Chapter 21

34 16 1
                                    

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Di tulad ng araw araw na damit pang training, isang dilaw na bestida na hanggang tuhod ang suot ko. Ang madalas na nakalugay kong buhok ay nakasikop at nakataas. Ang rubbershoes na nakasanayan kong gamitin ay napalitan ng high heeled shoes at angmas nakakapanibago sa lahat ay ang plain at simpleng mukha ko ay nilagyan ng make up na hindi naman kakapalan.

"Damn, you look so pretty Rome" utas ni Nikko na nasa likod na nakatingin sa repleksyon ko

"Kung hindi ka lang si Sandy, pakakasalan na kita" natatawang sabi ni Lian na nakahiga sa kama ko at dinudungaw din ako

napailing ako at Nilingon ko sila"hindi ba masyado naman itong pinabihis niyo saakin?"

umiling lang si Lian "I don't see anything wrong with it" nagkibit balikat ito "mas pinaganda ka lang"

napabuntong hininga ako, ngayong araw na ang meeting na sinasabi nila kasama ang manager nila na mamaya ko pa lang makikilala. Si Lian at Nikko na parehong nasa kwarto ko ay nakabihis din ng pormal. Lian in his gray suit while Nikko in his white polo and black tux. They look just look astonishing. Hindi na ako magtataka kung agaw eksena nanaman sila.

narinig ko ang dalawang katok sa pinto at ang pagbukas nito ay iniluwa naman si Troy sa kanyang white suit. Mukha siyang anghel sa suot niya wag lang bahiran ulit ng kalandian.

"Tapos ka na Romee?" tanong niya saakin

"yep!" pinasadahan ko pa ng huling beses ang sarili ko bago kinuha ang clutch ko

"nandon na daw si Damon at Zayn hinihintay si manager" si Troy habang nakadungaw sa cellphone

maaga sila umalis dahil nagpasama si Damon kay Zayn. May aasikasuhin daw sila sa labas ng XSU. Napagkasunduan din naman na susunod na lang kami doon nila Lian.

Nagaabang na ang sasakyan ni Lance pag labas namin. Hindi ko alam kung anong trip niya pero bumagay naman sa kanya ang kulay pulang tux. Nauna nang sumakay si Lian sa likod dahil iiglip daw ito, tumabi naman ako sa kanya . Si Troy ay sa harap na umupo dahil baka daw madumihan ang suot niya kung sa likod siya.

"ang arte mo Troy!" si Nikko na tumabi saakin

"baka nga tapakan niyo nanaman o dumihan ang suot ko! wala akong tiwala sainyo!"

nakasukbit ang kamay ko sa braso ni Nikko ng pumasok kami sa hall ng isang hotel sa east side. Akala koay tipikal lang na meeting ang gaganapin pero mukhang isang pagsasalo pala ang gaganapin. Nilibot ng mata ko ang buong venue, tanging matatanda o di kaya ay mga sikat na personalidad ang narito. Hindi ako makapaniwala na ang isa sa mga iniidolo sa Judo ay narito din .

"Rome, punta na tayo sa mesa natin" si Nikko. Winala ko ang tingin ko sa iniidolo at sinundan siya kung saan naroon sila Damon.

Zayn in his dazzling all black suit is now looking at me like Im a dessert he's been waiting for. Oh Ally! saan mo nakuha 'yon?

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na pinamulhan ko.

Sa tabi niya ay isang sopistikada tignan na babae siguro ay magkaedad lang sila ni papa, masasabi kong maganda siya lalo na noong kabataan niya maputi ito at mas pinatingkad ang kutis niya ng suot niyang pulang corporate attire na may itim na scarf.

Fall In Love With a JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon