Chapter 1

196K 4K 196
                                    

Naglakad ako papasok ng Crivelli Holdings. I smiled to myself as I notice people looking at me. I love attention. I love the spotlight kaya I always make sure that I look pretty bago magpakita sa mga tao. I winked at the one male employee at halos mahulog na ang panga sa kakasunod ng tingin sa akin.

"Hi I want to talk to my brother tell him I'm coming." Saad ko sa babaeng nasa may lobby na nakatulala lang sa akin. I waved my hand infront of her. "Miss?"

Para namang doon lang siya natauhan at saka nakabawi sa sarili.

"Ay maam sorry po ang ganda mo kasi para po kayong artista." I smiled at her knowing that she adores me.

"It's okay. As I was saying, please tell my brother that I am here at papunta na ako sa office niya." Truth is, hindi ko naman talaga kailangan magsabi gusto ko lang na magtagal ng konti dito sa lobby para naman makita pa nila ako ng mas matagal. Baka sa tanang buhay nila ngayon lang sila nakakita ng isang dyosa.

"Maam wala po si Sir ngayon. May business meeting po siya abroad." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng babae.

Ugh! He's the only one who can help me. I badly want to meet Enrique at walang naitulong ang pag cut niya ng allowance ko nung mga panahon na wala pa ako sa Pinas. Dahil kasi doon kaya nagtayo ako ng sariling buisness at naging busy these past few weeks at nawalan din ako ng time para gawin ang plano ko.

"What?!" I've been trying to know where that Enrique is at hindi ko malaman kung saan siyang lupalop ng mundo nagpunta. Even my hired investigators doesn't know.

"Nasa abroad po sila ni Jules." Mas lalong tumaas ang kilay ko sa babae. I want to show my angelic side to this people pero pinapainit ni kuya Demitri ang ulo ko.


"Why did you call Julian without any honorifics?" Natigilan naman ang babae dahil sa sinabi ko at napayuko. "She's your boss's fiance for goodness sake. Anyway, saang bansa sila pumunta?"


"Siguro po maam itanong niyo nalang po kay Sir Juan. Siya po kasi ang naiwan sa table ni maam Jules habang wala sila."

"Very well. Tell Mang Juan that I'm coming." Umalis na ako at nagderetso sa elevator pero bago pa ako makaalis ng tuluyan narinig ko pang nag usap ang dalawang receptionists.

"Nasa dugo talaga yata nila ang pagiging masungit."

"Oo nga eh kawawa naman si Jules kung mapapalibutan siya ng mga masusungit na in-laws mabuti nalang mabait at masiyahin yun."

Kung sa ibang pagkakataon baka binalikan ko na sila at pinagalitan pero pasalamat sila at nagsabi sila ng maganda about kay Julian because I really like her for my brother kahit nagpapanggap lang sila. Si mommy actually ang may alam and she just informed me about it and she was having fun riding in my brother's scheme. I was about to confront Julian nung nasa game dahil naisip ko na she's taking advantage of my brother. Nag bago lang ang isip ko nung makita ko ang angelic face niya and I decided to get to know her first because mom seems so fond of her. Hindi naman niya ako binigo.

Naabutan ko si mang Juan na nagkakamot habang naka-upo sa harap ng lamesa ni Julian since she is the acting secretary of my brother. I don't know their story but it seems like his real secretary is on leave at si Julian ang reliever.

"Mang Juan where is that monster brother of mine?!"


"Good morning Mira." Nakangiting bati niya sa akin. I stomped my feet towards him pero tinawanan niya lang ako. He's been with us since I was 15 at siya ang naging driver ko before I left to travel the world when I was 18. "Nasa Macau ang kuya mo kasama si Jules. May buisness meeting siya doon ng isang linggo."

Chasing that Billionaire (LOB series #3)Where stories live. Discover now