💕Chapter 16💕

781 21 0
                                        

Alex's POV

Pagkatapos namin mag usap ni Scarlet, dumaretso na din ako sa loob ng kwarto namin. Pumasok kaagad ako at nakita ko sina Jashley, Sahara, Aira, Zandher, at Zack na naglalaro... well, except for Zack.

"Guys, labas muna kami okay? Magpapahangin lang" sabi ni Aira, tumango lang kami sakanila, lumabas naman kaagad sila

"Alex, alika, upo ka dito" sabi ni Zandher, si Zack naman ay nakatingin lang sakin

"Pwede bang mag ayos na kayo? Hindi ko kasi kayang nakikita na hindi kayo nagpapansinan, please naman" utas ni Zandher

"Sige na guys! Miss ko na ang dati nating samahan" ang kulit talaga, tinignan ko naman si Zack na nakaupo sa harap ko

"Nakakabading Zandher" sabi ni Zack

"Hindi naman mababawasan ang pagkatao mo kung ikaw ang unang mag sosorry" tama si Zandher

"I'm sorry" sabay naming sabi, napangiti naman si Zandher

"Ako dapat ang magsorry Zack, hinalikan ko si Scarlet sa bar 5 years ago, hindi ko yun sinasadya" panimula ko

"Sorry din dahil sinuntok kita, sorry dahil nagseselos ako sa inyo kahit na wala na talaga akong chance na mapasakin si Scarlet, I'm really sorry Alex" sabi niya at yumuko

"Actually, may chance ka pa" napaangat ang ulo niya

"What do you mean?" tanong niya

"Fiance ko nga si Scarlet pero ikaw naman ang mahal niya, alam kong may relasyon kayong dalawa Zack" sabi ko, namilog naman ang mata niya

"How did you know? Sinabi ba ni Scarlet sayo?" tanong niya, tumango lang ako sakanya

"Zack! May relasyon kayo ni Scarlet?" hindi makapaniwalang tanong ni Zandher

"Shhh...." pagpapatahimik niya kay Zandher

"Habang nandito si Scarlet at ako naman ay nasa Korea, nakabuntis ako" pag aamin ko

"What?!" sabay nilang sigaw sakin

"Bingi ba kayo?! Ang sabi ko nakabuntis ako" inis na sigaw ko

"Hindi kami bingi" sabi ni Zandher

"So paano si Scarlet?" tanong ni Zack

"You can have her" yan lang ang lumabas sa bibig ko, minahal ko din naman si Scarlet pero mas mahal ko na ngayon si Jewly Ann

"Great! Dapat magcele—"

"Ano yun?!" tanong ko, bigla nalang kasi kaming nakarinig ng sigaw

"Si Scarlet!" tumakbo kaagad kami papunta sa kawarto ng mga girls. Pagpasok namin, naabutan namin si Jashley na ginigising si Scarlet na may nakasaksak sa hita niya, sina Sahara at Aira naman ay sinasabunuan si Mikaela

"Tangina! Anong ginawa mo sa kaibigan ko?!" sigaw ni Sahara

"Papatayin kita kapag may nangyari sakanya!" inis na sigaw ni Aira

"Fuck! What did you do?!" galit na sabi ni Zack

"Scarlet! Scarlet! Gising!" patuloy parin sa pag gising si Jashley kay Scarlet

"Buhatin niyo siya!" sigaw ko, binuhat naman kaagad ni Zack si Scarlet na walang malay, sumunod kaagad sina Sahara kay Zack, kami naman ni Zandher ay nasa likod lang nila. Dinala kaagad siya namin sa isang clinic dito sa island.

Pinalabas lang kami ng nurse, siya na daw ang bahala kay Scarlet. Nakaupo lang kami sa bench habang hinihintay ang nurse na makalabas.

"Fuck! Papatayin ko talaga si Mikaela!" inis na sigaw ni Zack at sinipa ang buhangin

After 30 minutes lumabas na ang nurse. Nagmadali kaming tumayo at lumapit sakanya.

"Kumusta na siya?" naiiyak na tanong ni Jashley

"Okay na ang kaibigan niya, tinanggal ko lang ang nakasaksak sa hita niya at nilagyan ko din ng benda ang ulo niya, dumugo kasi ito ng konti, mukhang malakas ang pagkakatama niya sa isang matigas na bagay, kailangan niyo lang siyang patulugin" mahabang paliwanag ng nurse

"Pwede ba kaming pumasok?" tanong ni Sahara

"Pwede, wag niyo lang siyang gigisingin" sabi ng nurse at tumabi para bigyan kami ng daan papasok sa clinic. Nakita namin si Scarlet na nakahiga sa hospital bed. May benda nga siya sa ulo pati na din sa hita niya.

"Gumising ka na Scarlet" naiiyak na sabi ni Aira

"Don't worry, gigising din si Scarlet" sabi ni Zandher

"Bantayan na lang natin si Scarlet" sabi ko, tumango na silang lahat, umupo kami sa couch.

"Zack, paano si Mikaela? Anong gagawin natin sakanya?" tanong ni Sahara na may halong galit

"Ipapa aresto natin siya" sagot ni Zack, tumango nalang kaming lahat

"Sasabihin ko nalang kay ate Reina na hindi muna tayo magtatrabaho habang nakaratay parin si Scarlet dito" sabi naman ni Zandher

"Tama, magpahinga na tayo" natulog na din kami. Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Scarlet Mikaela.

Once AgainWhere stories live. Discover now