Chapter 18

32 17 1
                                    



Katatapos lang ng morning Jog at ngayon ay nag tipon tipon kami sa Judo room. Naghihingalo at karamihan saamin ay nakasalampak na sa sahig.

"Ehem ehem" paninimula ni Coach, nagsituwid mula sa pagkakahiga ang kanina ay mga nakasalampak sa sahig

"I have an announcement to make, isang good news at isang bad news, ano muna ang gusto niyo marinig?"

"Good news!!" Sigaw ng team captain namin sa malayo

"Good news na lang coach para hindi masyado ang bad vibes!" sigaw din ni Ian na katabi ko

"Good news coach!"

Halos lahat kami ay gusto ay good news muna, para na din siguro mas maganda ang pag tanggap namin kung ano ang sasabihin man niyang balita na kasunod

"Sige, dahil mabait ako at ako ang paborito niyong coach ay uunahin ko ang Bad News!" 

Madramang Tumawa pa siya na parang isang kontrabida sa pelikula.

Umangal ang lahat pero wala na kaming magagawa .

"Iisa ka lang naman na coach namin!" Mataray na sabi ni Ces.

Aba, sungit ata ni mayora! Tarayan ba naman si Coach

"Bad trip agad Frances? Chill ka lang, wag mo masyado dib dibin " tumawa pa si coach sa pagtataray ni Ces

"Don't worry coach, hindi niya didib dibin, di niya kaya kasi wala siyang dibdib! Likod lang!" Eksahaderang sabi ni Hillary .

"Nice one Hill!" Syempre dahil mabuti akong kaibigan , ginatungan ko na 

"Hoy hindi naman siya puro likod ! Sadyang napaka liit lang!" Ani naman ni Ian na akala mo ay pinagtatanggol si Frances pero nakikikantyaw lang din naman

"Shatttap! " sigaw ni Ces , lahat ng nagtatawanan ay napatigil ngunit mas lalo lang natawa sa kanya ,

"Don't worry Ces atleast may masasandalan kami pag may problema!" Ani naman ng isa pa naming kateam

"Asa kang pasasandalin kita!"

"O siya siya! Tahimik " paninita ni coach na akala mo ay hindi nakisali sa kantyawan, siya pa nga ang nauna

"Ano gusto niyo ba marinig ang balita o ayaw niyo?"

"Ayaw namin!" Sabay sabay na sabi namin . Aba kung masisira ang araw ko ay huwag na lang !

Mukhang bigo si Coach pero ngumisi ito ng nakakaloko . Oo na , gwapo ka na coach , hindi na kailangan ipamukha

"Whether you like it or not , iaannounce ko pa din" at tumawa nanaman siyang mag isa sa harap

"Ano ba kasi yun coach ?" Tanong ko para matapos na, wala na pala kaming choice eh

"as you all know, ilang linggo na lang ay maguumpisa na ang national olympics, sa mga fresh men na hindi pa alam masyado ang mechanics ng olympics ay ieexplain ko mamaya" paninimula niya

"So regarding this matter, alam niyong isa ito sa pinakamalaking event na masasalihan niyo, irerepresent niyo ang buong XSU kaya hindi biro ang mapasali dito, magkakaroon ng pagbabago sa Training Schedule, sinang ayunan na ito ng mga nasa itaas kaya wala na kayong magagawa," at tumawa nanaman siya bago nagpatuloy

Fall In Love With a JerkWhere stories live. Discover now