Chapter 21

130K 2.9K 81
                                    

Naglalakad ako habang nagtetext kay Julian because this sister-in-law of mine is so excited about the fashion show three days from now. At ngayon nga ang last na dress rehearsal namin. Bitbit ko din ang isang gown na isusuot ko when suddenly naapakan ng mataas kong heels ang laylayan ng gown dahilan para ma out balance ako.


Napapikit ako sa takot but was shocked when someone suddenly caught me by his arms. Ibinuklat ko ang isang mata ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Sage.


"Don't worry princess, your knight and shining armor is here." He winked at me and I rolled my eyes at him pero parehas kaming natawa dahil sa nangyari.


"Mabuti nalang stalker kita, kung hindi walang sasalo sakin." He laughed at what I said.


"Feeling mo. Nandito ako dahil sa rehearsal." I arched both my eyebrows at him. Sinundan ko siya ng tingin habang kinukuha sa akin ang gown para tulungan ako.

"As far as I know, dress rehearsal ito ng mga models." Umiling siya habang nakangiti at nagsimula na kaming maglakad. "So? Maglolokohan pa ba tayo or sasabihin mo na kung bakit mo ako pinuntahan?"


"Okay you got me." I gave him a look which made him chuckle. I like this about him. Ang babaw ng kaligayahan niya kaya nakakadala ng positive vibes. "I really came here for you."

"Alam ko."

"So nandito ako because I found out from my manager that I got an offer. Gusto nila na ako ang maging bida sa isang episode ng isang Saturday night tv show. Kung baga, ako ang gaganap sa lalaking nagsulat ng kwento sa kanila."

Alam ko na hindi ito ang first time na mag act siya sa show na yun because he actually did this acting sa isang episode pero hindi siya ang bida. Parang kapatid lang siya ng bidang babae and he was pretty good. He did his role well.



"And you're here because?" Tumingin siya sa kaliwa at sa kanan bago sa sapatos niya. I bit my lips to prevent myself from smiling. Hindi siya makatingin. "Come on, Sage. Anong meron?"


"Well, they asked me who I want to play as the lead girl character. Ang sabi ko pag iisipan ko pa kung sino, but I actually thought of you."


I stopped and looked at him. "Wait.. are you saying that you want me to play as the lead with you?" Tumango siya sa akin. "Pero wala pa akong background sa acting."


"I know you'll be great. Besides, it'll be fun right?" I cocked my head to one side and stared at nothing.


I really want to try acting. Gusto ko din ng bagong environment dahil sa totoo lang, sawang sawa na ako sa modelling. Truth is, I don't want to renew my contract na mag eexpire na three weeks from now sa modelling agency na pinapasukan ko ngayon. Sa ugali kong ito, hindi ko alam kung paano ako nakapag tiis ng tatlong taon sa iisang bagay lang. I want to try new things. I want to explore. And if showbiz is really for me then I will try different things in this industry. Siguro ito na ang sign?



"Alright. I will inform my manager about it." Lumawak ang ngiti ni Sage at niyakap ako.


"Yes! Are you sure?" Tumango ako sa kanya at ngumiti. "I really want to do it with you Mira. I'm glad you agreed. God, I can't wait to tell them!"


Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang isang tao na nagsalita. "Sabi na sila talaga. Nakita sila ng boyfriend ko sa labas ng bistro na magkasama."


I looked around and indeed the people around us are smiling. Oh, no. Mabilis akong napatingin kay Sage and he has the same expression as mine.


Chasing that Billionaire (LOB series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon