my mom decided to pursue a simple celebration for my birthday party. Pero nasa Bulacan kasi ang best friend ko. He has classes so he cannot attend the practices for my cotillion de honor. Nakakatampo, kasi siya ang gusto kong escort, but he couldn't find time to attend just one day of practice. Paano na lang sa araw ng debut ko? Ano yun, hindi rin siya sigurado kung makakapunta siya? Okay, at the same time, pinipilit ko na lang intindihin na kaya hindi siya makapunta kasi nasa province siya, mahal ang pamasahe para sa tatlo hanggang limang oras ng practice. But I really wanted him to go kahit isang beses lang.

Kumuha na lang ako ng substitute partner in case hindi siya makakasali sa cotillion de honor ko. Pero yung totoo, hindi na talaga ako ganun ka-excited, kasi wala siya. He's my best friend. How can he do this to me?

Ang sakit lang, na nung huli kaming nagka-usap, sinabi niya sakin na Wag ka nga kasing makulit. Ano bang magagawa mo kung hindi ko nga kayang makapunta dyan para sa practice mo? Aling parte ba ng busy ako ang hindi mo maintindihan? Nakakapikon ka na ah. Nasaktan ako nun. 1 week na kaming hindi nag-uusap. I don't text him, I don't call him, and so he does. Okay. Patigasan na lang kami. Bahala na kung hindi siya pumunta. Fine. I can stand alone. I can celebrate my debut without an escort.

But i really do miss him.

I wish he'd call and say sorry.

After ng practice para sa araw na to, he called me by 8pm.

phone ringing...

Stephen: Ate...

He's making me hear his lovely and "paawa" voice again.

Krish: How did you know that I was going to answer the phone?

Stephen: Alam kong inaabangan mo ang tawag ko.

Krish: Kapal rin ng mukha mo noh?

Stephen: Ate..... Sorry na, kung nagalit ka. Di naman sinasadya... Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo, pipilitin kong magbago... Pangako sa iyo, sorry na...




Oh God, he's singing that song again. Alam niya pa namang kapag kinanta niya yun,  makukuha niya agad ang loob ko, at patatawarin ko siya agad. Once niya lang kinanta sakin yun, pero napaiyak niya ako nung kinantahan niya ako nun sa school.

Stephen: Nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na. Sa ugali kong ito, na ayaw magpatalo at parang sirang tambutso na hindi humihinto, sorry na.



Nakikinig lang ako sa kanya habang kumakanta at naggigitara. Naluluha ako habang pinakikinggan ko siya. But yes, he have to feel that I'm mad at him for what he have said.

STATUS: Friendzoned [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon