Tahimik kami pareho ni Enrique habang nasa sasakyan. He's driving while I'm in the back seat. Wala na din naman akong nagawa dahil Kuya won't let me go unless kasama ko si Enrique. Besides, ngayon lang naman ito sabi nila ni Julian.
"Can you turn on the radio?" Gustong gusto ko kasi ang nakikinig ng radyo habang nasa sasakyan kaso nahiya lang ako kanina. Hindi lang ako nakatiis dahil ang tahimik at super traffic pa.
Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parap-pap
Na kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong yakap
Ang hanap-hanap parap-pap-pap
'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanapNanlaki ang mata ko? Anong hanap hanap? Sa loob ng tatlong taon. Di ko siya hinanap at kung may balita man ako tungkol sa kanya, it's because nababanggit siya ni kuya. Yun lang yun. At hindi ako nagpapanggap. Moved on na ako.
Inakala ko ring ganon kadaling alisin ka sa buhay kong ito
Sinubok umibig ng iba
Pero 'di rin nawala ang pag-ibig ko sa 'yo
Sa tuwing kapiling siya'y ikaw ang nasa isip
At kahit maging panaginip ma'y ika'y nakapaligidUgh. That's it. Hindi ko gusto na marinig itong kanta na to lalo na at nandito si Enrique sa loob ng sasakyan na kaming dalawa lang.
"Can you change the radio station? Ang corny ng kanta." I tried to be calm pero yung puso ko ang bilis ng tibok. What the hell is wrong with me? That was just a song. Hindi ako tinamaan. Hindi ko siya hinahanap hanap lalo na ang yakap niya just like what the song said. Okay heart, chill.
"You know naman kung saan tayo pupunta right?" I asked him. Tumango lang siya. Same Enrique, hindi pa rin mahilig magsalita. Oh, well.
Isinandal ko nalang ang ulo ko at pumikit habang pinapakinggan ang kanta na tumutugtog ngayon. Gosh, I'm still sleepy. Napuyat ako sa kakanood ng mga dramas kaya naman ang kapal ng eye concealer ko ngayon.
"Mira. Nandito na tayo. Mira." Naalimpungatan ako nang makita si Enrique na nakatayo sa may pinto ng sasakyan. Did he just kiss me? I swear something touched my lips before I woke up.
Tinignan ko ulit si Enrique na nakatayo at hawak ang mga gamit ko. Sa isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa pinto. Umiling ako. It must've been a dream. Inayos ko muna ang buhok ko bago ako bumaba ng sasakyan.
I greeted the organizer of the event and the other models. They gathered us all nang makumpleto at nag meeting.
I saw Sage sa may right side ko. Nasa unahang row ko siya and he's a few sits away, kanina pa din siya tingin ng tingin sa akin pero hindi ko pinapahalata na napapansin ko siya, I can just see him on my peripheral vision.
The day went well. Tapos na ang rehearsals at pagod na pagod na din ako. I just attended the final briefing and went to the comfort room before I went back to my dressing room kung saan nandoon ang mga gamit ko. The door was open kaya nakita ko na nandoon si Enrique at mukhang pinag pi-piyestahan ng mga kapwa ko models. Five girls were all so close to him na akala mo wala nang space.
Kita mo tong mga babae na to. Nakakita lang ng gwapo nakadikit na kaagad. They're smiling like a luring fox. I stomped my way to them but stopped when I heard what they're talking about.
"So you're not Mira's boyfriend." One girl said and they all giggled and looked at each other.
"You know, Mira is really not that pretty. She just had her fame because she's rich."
YOU ARE READING
Chasing that Billionaire (LOB series #3)
General FictionHe's an ex-military billionaire. She's a spoiled party girl. With just one glance, she fell for those cold eyes and mysterious personality. She's a dream chaser and a fighter and she'll do everything until that uptight billionaire surrenders to her...