Chapter IX

90 63 4
                                    




Never

Nitext ko si Troy para icongratulate sa naging panalo nila. Alam kong masaya siya at natalo nila ang kupunan na naging dahilan kung bakit hindi siya nakalaro last year.

Naligo muna ako bago magpalit ng pambahay. Simpleng shirt at shorts lang ang sinuot ko. Pagkatapos ko magayos ay lumabas na ulit ako para pumunta sa kwarto nila Frances. Napagkasunduan namin na sa kanila kami ngayon maghahapunan dahil magmovie marathon daw kami ngayong gabi. Baka sa kanila na din ako matulog ngayong gabi.

"Bruh ayusin mo naman ang paghiwa jan sa sayote!"

"Kung ikaw kaya maghiwa dito at ako ang magbabalat niyan!"

Nadatnan ko nanaman na nagaaway ang dalawa. Si Hillary na naghihiwa ng mga sayote at si Frances na nagbabalat ng sibuyas.

"Yo Bruh" sabi sakin ni Ces ng makalapit ako sa kanila.

"Bruh hugasan mo nga yung manok" utos agad saakin ni Treasurer.

"Baka gusto mo pagpahingahin muna si Ally? Kadadating lang niya" mataray na sabi ni Ces kay Hill. Tama nga naman siya kadadating ko lang at dapat magpahinga muna ako HAHA

"Anong magpahinga. 3 kwarto lang ang nilakbay niyan papunta dito" sagot niya naman . Ngumuso ako at dahil wala naman akong choice, gagawin ko na lang ang gusto niya

"Oo na oo na. Ito na nga huhugasan na" dumitetso na ako sa sink para hugasan ang manok . Tinola ang lulutin ngayon para sa hapunan.

"Ally. Ikaw na din ang magtimpla. Wala akong tiwala dito kay Hillary"

"Anong walang tiwala . Ikaw nga ang hindi marunong magluto saating tatlo!" Sagot naman ni Hillary kay Frances.

"So marunong ka na sa lagay na yan. Nung huli ka nagluto hindi malaman kung nilaga ba o sinigang yung niluto mo" Sagot naman ni Ces kay Hillary.

"Pwede bang tumahimik kayong dalawa? Ako na ang magluluto . Ayusin niyo na lang ang pagtatalop jan" sabi ko upang mahinto na sila sa pag aaway.

Normal na saamin ang magsagutan tatlo. Hindi kami tulad ng iba na napakasweet ng frienship. Hindi kumpleto ang araw naming tatlo kung hindi kami nag aaway. Kahit ganito kami ay mahal naman namin ang isa't isa.

"Frances ano ba itong kanin na niluto mo?! Ano to lugaw?!" Sigaw ni Hillary kay Frances nang icheck niya ang kanin.

"Hala. Sorry mga bruh. Hindi ko natantya ng maayos" sabi ni Ces ng makita niya nga na nasobrahan talaga siya sa patubig.

"Buksan mo lang ang takip Hill" sabi ko naman. Na sinunod naman ni Hillary.

"Sa susunod ako na ang magsasaing, ikaw naman Frances ang magtalop, tutulungan na lang kita. At ikaw naman Ally ang magluto" pumayag naman kami ni Ces sa naisip ni Hillary.


Natapos na akong magluto at ngayon ay kumakain na kami. Panay ang reklamo ni Hillary sa kanin na kinakain namin at panay din naman ang pabalang na sagot sa kanya ni Ces. Buti na lang at kahit papaano ay natapos kami ng pagkain ng matiwasay dahil pinagtyagaan na lang namin ang kanin . Hindi namin kaya ang magsayang lang ng bigas. Kaya kahit maging lugaw talaga ang kanin ay kakainin pa din namin ito. Ganyan kami kapurita.

"By the way, kamusta ang laro?" Tanong ni Ces

"Psh, nanalo sila and bakit naman hindi niyo ako sinamahan?" Kagabi ay nitext ko sila na samahan ako. Sabi nila ay pupunta sila ngunit parehas silang hindi ko mahagilap kanina

Binaba ni Hill ang hawak niyang kubyertos at tinaasan lang ako ng Kilay

"Magpasalamat ka na lang saamin. We just saved your ass from cleaning the mats, alam mo bang tinawag kami pabalik ng gym para maglinis" Sumilay ang pagkairita niya.

Fall In Love With a JerkNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ