"EJ hija, you're here. I thought hindi ka na darating," wika ni Mrs. Sayes at niyakap ako.

"I'm sorry, Mamita." Kita ko ang pagngiti ni Chuck nang marinig nito ang pagtawag ko ng Mamita kay Mrs. Sayes. "Noong sabado ko lang nalaman ang lahat at nawala sa utak ko na kailangan kong um-attend ng meeting na ito."

"It's okay, hija. Hindi pa naman kami nagsisimula." Iginiya ako nito palapit sa mga taong naroroon para ipakilala nang may narinig akong nagsalita.

"Mrs. Sayes, we are not hiring models here, am I right?" Napatingin ako sa nagsalita. Nakataas ang kilay nito na waring ako ang pinapatamaan. At sa paraan ng pagkakatingin nito sa akin ay waring kinakalkula kung magkano ang halaga ng suot kong damit. Well, sorry siya hindi ko rin alam kung magkano ang presyo ng suot ko. "Kung nalaman ko nang mas maaga dapat nagsama ako ng mas maganda—"

"Relax, Miss Lerma," putol ni Mamita. Waring nakahalata ito na hindi maganda ang namumutawi sa bibig no'ng Miss Lerma na iyon. "EJ isn't here to apply as one of our models although she's very qualified to be one. She has a face and a body at noon ko pa siya kinukumbinsi but sad to say lagi niya akong tinatanggihan."

"Then why is she here? She's too young  to attend for this meeting. If I'm not mistaken, she's just seventeen. Minors are not allowed to attend the meeting, right?" wika pa nito na ikingiti ko nang lihim. All these years napagkakamalan pa rin akong nene.

"She's not a minor." Napatingin ako sa nagsalita at kumulo ang dugo ko nang makitang si Zid iyon. "She's already twenty three." Gusto kong tumawa sa sinabi nito. Walang kaalam-alam ang mga ito na mahigit treinta na ang edad ko. Napansin ko ang pagngisi ni Chuck, maging ito ay natatawa sa mga naririnig.

"Okay, ladies and gentlemen," wika ni Mrs. Sayes para matigil na ang bulungan nina Zid at no'ng Miss Lerma. "This gorgeous lady beside me is Miss Elena Joy Magtibay.  She is the newest shareholder of Faulker Industries. So, EJ," tumingin ito sa akin at sinimulang ipakilala ang mga naroon sa mesa. Nagsimula ito sa kanang bahagi ng mesa kung saan nakaupo si Zid. "This is Mr. Zid Azira, Miss Althea Lerma, Mr. Paul Gnilo...." At marami pa itong ipinakilala sa akin na hindi ko na matandaan ang mga pangalan. Napangiti ako nang makita na naroon si Eric. Isa rin pala ito sa shareholder ng kompanya. "And finally my apo, si Charles, you already met him, right?" Tumango lang ako.

Matapos akong ipakilala ni Mrs. Sayes ay pinaupo ako ni Chuck sa bakanteng upuan sa tabi niya. Bale kaharap namin  ni Chuck sina Zid at ang bruha na si Miss Lerma na tila may kinikimkim na galit sa akin gayong ngayon lang kami nagkakilala.

"Faulker Industries should hire Miss Magtibay as the face of the company, Mrs. Sayes," dinig kong wika ni Mr. Galves.

"I don't know kung papayag  itong si EJ, Mr. Galves," wika ni Mrs. Sayes.

"Well, if I become a CEO," sabat naman ni Zid na nagpainit ng ulo ko. "I'll do anything and everything for her to say yes. She really got what it takes to be the face of our company." Pinasadahan ako nito ng tingin kaya lalo akong nairita.

"I doubt it, Mr. Azira. Alam kong hindi papayag si EJ lalo na ngayon na may boyfriend na siya." Napatingin ako kay Mrs. Sayes. Malungkot ito habang nakatingin sa ilang papeles na naroon sa ibabaw ng mesa.

"Then congratulations to you, Charles," muling wika ni Mr. Galves na ikinagulat ko.

"Oh, no, Mr. Galves, you must be mistaken, although I like EJ to be my grandson's wife but Charles isn't her boyfriend. And my apo has a girlfriend already. In fact nahuli ko silang magkausap kanina sa phone at kung hindi lang importante ang meeting na ito kanina pa umuwi itong apo ko." Gulat ako sa pinagsasabi ni Mrs. Sayes, parang nagpaparinig ito. Ano kaya kung sabihin ko dito ang totoong nangyayari sa amin ni Chuck.

"I want to formally introduce you to Mamita as my girlfriend, sweetheart," bulong ni Chuck sa akin. Leche talaga! Kahit kailan pahamak ang lalaking ito. Mabuti na lang nagsalita kaagad si Mrs. Sayes kaya hindi nito narinig ang sinabi ng sariling apo.

"So, let's start dahil alam kong kanina pa gustong umuwi ni Charles." Bumuntong-hininga ito.

"Ah, Miss Magtibay," muling wika ni Mr. Galves kaya nilingon ko ito. "Are you related to Victor Magtibay?" Hindi na ako magtataka kung kilala niya ang ama ko, sikat si dad sa business world. Ang mundo ng pagnenegosyo na kahit kailan ay hindi ko pinangarap  na naging dahilan ng pagkakatampuhan naming mag-ama.

"Perhaps one of Victor's mistress?" bulong no'ng Lerma kay Zid pero dinig na dinig ko. "O baka pinakasalan matapos mamatay ang asawa kaya dala-dala ang apelyido nito. Sa hitsura niya mukhang pumapatol sa matatanda. Paano siya naging shareholder ng kompanya, e napakabata pa niya."

"He's my father, Miss Lerma," wika ko na ikinaawang ng bibig nito. Serves you right, bitch. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan at kanina pa mainit ang dugo nito sa akin. "I have no idea that my father, Victor Magtibay has a share in this company until his lawyer told about it last saturday. So you see, I got my share in this company through inheritance." Kita ko ang pamumula nito dahil sa sinabi ko.

"Really?" Kunot ang noo ni Mr. Galves habang nakatingin sa akin. May bulung-bulungan din akong naririnig na kesyo nagsisinungaling ako, na hindi ako ang totoong anak ni Victor Magtibay. "Are you really his daughter? You're too young, hija. Sa pagkakaalala ko ay mahigit treinta na ang edad ng nag-iisang anak ni Victor." Napangiti ako sa sinabi nito.

"Right, Mr. Galves," sabat ni Mrs. Sayes. "I assure you that EJ here is the daughter of Victor. She might look young but she's already thirty-three and she's been doing business with our company for almost a decade."

"Almost a decade?" takang-tanong ni Zid. "Can't believe it, you look like twenty-three with that angelic face of yours."

"Wow," komento naman ni Eric. "Parang bampira lang."

"No," saad ni Zid. "Like an angel."

"I'd prefer to be called vampire than an angel," wika ko nang nakatingin kay Zid na hindi makapaniwala sa edad ko maging ang katabi nitong si Lerma ay titig na titig sa akin na waring naghahanap kung may ipinagawa ako sa mga ekspertong siruhano kaya ganito ang mukha ko. "Don't worry, Miss Lerma I haven't had an appointment with any cosmetic surgeon in my entire life." Umasim ang mukha nito kaya tumingin ako kay Mrs. Sayes. "Shall we proceed with the annual meeting, Mrs. Sayes?"

"Of course, hija. Ladies and gentlemen, before we proceed  I just want you to know that Miss Magtibay is one of our client. She owns several branches of boutiques, eight branches if I'm not mistaken, right EJ?" Tumango ako. "And next week she'll be opening two branches again. Congratulations, hija and thank you dahil isa ka sa mga nagpapayaman sa Faulker Industries."

"So it means that we will be seeing each other more often, Miss Magtibay," wika ni Zid na ikinakunot ng noo ko.

Tinaasan ko ito ng kilay. "I beg your pardon, Mr. Azira?"

"I said we'll be seeing each other more often if I became a CEO since you are doing business in this company." Nakangisi ito habang pinagmamasdan ang reaksiyon ko. Pansin ko naman ang galit ni Chuck na kanina pa nito pinipigilan.

"Well, Mr. Azira," wika ko at isinandal ang aking likod sa upuan, "the outcome of this meeting will determine if I should stop or continue doing business with this company." Makahulugan akong tumingin sa kaniya saka ako bumaling kay Mrs. Sayes. "Shall we proceed with the agenda of this meeting, Mrs. Sayes?"

"Okay, let's start with the company's accomplishments."  May tinawag ito para ayusin ang projector na naroon at mayamaya ay may lumitaw na mga figures sa board na naroon. Ipinaliwanag iyon ni Mrs. Sayes pero hindi ko maintindihan ang mga terms na ginagamit nito dahil hindi naman ako graduate ng business. Isa pa panay ang bulong ni Chuck kaya hindi ako makapag-concentrate sa sinasabi ni Mrs. Sayes.

"Taken na pero nakukuha pa ring makipag-flirt sa iba. Ibang klase talaga," dinig kong wika no'ng Miss Lerma kaya sabay kaming napalingon ni Chuck sa gawi nito.

The Joy of The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon