💕Chapter 7💕

833 24 0
                                        

Scarlet's POV

Nang matapos na kami sa pagkain, nagpaalam na akong umuwi kay Kuya at Beatrice kaya lumabas na ako ng bahay.

Kaya lang nomromroblema ako dahil ayaw umandar ng kotse ko, pati ang gulong ko ay flat. Aishh! Sino gumawa nito?!

Zack's POV

Palabas na ako ng bahay ngayon ng makita ko si Scarlet na parang may problema. Nagtataka siguro siya kung sino ang gumawa niyan sa kotse niya. Well, handa akong magkwento...

Flashback...

Papasok na sana ako ng bahay ng mapansin ko ang kotse ni Scarlet na nakapark sa tapat ng bahay nila. Bakit ko alam? Nakita ko na kasi yan noon.

Iiwan ko nalang sana ito ng may maisip akong kalokohan. Napangiti nalang ako sa naisip ko. Kumuha ako ng cutter at sinimulang sirain ang makina niya pati na din yung gulong niya.

Nang matapos na ako, binalik ko ang cutter sa bag at pumasok sa loob ng bahay.

End of flashback...

Ang ganda talaga ng naisip ko. I'm so proud of myself. Bakit ko ginawa yun? Malalaman niyo rin.

Lumapit ako kay Scarlet at hinarap siya.

"Anong nangyari?" painosente kong tanong

"Nagulat naman ako sayo" sabi niya sabay hawak ng dibdib niya

"Sorry, so ano ngang nangyari sa kotse mo?" tanong ko ulit

"Eh kasi, nasira yung gulong, pati na din ang makina kaya ayaw umandar" sabi niya sabay sabunot ng ulo niya

"Sumabay ka nalang sakin" sabi ko

"Ha? Naku, wag na, magtataxi nalang ako" sabi niya, pakipot pa

"Delikado Scarlet, paano nalang kapag masama pala yung nasakyan mo? O di kaya kidnapper? Pwede niyang ibenta ang mga lamang loob mo" sabi ko, pumayag ka na kasi

"Well, depende naman sayo kung gusto mo talagang makidna-"

"Sige, sasabay na ako!" ganda talaga ng plano ko

"Nasan ba kotse mo?"

"Hindi kotse ang ginamit ko, nag motor lang ako" sabi ko sabay kamot ng batok ko

"O-okay lang" sabi niya

"Sabi mo eh" naglakad na kami patungo sa motor ko, sumakay na ako at sinuot ang helmet ko, tinignan ko naman si Sarlet, buti nalang talaga at hindi siya nakapalda. Inabot ko sakanya ang isa ko pang helmet

"Bakit may isa ka pang helmet?" tanong niya sakin habang sinusuot ang helmet

"Minsan kasi sumasakay si Mikaela sa motor ko kaya may extra akong helmet " sagot ko

"Ahhh..." yun lang ang nasabi niya, bakit parang may halong hinanakit ang boses niya? Well, malapit na Zack, malapit na, umangkas na siya sa likod ko at humawak sa balikat ko

"Wag ka diyan humawak Scarlet, baka kapag nagdrive na ako makita nalang kitang nakahandusay sa kalsada" sabi ko, humawak siya sa damit ko

"Para doble ingat dito ka nalang humawak" sabi ko at pinulupot ang dalawa niyang kamaw sa bewang ko, hindi naman siya umangal, maparaan ka talaga Zack, ang galing mo

Once AgainWhere stories live. Discover now