💕Chapter 17💕

831 23 2
                                        

Scarlet's POV

Dinilat ko ang aking mga mata ng makarinig ako ng ingay. Nakita ko sina Sahara, Jashley, Aira, Zandher, Alex, at si Zack na nakatalikod sakin, mukhang nag uusap.

"Guys" tawag ko sakanila, lumingon naman kaagad sila at napangiti, lumapit kaagad si Jashley sakin at niyakap ako

"Scarlet! Akala ko hindi ka na gigising!" naiiyak na sabi ni Jashley, napatawa ako ng mahina

"Tumawag kqyo ng doctor!" sabi ni Aira kay Zandher

"Wag na, okay na ako" sabi ko

"Sure ka?" tanong ni Sahara, tumango lang ako sakanila

"Tatlong araw ka kayang tulog" sabi ni Zack, ang tagal naman ata, inalalayan nila akong makaupo

"Hindi ka naman siguro na amnesia noh?" tanong ni Alex, tumawa nalang kaming lahat, nilibot ko ang aking paningin at parang nasa ospital ako

"Nasa ospital ka, nandito na tayo sa manila " sabi ni Sahara

"Ano bang nangyari?" hindi ko na kasi matandaan, ang natatandaan ko lang ay yung sinaksak ako ni Mikaela ng vase

"Nga pala, si Mikaela?" tanong ko

"Nakakulong na si Mikaela" sagot ni Sahara

"Ano ba kasing nangyari Scarlet?" tanong ni Zandher

"Naabutan ka nalang namin na nakahigasa sahig habang may nakasaksak na vase sa hita mo" sabi ni Aira

"Nag away kasi kami tungkol kay..... Z-Zack" napayuko nalang ako, ayaw kong makita ang reaksyon ni Zack

"Tapos?" tanong ni Sahara

"Niyuyugyog niya ang ulo ko kaya natamaan ang ulo ko sa table. Nabasag ang vase na nakapatong sa table kaya umilag kami ng konti. Nabigla ako ng kunin ni Mikaela ang isang piraso ng vase at sinaksak iyon sa hita ko" pagpapaliwanag ko sakanila

"What the fuck?!" sabi ni Alex

"She's fucking obsessed with you Zack" sabi ni Zandher

"At least nakakulong na siya, wala nang pwedeng manakit kay Scarlet" sabi naman ni Zack tinignan ako

Naging tahimik ang buong kwarto. Mga 5 minutes siguro. Aishh! Kumakalam na ang tiyan ko, gusto ko ng kumain!

"Gutom ako" I said breaking the silence

"Pshh... bakit ngayon mo lang sinabi? Anong gusto mo?" tanong ni Alex

"Kahit ano" sabi ko

"Okay.... Sahara, Jashley, Aira, at Zandher sumama kayo sakin" sabi ni Alex, iiwan niya ako dito?! Kasama si Zack?!

"Sure, Zack ikaw na ang magbantay kay Scarlet, okay?" sabi ni Sahara, tumango lang si Zack sakanya. Lumabas kaagad silang lahat

"I'm sorry" sabi ni Zack

"B-bakit ka nag sosorry?" tanong ko

"Nang dahil sakin nag away pa kayo, It's my fault Scarlet" utas niya

"Nadala lang siya sa selos Zack, mahal ka niya.... you we're right, love is selfish..... ayaw niya na may kahati sayo, gusto niya na nasakanya lang ang atensyon mo.... but, why can't you love her back?" tanong ko, ang bobo mo Scarlet

"Dahil ikaw ang mahal ko Scarlet" sagot niya, lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko

"I love you and I will always do" sabi niya at hinalikan ako, passionately. Tumugon naman ako sa mga halik niya. Hinawakan niya ang likod ko, pulling me closer to him. His kisses became torrid kaya napapaungol na ako.

"I love you too Zack" sabi ko at hinalikan ulit siya. Humiwalay kaagad siya nang may kumatok sa pinto. Pumasok sina Alex na may dalang paper bags na may logo ng Jollibee.

"Eto Scarlet" sabi ni Aira at binigay sakin ang paper bag

"Kumain na kayo?" tanong ko sakanila, tumango lang sila sakin

"Nga pala, sabi ng doctor pwede ka na dawng lumabas, kung okay ka na.... okay ka na ba?" sabi ni Jashley

"I'm fine" sabi ko, totoo naman kasi

Well, I guess okay na ang lahat dahil nakakulong na si Mikaela. That only means that I am safe.

Am I?...

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon