Chapter 15

51 24 6
                                    






Nagiwan ako ng isang sticky note tulad ng nakagawian, na nagsasabi na nakaalis na ako at babalik na lang mamayang gabi.

Lumipas ang ilang linggo na iniiwasan ko si Zayn. Gigising ako ng napaka aga para ipagluto sila. Aalis ako bago pa sila magising at babalik naman para ipagluto muli sila at matutulog bago pa sila makabalik.

Ngunit kung inaakala ko ay madali lang ang iwasan siya, ay isa itong malaking pagkakamali.

Noong una ay ang maaga kong pagising  na alas kwatro ng umaga, ay ang pag gising na din ni Zayn. Ani niya ay ihahatid niya ako sa oval at kahit tumanggi daw ako ay wala naman akong magagawa.

Sa aming klase din ay hindi niya ako pinapalagpas, hindi ko alam kung ano ang ginawa niya pero ni isa sa mga kaklase ko ay ayaw tumabi saakin. Sinubukan kong tanungin si Lian pero wala akong makuhang matinong sagot.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa pero isa lang ang alam kong dapat kong gawin. Yun ay ang iwasan siya dahil sa bawat bagay na ginagawa niya ay may kung ano sa sistema ko ang nagagambala.


Hindi pa sumisikat ang araw paglabas ko ng bahay. Madilim pa din ang kalangitan dahil alas kwatro pa lang ng umaga. Ang malamig na hangin ay nagpanginig at nagpatindig sa aking balahibo kaya yinakap ko ang aking sarili at nagumpisa nang tumakbo.


Hindi ko na hinintay na magising si Zayn. Marunong naman akong makonsensya. Alam kong pagod iyon kagabi at kailangan niya ng pahinga!

Sa ngayon ay kahit malayo ay sasanayin ko na ang sarili ko na takbuhin mula dito sa downtown hanggang sa campus proper. Maya maya din naman ay pagpapawisan na din ako pag nakalayo na ako kaya ininda ko na lang ang lamig at mas binilisan na lang ang pagtakbo

"Naks ! Aga ata ng exercise natin ha" Nasa kalagitnaan na ako ngayon ng pagtakbo nang may nagsalita sa likod ko.

Lumunok muna ako dahil sa kaba bago dahan dahan lumingon sa aking likuran.

Jusko Lord! wag naman sana manyakis ito!

Mas lalo ako kinabahan ng makitang naka itim ang lalaki at nakasumbrero may mask din itong itim at nakasuot ng eyeglasses.

"Sino ka? Wag kang lalapit !" ani ko at pumosisyon na para kung sakaling lumapit siya ay madali ko siyang maibabalibag.

Sa halip na kabahan ay naweirduhan ako sa lalaki. Dahil kasalukuyan siyang tumatawa magisa sa hindi malamang dahilan. Lakas ng trip nito!

"Hoy, kuya ayos ka lang?"

Saka lang siya bumaling saakin nang nahimasmasan na siya. Saya niya ha! May takas pang luha!

"Seriously? Halos madikit na nga ako sayo tapos sasabihin mo pang wag ako lalapit? "

Ay oo nga ano? Tanga Ally! Bakit hindi ko naisip yun? Tska bakit parang pamilyar yung boses nito

"Relax ka lang. come on, its me!" Ani niya at ibinaba ang mask na suot niya at ngumisi ng malapad

"Ikaw nanaman?! Bakit ba mahilig ka mag get up ng pang criminal ?!" Sabi ko sa lalaking kailan lang ay ipinagluto ko at nilibre ako ng ice cream

" fashion nga kasi to! Baduy ka lang kaya hindi mo maappreciate!" Pikon na sabi niya at pinagdiinan niya talagang fashion yan.

Kung totoosin ay, maganda naman talaga siya pumorma, matangkad at matipuno siya kaya nakikita ang magandang hubog na katawan niya sa kahit anong isuot niya. Tanging ang mask , shades o di kaya ay ang sumbrero niya ang hindi ko magets!

Fall In Love With a JerkWhere stories live. Discover now