Chapter 20

1.2K 34 9
                                    

"Life is but a dream for the dead." -- Gerard Way

CHAPTER 20

Funeral

ISANG linggo na ang nakalilipas nang mamatay si Miracle, patuloy pa rin ang pag-iimbistiga sa nangyari sa kanya. Simula nang mawala siya marami nang nagbago sa aming magkakaibigan pati na rin sa mga taong nasa paligid namin, maraming naghuhusgang maaaring kami ang pumatay sa kanya, ang iba'y pinag-uusapang pinagplanuhan namin siyang patayin. Ngunit sa kabila nang mga panghuhusga ng mga tao hindi namin iyon pinapansin at alam naming hindi kami ang pumatay sa kanya. Marami man ang nagbago sa amin lalo na sa mga taong nakapaligid sa amin isa lang ang hangarin ng bawat isa sa amin, iyong hanapin ang pumatay kay Miracle.

Hindi ko sinasabi sa kanila ang nangyayari sa panaginip ko, patuloy lang ang pagpaparamdam ni Nocturssio, patuloy lang niyang sinasabing ako ang pumatay kay Miracle at ang tungkol sa larong sinumulan niya---namin. Pilit kong iniisip na maaaring binabangungot lang ako dahil hindi siya maalis sa isip ko, ngunit may parte sa isip at puso kong naniniwala sa sinasabi niya.

Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari, idagdag pa na wala akong mapagsabihan nang mga nangyayari sa akin, gusto kong sabihin kay Ate Shi at Kuya Lach pero natatakot ako... Dahil baka hindi nila ako paniwalaan at baka akalain nilang nababaliw na ako.

Hindi ko alam kung kailan matatapos ang lahat ng ito bago pa may mangyaring masama isa man sa amin.

"Zaf, malapit na ba sila?" Nawala ang pag-iisip ko nang biglang tumayo si Sasha sa sofa.

Umiling ako sa kanya at bumuntong-hininga. "Nagtext sila sa akin malapit na raw." Muli siyang umupo sa tabi ko at tinignan ang kanyang cellphone.

Ngayon ang libing ni Miracle, pinag-usapan naming sabay-sabay na kami pumunta sa Holy Cross Memorial Park at magdadala raw ng sasakyan ni Kael, dito na kami sa unit ko magkikita-kita ngunit halos kalahating oras na kaming naghihintay ni Sasha hindi pa rin dumadating sina Kael at Lewis.

I-crecremate sana ang bangkay ni Miracle ngunit ayaw ng mga magulang niya, gustuhin sana naming tumutol pero wala naman na kaming magagawa. Maya-maya pa'y dumating na rin sina Kael at Lewis, agad kaming umalis ng unit ko at bumungad sa amin sa labas ang kulay asul na sasakyan ni Kael.

Isang oras ang byahe papunta sa Holy Cross kung saan ililibing si Miracle, habang nasa loob kami ng sasakyan tahimik lang kami. Si Kael ang nagdadrive at nasa tabi niya si Lewis, habang kami ni Sasha ay nasa likod.

"Kael, kumusta na iyong autopsy ng bangkay ni Miracle?" Binasag ni Lewis ng tanong ang katahimikan na namamagitan sa amin.

Sandaling napalingon si Kael kay Lewis at bumaling ng tingin sa kalsada. "Pagkatapos ng libing ni Miracle malalaman ko." Seryosong sagot niya.

"Ibig sabihin may resulta na?" Biglang tanong ni Sasha.

Tumango si Kael. "Bakit parang naging interesado kayong malaman?"

"Baka isa iyan sa maging paraan para malaman kung sino ang pumatay sa kanya." Ani Lewis habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Sasha at kay Kael.

"Pero sa ngayon huwag muna natin isipin iyon, ito ang huling araw na makakasama natin si Miracle." Sabat ko sa kanila at sabay-sabay naman silang napabuntong-hininga.

Muli kaming nanahimik habang binabaybay ang byahe. Pasimple kong tinignan si Sasha nakahilig ito sa bintana habang nakapikit, agad kong iniwas ang aking tingin sa kanya at tumingin na rin ako sa bintana. Malakas ang sinag ng araw ngunit umaambon, kahit siguro ang kalangitan ay nalulungkot sa huling araw ni Miracle rito sa mundo.

Demon's Game Nightmare (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum