Chapter 22

17 9 1
                                    




"Oh my God!! I can't believe na hindi pa tayo nakakaupo nauna na si Lian sa kabilang table!" maarteng sabi ni Sara tinutukoy si Lian na nakiupo agad sa tabing mesa kung saan may magandang mestizang babae.

" Hindi ka pa nasanay" sabi ko

"yeah right.." si Sara " but we're here para icelebrate ang pagbalik ko, but looks like sumama lang yun para mambabae. that asshole!" padabog siyang umupo

"Sara! I heard that!" sigaw ni Lean

"and so? wag kang magkakamaling bumalik dito!" mataray niyang sabi walang pakialam sa nahihiya ng babae na akbay ni Lian.

nasa isang filipino seafood restaurant kami ngayon, ani niSara sawang sawa na siya sa western foods, hindi din siya ganoon kahusay magluto kaya kaunting putaheng pilipino lang ang alam niyang gawin.

"Bro come on! That's so lame" nanunuyang sabi ni Troy kay Lance.

"Get a life dude!" Binato ni Damon si Lian.

Hindi ko maintindihan kung ano ang pinaguusapan nila. Simula nang makadating kami hanggang ngayon na hinihintay namin ang pagkain na inorder ay may kung ano pa din silang pinaguusapan

"May problema ba Rome?" Nakatingin saakin si Nikko. Umiling ako at sumandal sa inuupuan ko.

"Pagod lang siguro sa training"

Narinig ko ang pag vibrate ng cellphone ko. May mensahe galing kay Zayn.

Napatingin ako sa direksyon niya. Nasa tabi siya ni Lance na kaharap ko. Ang lapit ko na nga sa kanya , hindi niya pa sinabi ng harapan.

You look tired, I'll drive you home after this.

Nagtipa ako ng maikling mensahe sakanya at nisend kaagad ito.

Its fine. Ok lang ako.

Nakita ko siyang ngumuso, saka nagtipa ng kung ano nanaman sa cellphone niya. 

It's not ok with me, I don't want you tired

Kumalabog ang puso ko sa reply niya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam ang isasagot kaya sa halip na magreply ay binalik ko na lang sa bulsa ko ang cellphone ko.

Narinig ko ang bahagyang paghalakhak ni Nikko na nasa tabi ko. Bumaling ako sa kanya at nakangisi ito

"Nikko, nakibasa ka nanaman ba sa phone ko?" Mahina ngunit mariin ko siyang tinarayan.

Nagkibit balikat lang ito at humalakhak.

"Nice one Z" nakangisi pa itong tumapik sa kaharap na si Zayn .

"hoy hoy hoy! ano yan?" pakikiusosyo ni Sara pero siguro dahil sanay na siya sa mga kalokohan ng pinsan niya, she didn't dig into it.

Bumaling ulit saakin si Nikko ng nakangisi at kusang umikot ang mata ko sa abot ng makakaya. Ersh! Tsismoso talaga ang isang ito ! Kainis!

"Punta lang ako washroom" sabi ko saka tumayo.

"sama ako Romee!" si Sara na inayos muna ang gamit bago tumayo. Dumako ang tingin ko kay Zayn na abala nanaman sa cellphone niya.

Fall In Love With a JerkWhere stories live. Discover now