Chapter 11

116K 2.9K 67
                                    

"Hey Mira, I heard you broke up with that actor. I thought things are going great with the both of you?" I smiled at Claren as I put on my skirt. Kakatapos lang kasi ng magazine shoot namin. Isa siyang Aussie na kapwa ko model sa agency na pinapasukan ko.

I've been working on this agency for three years and I've been to different countries to attend runways and magazine shoots. Nung una hesitant ako sa pag-model but when Nasci—a latin word for 'native' which I named my jewellery business—started to boom because of it, I saw the happy faces of those people who makes my jewellery, it made me love my job.

Being an international model made people admire my fashion at kasama palagi sa outfit ko ang products namin. That's when it started to be recognized. Hanggang sa ginawa naming parte ng online shop ang Nasci and now our jewellries are delivered worldwide.


"I've dated him for quite a while now. I got bored." Napatigil siya sa pag retouch ng lipstick niya. She raised an eyebrow at me at umiling.

"You've been together for what? A month?" I rolled my eyes at her as I put on my earrings na gawa ng company ko.

"Wow, I love those earrings. Is it from your company? I'll make sure to brows your website tonight." I beamed at her and nodded my head. This is why I love wearing something na alam kong pinaghirapan ng mga tao sa likod ng company ko. It makes me so proud that they can make something as beautiful as this.

"Anyway, you don't seem sad about the break up. You sure you don't need any drinking buddy tonight?" Natawa ako ng mahina.

"When did I ever needed a drinking buddy?" Inirapan naman niya ako. Alam naman kasi niya na walang epekto ang break up na iyon sa akin. Sanay na siya.

I've been in a relationship with several guys in the span of three years. I've dated them hindi dahil sa lalakero ako. I just can't find the right guy. Besides, I don't dump them like what the showbiz news says. Kung makapag chismis naman kasi ang ibang paparazzi parang ako palagi ang may kasalanan. Some of them cheated on me too at ang iba naman we just agreed that we're better off as friends.

Claren said goodbye pagkatapos naming dalawa mag ayos. My two personal assistants took my things at papunta na kami sa sasakyan. I told them that I want to go home and rest.

Nakapikit ako habang papunta sa apartment ko  at nang buksan ko ang mga mata ko, nakita ko ang isang cart na nagtitinda ng cotton candy. I told my driver to stop the car. Bumaba ako at naglakad palapit sa cart but stopped when I'm a meter away. Should I buy this? Hindi naman na ako bata para kumain ng cotton candy.

I stared at the cart at pinag iisipan kung bibili ako nang biglang may lumitaw na cotton candy sa harap ng mukha ko. Napa-atras pa ako sa gulat at muntik na akong matumba. Mabuti nalang nasalo ako ng lalaki na may hawak ng cotton candy gamit ang isa niyang braso at hinila ako palapit sa kanya. I ended up face to face with the cotton candy guy.

"You want to stay this close?" Ngumisi siya sa akin at napakurap pa ako bago umatras at lumayo sa kanya.

"I'm sorry." Pasimple kong tinignan ang lalaki habang inaayos ko ang coat na soot ko. He's wearing a jeans, a denim jacket. Yumuko ako ng konti at sinilip ang mukha niya kahit may soot siyang glasses halata parin na pogi siya.

"Here." Inabot niya sa akin ang cotton candy. Tinignan ko iyon pagkatapos ay ang mukha niya. "Take it."

"Wait I'll pay you." Binuksan ko ang wallet ko.

"No need. Just take it." Medyo iritable pa ang boses niya. Eh kung naiinis siya bakit pa niya ibibigay?

"You can have it. I'll just buy my own." Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. "Ano ba?!"

Mukhang nagulat naman siya dahil nanlaki ang mata niya pero agad kong binawi ang braso ko at inayos ang buhok ko. Sa sobrang inis nakapag tagalog tuloy ako. I sighed.

"You don't have to give it to me. I'll just buy my own cotton candy. Thanks anyway." Medyo mataray na ang boses ko. Nakakainis naman. Mukha ba akong naglalaway kanina sa cotton candy para limusan niya?

"Sandali. Pinoy ka?" Agad akong napatingin sa kanya. Nagtatagalog siya so malamang Pilipino din siya. Pero nangingibabaw parin ang kamalditahan ko kaya tumango nalang ako. He smiled. "That's great. Pinoy din ako."

"I know." I rolled my eyes at him.

"Kilala mo ko?" Tinignan ko siya ng taas baba pagkatapos ay umiling.

"Dapat ba kitang kilalanin? Are you some kind of a celebrity?" I said sarcastically. He laughed kaya napakunot ang noo ko.

"Kinda." He was about to say something when a group of three girls approached us na parang nahihiya at kinikilig pa.

"Sage Vasquez? Ikaw si Sage ng Vices di ba?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong nung isang babae. The guy nodded his head ang smiled at them na parang nagsilaglgan naman ang mga panty. Oh. So he really is a celebrity.

"Ikaw si Mira Crivelli di ba?"  Napalingon naman ako sa isang babae na lumapit sa akin. They all looked at me and then to him. "Pwede ba kaming magpa picture sa inyo?"

"Sure." Sage grabbed my hand and pulled me towards him. Nagpapicture naman ang mga babae isa-isa sa amin pagkatapos ay nag group selfie pa.

"Thank you. Ang pogi at ganda niyo. Bagay na bagay!" Kinikilig na sabi nung isa bago sila yumakap ulit sa amin at umalis.

"Didn't know that you're actually a celebrity." Naka-cross arms na sabi ko sa kanya. Well sa istura niya hindi naman imposible dahil gwapo nga naman siya. Isa pa, matagal tagal na din akong nawala sa Pilipinas. I don't usually watch Filipino shows. Konti lang ang Pinoy celebrity na kilala ko.

"Same to you. So Mira Crivelli, anong trabaho mo dahil sikat ka?" Nakangiti siya pero naiinis ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. That feeling you get when a person annoys you kahit wala naman siyang ginagawa.

"Wanted serial killer ako kaya leave me alone." I stomped my way to the car. He half jogged to catch up to me pagkatapos ay kinuha ang kamay ko at inilagay doon ang cotton candy na nakalimutan ko na nga.

"I'll see you around Mira." He winked at me and walked away. Napakurap pa ako at napahawak sa dibdib ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa likod ni Sage na papalayo. See me around huh? Kung magkita pa kami. As if naman magkikita pa kami.

Chasing that Billionaire (LOB series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon