💕Chapter 24💕

759 18 0
                                        

Scarlet's POV

Dinilat ko ang isa kong mata ng makaramdam ako ng sakit na ulo. Ano kaya ang naamoy ko kanina at ang sakit ng ulo ko?

Bumangon kaagad ako at tinignan ang kwarto kung saan ako nakakulong ngayon. I can't see clearly dahil madilim ang buong kwarto. Hindi na din ako naka suot ng gown. I'm just wearing a simple white T-shirt at isang black jeans. Ang nagsisilbi kong ilaw ay ang liwanag ng buwan! Oh my god! Buwan?! Meaning gabi na?!

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kaya napalingon ako roon, nakita ko si Mikaela na nakangiti sakin. I just want to kill her right now! She just ruined my wedding!

"Hi Scarlet!" sabi niya, nakangiti parin sakin. Nakakakilabot ang ngiti niya! She became thin, malaki din ang eyebugs niya... para siyang adik!

"Kumusta ang tulog mo?" lumapit siya sakin

"Bakit mo ba to ginagawa samin? Wala naman kaming ginagawang masama sayo. Why can't you just leave us... alone" naiiyak kong sabi

"Leave you? Alone? I can't do that! Inagaw mo si Zack sakin! Ang landi mo! Ang landi landi mo! Lahat nalang ng gusto ko inaagaw sakin! Pati ba naman si Zack, Scarlet?! Kung hindi ka lang pumunta dito sa Pilipinas masaya na sana kami ngayon! I don't deserve this kind of life Scarlet! Palagi nalang akong third wheel!"

"That's not my fault anymore! Hindi ako malandi! Ikaw ang malandi! Ikaw nga itong sumasawsaw sa buhay namin eh! Hindi ko inagaw si Zack sayo! Sadyang mahal niya ako Mikaela! Hindi ko kasalanan na ako ang pinili niya Mikaela! Ako ang pinili niya dahil ako ang maha-" isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sakanya

"Hindi ka niya mahal! Ako ang mahal niya! Pinapaselos niya lang ako!" the fuck?!

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Akala ko ba matalino ka? Why can't you just accept the fact that Zack is mine! He is mine and he will never be you-ahhhh!" bigla niya akong sinabunutan kaya sinabunot ko din siya, bago pa ako makahiga sa kama may umalalay na sakin

"That's enough Mikaela!" sabi ng isang lalaki sa likod ko, napalingon kaagad ako sa lalaki. Halos lumuwa na ang mga mata ko ng makita kung sino ito

"B-Bryan?" ngumiti lang siya sakin

"Hi Scarlet!" napairap nalang ako, tinignan niya si Mikaela

"Leave" sabi niya

"Tss..." umalis kaagad si Mikaela sa room

"Akala ko pa naman mabuti kang tao, pero kasabwat ka din pala ni Mikaela!" I said

"Mabuti naman talaga akong tao Scarlet..." lumapit siya sakin at yumuko, isang inch nalang at magtatama na ang ilong namin kaya iniwas ko ang mukha ko

"... kaya lang, Zack stole my spotlight" napatingin ako sakanya, siya nga pala ang pinakamasikat na model sa Pilipinas noon pero nang dumating si Zack nawala ang lahat sakanya

"He also stole you from me" napatingin ako sakanya

"What?!" ano bang sinasabi niya?

"Hindi mo ba talaga ako matandaan Scarlet?" umiling naman ako

"Remeber the Mr. and Ms. Campus? Diba umalis tayo ng Manila? Tapos umupo ka sa dapat upuan ng partner ko?" tumango lang ako sakanya

"Also the time nung may humablot sa cellphone mo, nandun ako Scarlet, I was with the other gangsters" so that's why he looks so familiar to me! Siya pala yung mukhang leader. Kaya pala nung nakita ni Zack si Bryan, nagalit siya

"But why did you do that? Bakit ka nandun?" tanong ko

"It was actually Mikaela's plan, but we didn't expect Zack with you" he said

"So it was a failure?" tumango naman siya

"And what do you mean by 'he also stole you from me?'" ang dami kong tanong

"I told him that I like you, sabi niya tutulungan niya ako pero iba ang ginawa niya. He made you fall for him. Everybody knows how much you hate him kaya he said that it will be an achievement to make you fall for him! I thought he was just messing around pero-" naputol niya ang sinasabi niya nang makarinig kami ng putukan sa labas, may biglang pumasok sa kwarto at may binulong ito kay Bryan

"Ano?! Bantayan niyo ang kwartong to! Make sure na hindi siya makukuha ng lalaking yun!" sabay turo sa labas. Lumabas si Bryan sa kwarto kaya naiwan kami ng lalake dito sa loob.

Sinong kaya ang tinutukoy niya? Si Zack kaya?

Once AgainWhere stories live. Discover now