Chapter 12.2

49 32 3
                                    



Really a Disaster 2.0

Troy Justin Viiperi...

Ngayon lang may naisip na matino si Lance kaya pinagbigyan na namin siya. Saakin naatas ang pagwawalis at paglalampaso ng sahig.

Ni minsan ay hindi ko pa nasubukan ang gawin ito. Hindi na din ako nag abala buksan ang cellphone ko para isearch ito. Dahil sigurado akong si Chief ang unang tatawag pag binuksan ko na ito.

"Fvck. Luigi hindi marunong si Daddy Troy nito" kausap ko ang nag iisa naming alagang aso na si Luigi

Naglalaro lamang siya sa paanan ng hagdanan. Kanina ay niliguan na siya ni Lance kaya malamang ay mabango na ulit ito.

Ang naalala ko ay dapat binabasa ang sahig bago imap, kaya ginawa ko ang unang dapat gawin . Kumuha ako ng dalawang timba ng tubig. Pagkabalik ko sa sala ay itinabi ko muna ang mga sofa para hindi ito mabasa .

Inilabas ko na din ang mga carpet para mapaarawan. Hindi naman kailangan maging eksperto kung gusto mo maglinis. Napag isip isip ko na ang kinakailangan lang naman dito ay common sense.

Saktong paglabas ko ay nakapark pa ang sasakyan ni Zayn, alam kong iinit ang ulo noon sa gagawin ko kaya ginawa ko pa din. Doon ko inilatag ang carpet para paarawan.

Muli ay pumasok ako at kinuha si Luigi na naglalaro pa din. Ipinatong ko siya sa sofa para hindi siya madumihan

"Luigi, maglilinis si Daddy Troy, wag ka makulit jan para hindi ka madumihan"

Hinaplos ko muna ang balahibo niya saka binalikan ang mga timba ng tubig na kinuha ko kanina

Nagumpisa na ako sa pamamagitan ng pagbuhos ng dalawang timba ng tubig sa sahig. Napansin ko din na maraming dumi sa kung saan nakalagay ang carpet kanina . Kaya kumuha ulit ako ng isa pang timba ng tubig para ibuhos dito .

"Yan! Naiagos na ang dumi, this is the easiest job!"

Natuwa pa ako ng maalala na si Lance ay siguradong problemado na sa kusina habang si Lian naman ay marahil gusto ng itapon pabalik saamin ang mga labada.

"Luigi, wag ka lalapit muna sa iba mong daddy. Si Daddy Lian mo ay marahil magaspang na ngayon ang kamay. Malalagas ang balahibo mo kung magpapahawak ka doon!" Ani ko habang binubuhusan ng sabon ang sahig

Inabot ko naman ang isa pang pakete ng sabon at binuhos ulit sa sahig

"Si Daddy Lance mo naman, wag ka din lalapit doon ! Baka lumaki kang puro kalandian lang ang alam ! Alam mo bang nag aaral siya magluto para maihanap ka ng mommy? Pero bago pa siya makahanap ng mommy mo ay may bago ka na ulit na kapatid"

Nagumpisa na ako magmap at patuloy pa din sa pakikipagusap kay Luigi

"Bawas bawasan mo din ang pagsama kay Daddy Zayn mo, masyadong maarte yun! Bading siya Luigi, tawagin mo na lang siyang mommy !"

"Pwede na siguro ikaw lumapit lapit kay Daddy Nikko mo, hindi ka magugutom pag kasama mo yun! Pero kailangan mo muna umiyak ng dugo bago ka ilibre nun. "

Hindi naman ako pinapansin ni Luigi sa mga pinagsasabi ko. Masyado siyang busy sa nilalaro niyang buto.

Napansin ko na hindi masyado basa ang bandang dulo ng sala dahil malaki nga naman ito kaya muli ay kumuha ako ng tatlong timba pa ng tubig para sigurado na.

Ibinuhos ko ang mga ito sa aming sahig at naglabas muli ng mga pakete ng sabon at ibinuhos din dito.


"Maglilinis muna si Daddy, panoodin mo ko para matuto ka Luigi. Watch and learn!"

Hinubad ko muna ang suot ko na T-shirt saka nagumpisa muli sa pagmamap.

Map lang ako ng map at laking tuwa ko ng mapansin na natatanggal ang mga mantya sa sahig

Piece of cake !

"Luigi, see how daddy's muscles flex while mapping the floor? This is why girls drool over me"

Araw-araw ay nagwoworkout ako. If I cant go to the nearby gym usually I just work out here at home. May gym kami dito ngunit mas gusto din namin ang mag gym sa labas. Well, we can do multi-tasking kung doon kami magwowork out . We can do fishing for girls and work out at the same time !

"kaya saakin ka na lang talaga dumikit dikit. Wag sa iba mong mga daddy, mga pangit kasi sila "

Pinagpapawisan na ako ngunit pansin ko na bakit hindi nauubos ang tubig. At hindi lang 'yun sobrang bula na din ng sahig.

Sh*t!

I need water para matanggal ang mga sabon. Nagmadali akong pumunta sa CR para kumuha muli ng tubig. Nakakailang hakbang pa lang ako ay nadulas ako at tumama ang braso ko sa sahig .

Fvck! Kinabahan ako at baka nabalian ako. Agad kong sinubukan igalaw ang mga braso ko at laking tuwa ko ng naigagalaw ko naman ito ngunit hindi ko maitatanggi na masakit ito. May malaki din itong pasa na halos kainin ang braso ko.

Sinubukan ko ulit tumayo para kumuha ng tubig. Ipinwersa ko ang mga binti ko sa tulong na din ng isa pang kamay para makatayo. Dahan dahan akong naglalakad, ngunit kahit gaano pa ako kaingat ay nadulas pa din ako. Sinubukan ko humawak sa patunggan ng mga flower vase ngunit mas malala pa ang nangyari dahil pagkatumba ko ay tumama naman sa ulo ko ang vase

Fvck ! 'Yan na lang ang nasabi ko bago dumilim ang paligid ko.

Fall In Love With a JerkWhere stories live. Discover now