💕Chapter 10💕

857 19 0
                                        

Scarlet's POV

Nandito na kaming lahat sa office ni ate Reina. Nabigla nga sila dahil magkasama kami ni Zack.

Umupo na ako sa tabi ni Alex na nakakunot noo sakin na katabi lang ni Zandher. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.

"Uy! Nandito ka na pala Scarlet.... nga pala, hindi mo sinabi sakin na fiance mo pala si Alex" sabi niya na ikanagulat ko

"Sorry, nadulas ako eh" sabi ni Alex at kinamot ang batok niya

"It's okay Alex, friend naman natin si Zandher eh" sabi ko, liningon ko si Zack na ngayon ay nakatingin ng masama kay Alex habang si Mikaela naman ay nagpapapansin sakanya. Binalik ko nalang ang pansin ko kay Alex

"Bakit kayo magkasama ni Zack?" tanong niya

"Oo nga Scarlet, close na ba kayo?" tanong naman ni Zandher

"Ummm... nagkita kasi kami sa labas kaya sumabay na siya sakin" pagsisinungaling ko, tumango lang sila

"Glad your all here" sabi ni ate Reina na kakapasok lang

"So ang gusto ko lang sabihin is may photoshoot tayo sa.....Palawan! Yes, sa Palawan"

"Palawan?!" tanong naming lahat

"Bakit? Ayaw niyo dun? Ang ganda kaya dun" sabi ni ate Reina at umupo sa desk niya na nasa harap naming lahat

"Okay lang sakin" sabi ni Zack na sumulyap sakin, napatingin naman ako sakanya na ngayon ay nakangiti sakin. Umiwas nalang ako ng tingin ng mapansin ng lahat ang titigan naming dalawa

"Ako din, okay lang sakin, kahit saan basta kasama ko si Zack!" sabi ni Mikaela at pinulupot ang braso niya kay Zack. Ang harot talaga!

"Ehem!" pagkukuha ng atensyon ni ate Reina kay Mikaela

"So, wether you like it or not, sa Palawan tayo pupunta, so Zack at Scarlet...kayo ang magpartner okay?" huminga nalang ako ng malalim, tumango nalang ako

"Siya ang magiging partner ni Zack?" tanong ni Mikaela

"Yes, bakit?" mataray na tanong ni Sahara

"Am I talking to you?" I smell trouble

"That's enough girls" sabi ni ate Reina

"Kailan ang alis namin?" tanong ni Alex

"Tomorrow" sagot ni ate Reina

"You may leave my office" nagsitayuan kaagad kaming lahat at lumabas ng office

"Alex, I'm sorry, hindi ko sinabi sayo na partner ko si Zack" sabi ko

"It's okay Scarlet, at least wala ka ng nararamdaman para sakanya" sabi niya and gave me peck on my lips. May biglang nagtext sakanya kaya tinignan ko siya.

"Ahh, kailangan ko ng umalis Scarlet" sabi niya at kinamot ang batok niya

"Okay, mukhang importante eh" sabi ko

"Bye Scarlet, sorry talaga" tumakbo na kaagad siya palabas

Nabigla nalang ako ng may humila sakin papunta sa storage room. Sinandal niya ako sa pader. Pero mas nabigla ako ng hinalikan niya ako.

"It's me Scarlet" si Zack lang pala

"Bakit hinayaan mo siyang halikan ka?"

"Zack, he's my fiance"

"But those lips are only mine Scarlet, walang pwedeng humalik sayo kundi ako lang" sabi niya

"Za—ugh!" kinagat ko nalang ang labi ko ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa leeg ko

"Wha-what are you doing?" tanong ko

"Leaving....a mark" sagot niya habang patuloy parin siya sa paghalik sakin. Nang matapos na siya sa ginagawa niya, nakita ko siyang ngumiti sakin

"Now, your mine again....only mine, wala ng pwedeng umagaw sayo Scarlet, remember that" bulong niya at marahang kinagat ang tenga ko. Shit!

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon