Chapter 16

51 24 4
                                    



"Fajardo, Estrada may dalaw kayo!" Sigaw ng lalaki na nakatambay sa labas ng classroom ni Hillary at Frances.

"Ano kami nasa prisinto?!" inis na sabi ni Hillary sa lalaki habang si Ces naman ay pailing iling lang

"Chill lang, wag mo masyadong dibdibin, tandaan mo wala ka non" pang aasar ng lalaki kay Hillary saka humagalpak sa tawa, si Hillary naman ay nagaalburuto na sa inis

"Zup bruuhh! Buti naalala mo pang dalawin kami" ani ni Cess nang makalapit ito saakin

"Ah, hehe sorry bruh busy lang" sagot ko naman hindi pa din nawawala ang tingin sa dalawang nag aaway sa harap ko

"Eh ano naman kung wala! At least maganda!"

"Maganda? Ay babae ka pala, ngayon ko lang nalaman!" humagalpak nanaman sa kakatawa ang lalaki .

Seriously? Anong nangyayari dito?

"Hayaan mo na yang dalawa, naglalambingan lang sila" Bulong ni Frances

"What did you just said??" Pikon na si Hillary na halatang nagtitimpi lang

Nilapitan na ni Cess ang dalawa, si Hillary na kaunti na lang ay babalibagin na ang kausap at ang lalaki na mukhang tuwang tuwa sa nangyayari

"Ehem, Hillary, andito si Ally, baka pwede niyong ipagpaliban muna yan" ani ni Ces na halatang sarcastic naman sa kanyang sinasabi. Natigilan si Hillary sa pagsabat muli sa lalaki at napatingin sa likod ni Cess na kinaroroonan ko. Nawala na ang kunot sa kanyang noo at walang pasubaling tumalon at niyakap ako

"Bruuuhhh! I miss you! Buhay ka pa pala!"

Okaayyyyy???

"Miss you too bruhh, and of course buhay pa ko!" Natatawa ngunit niyakap pabalik ang best friend ko

"Duhhh? Alangan naman multo ang kausap mo?" Pairap na sabi ni Cess saamin

"Ehem!" Pagkukunwaring pag ubo ng lalaki

Masamang tumingin si Hillary sa lalaki "Ehem ka jan! Hindi ka kasali dito panget!"

"Ouch! Why so harsh baby" nagkunwari pa itong nasaktan ngunit may ngisi pa din na nakakaloko

"Baby mo mukha mo! Hindi ako sanggol! "

Okaayyy? Nagpalipat lipat lang ulit ang tingin ko sa dalawa

"Pwede ba magtigil kayong dalawa!!!" sigaw ni Cess na ngayon ay nakapamaywang na.

Pag ganito si Cess ay dalawa lang ang ibig sabihin nito, ubos na ang pasensya niya o nagmamaganda lang dahil may nakapag sabi daw sa kanya na gumaganda daw ito pag nagsusungit.

Napatahimik ang dalawa. Bumaling si Cess sa lalaki na ngayon ay nakangisi pa din

"Ally itong bugok pala na to ay si Vino, Vino yang bakulao pala na yan kaibigan namin si Ally"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa paraan ng pagpapakilala niya. Pero pinagkibit balikat niya lang ito

Maging ang lalaki na si Vino daw ay nakataas na ngayon ang kilay kay Cess

"What the Hell Pranseska! Sinong bugok ang tinutukoy mo!" iritadong sabi ni Vino

And ano daw? Pranseska?

"Malamang ikaw! Alangan naman si Ally!" Sabat naman ngayon ni Hillary

Bumaling naman si Vino kay Hillary na nagmamaganda at nakahalukipkip ngayon sa tabi ko. "Hindi ikaw ang tinatanong ko. Doon ka nga! Hindi ka kasali dito flatypus!"

Fall In Love With a JerkWhere stories live. Discover now