Chapter 19

119K 4K 538
                                    

I'm slumped on the sofa watching tv na hindi ko naman talaga naiintindihan. I also texted Sage na next time nalang kami lumabas, he wanted to come pero I told him no dahil mukhang sa mood ni Enrique kahit magpapasok ng tao ay ayaw niya.

"Mira, I cooked dinner." Narinig kong sabi niya sa likod ko. "Let's eat."


Hindi ko siya pinansin. Unang-una hindi ko talaga ma gets kung anong ginagawa niya dito at kung bakit kaming dalawa lang ang nandito. I tried calling kuya Demitri and Jules pero hindi sila pareho sumasagot.

"Nagluto ako ng spareribs." I mentally groaned. Why is he being so nice to me? He cooked my favorite! Napapaisip tuloy ako kung anong ihip ng hangin ang nasagap niya para maging ganyan siya sa akin.

"Hindi ako gutom." But as soon as I said those words naamoy ko ang niluto niya at naramdaman ko ang pag kulo ng tiyan ko.

"Are you sure? Dahil kaya ko itong ubusin lahat." Huminga ako ng malalim at tumayo na sa upuan. Hindi ko gugutumin ang sarili ko para sa kanya.

Hindi ako magpapakamatay para sa pride ko. I know better than that. Kaya tumayo na ako at sumunod sa kanya sa dining table.

"Kakain ako pero hindi dahil gusto ko, kundi dahil nagugutom ako." Hindi ko pinansin ang pagpigil ng ngiti ni Enrique because marupok ako. I cannot afford to see him smile.

He offered me the meat at halos maglaway ako pagkakita ko ng ulam. Shit. I'm really this hungry. I looked at Enrique when he chuckled. He freakin chuckled. Sandali pa akong natulala pero inirapan ko lang siya ng tignan niya ako.

Wag kang magpapadala Mira. Kaya mo yan self.

Imbes na ma-distract ako kay Enrique I just concentrated on eating. Grabe! Alam ko na masarap siya magluto pero ang sarap talaga nito. Pwedeng pwede na siyang mag asawa. Then I stopped. Oo nga pala, may asawa na siya. Parang nawalan ako ng gana dahil sa naalala ko. Napansin kong napahinto din siya sa pagkain at tumingin sa akin.

"Is there something wrong?" Nakakunot noo na tanong niya. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Joke lang, hindi pala ako nawalan ng gana. Wala akong time magdrama dahil gutom pa ako at masarap ang pagkain kaya inirapan ko nalang si Enrique at kumain ulit. Napakamot naman siya sa batok niya.

"I'm done." Nagpunas na ako ng bibig ko at tumayo. Tapos naman na talaga ako kumain dahil kahit gusto ko pa, ubos na.

Tumalikod na ako at bumalik sa sofa. I got my phone and saw na may text si kuya Demitri. Finally! I can have my reasons now kung bakit hino-hold akong hostage ni Enrique. Nilingon ko si Enrique at nakita ko na inaayos niya ang pinagkainan namin. Hmph. Bahala siya diyan di ko siya tutulungan.


From: Kuya Monster

Sorry about that. Hindi ko pala nasabi sayo. Out of town kami ni Julian, babalik lang kami bukas.

Hindi ko na gets. Asan ang explanation doon?! I dialed his number and it rung four times before niya sinagot.

"Kuya! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?!" Narinig ko pa siyang hinihingal bago nagsalita.

"Sorry. Busy." Pumikit ako at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Why are you out of town ba?" Hindi ko kasi alam kung bakit biga bigla nalang silang nawala samantalang kanina lang kausap ko si Julian at sabi niya ipapa-vaccine niya lang si Tori. Natulog lang ako tapos out of town na sila.

"Second honeymoon." Tipid na sagot ni kuya.

"What?!" Napansin ko ang paglingon ni Enrique sa gawi ko pero kagaya kanina, inirapan ko lang siya ulit. Hininaan ko ang boses ko dahil sa sunod kong sinabi. "You left me here with Enrique at ang sabi niya pinagbawalan mo daw akong lumabas ng bahay."

Chasing that Billionaire (LOB series #3)Where stories live. Discover now