💕Chapter 3💕

941 23 0
                                        

Scarlet's POV

Nakasakay na kami ngayon sa private plane namin papuntang Pilipinas. Malapit na din mag land ang plane. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan kong models. Sina Sahara, Jashley, at Aira.

Magkatabi kami ni Jashley na ngayon ay nanghihiram ng headset kay Aira.

"Sige na Aira, headset lang naman yan eh! At tsaka hindi ko naman yan sisirain" sabi ni Jashley at nagpout

"May trabaho ka nga pero wala kang pambili ng headset?" nang aasar na tanong ni Aira

"Eto Jashley, hindi ko naman ginagamit" sabi ni Sahara sabay abot ng headset niya

"Wow, ang bait mo naman yata ngayon Sahara" sabi ni Aira

"Ang ingay kasi kaya pinahiram ko na" utas niya, napatawa nalang kaming tatlo, well, except for Jashley na ngayon ay nakikinig sa music

Nakinig nalang din ako ng music hanggang sa dalawin na ako ng antok

Nagising nalang akong marinig ko ang boses ng pilot kaya dinilat ko na ang mga mata ko. Pumunta kaagad ako sa CR at naghilamos at nag toothbrush.

Pagkatapos kong magayos, hinanda ko na ang mga gamit koat iniligpit ito. Gising na din si Aira at Jashley, si Sahara nalang ang natutulog.

Nagland na din ang plane, at last!

"Sahara! Gumising ka na!" sabi ni Aira pero parang wala lang naririnig si Sahara dahil hindi man lang ito dumilat. Sarap ng tulog niya.

"Sahara! Gumising ka na, naghihintay si Xiumin sa labas" sabi ko, nabigla nalang kami ng dumilat ito, so she was awake the whole time?

"What?! Bakit hindi niyo sinabi kaagad?" inayos niya kaagad ang bag niya, pati rin yung sarili niya, naniwala kaagad

Dali dali siyang lumabas ng bumukas na ang pinto ng plane. Napatawa nalang kaming tatlo ng makita namin siya nakatulala at parang umiiyak? Damn it!

Lumapit kaagad kami sakanya.

"Anong nang—" hindi na natapos ni Jashley ng magsalita si Sahara

"Nasan si Xiumin?" napailinh nalang ako, adik talaga tong babaeng to

"Umalis na, ang tagal mo kasing dumilat, nagpatulog tulugan ka pa, ayan tuloy, umalis na" sabi ni Aira, inabot ko sakanya ang panyo ko

"Para san yan? Hindi naman ako umiiyak ah" utas niya

"Alam ko namang hindi ka umiiyak, punasan mo ang gilid ng labi mo, tlo laway mo" napatawa nalang sina Jashley at Aira, si Sahara naman nag pout, hindi ka cute...

Sinuot kaagad namin ang mga mask namin, kailangan namin umiwas sa mga paparazzi.

Habang papalabas kami ng airport, may mga bodyguards sa gilid namin para harangan ang mga fans na gusto kaming dumugin. Kumakaway lang kami sakanila. Yan lang naman kasi ang ginagawa namin kapag pumupunta kami ng ibang bansa.

Pinasakay nila kami sa isang kulay puti na van. Well, sumakay nalang kami, yun kasi ang sinabi ni Tita.

"May susundo sa inyo na van kay hindi niyo na kailangan mag taxi"

Tss... bakit naman ako magtataxi? Pwede naman ako magpasundo kay Kuya. Yup, dito na nakatira si Kuya, he's living with Beatrice and their happily married. Eh si Kuya kasi eh!

Flashback...

Narinig kong nagring ang phone ko kaya kinuha ko kaagad ito. Nang makita kong si Kuya lang pala, sinagot ko kaagad ito.

"Bakit Kuya?" narinig kong parang nagpapanic si Kuya sa kabilang linya

["Eh, baby girl.... paano ko ba to sasabihin?"] halata sa boses niya na nafufrustrate na siya

"Just say it Kuya, kung ano man yang pinoproblema mo don't worry, tutulungan kita" sabi ko, mabait kaya ako

["Baby girl, wag kang magagagalit ah"]

"Ano ba kasi yun" may halong pagka irita kong sabi

["Baby girl... aishh!"]

"Kapag hindi ko sinabi mo sasabihin sakin in the count of 5, papata—"

["Buntis si Beatrice at ako ang ama! Damn it!"]

Napanganga ako. What the fuck?! Buntis si Beatrice? At si Kuya ang ama? Does it mean may pamangkin na ako? Well, of course Scarlet, buntis nga si Beatrice diba? At si Kuya ang ama!

End of flashback...

So yun ang nangyari, nabuntis si Beatrice. Her name is Snow and she's 1 year old. Well, at least naka graduate na sila. Hindi naman tutol sina mom at dad, pati na din ang parents ni Beatrice, imbes na magalit, masaya sila dahil magkakaapo na daw sila. Ako naman may pamangkin na!

Once AgainWhere stories live. Discover now