Chapter 04

2.9K 62 8
                                    

"The Grand Pentacle, it serves to convene all spirits; when shown to them they will bow and obey you." -- Unknown

CHAPTER 04

Overnight

"KAEL, saan ba tayo kakain?"

"Manahimik ka na nga lang Miracle! Kanina ka pa satsat nang satsat diyan."

"Gutom na gutom ako! Paanong hindi ako magsasalita!?"

"Hep! Tama na nga iyan, manahimik na lang kayong dalawa!" Bigla silang inawat ni Sasha at pumagitna ito sa kanilang dalawa.

Halos dalawang linggo na rin ang nakalilipas noong nanaginip ako at noong nagsimula ang klase. Sina Miracle, Kael, Sasha at Lewis ang naging kaibigan ko. Hindi ko pa gaanong close si Kael dahil laging masungit ito, puro bangayan silang dalawa ni Miracle at talagang hindi magkasundo. Highschool classmate raw sila sabi sa akin ni Sasha siguro may history sa kanilang dalawa. Naging unang magclose kasi sina Miracle at Sasha kaysa sa akin.

Dalawang oras ang vacant namin ngayon at ilang minuto na rin kaming naghahanap ng murang makakainan dito. Kapag may makikita kaming karinderya aangal si Kael dahil hindi raw masarap doon kahit hindi pa naman niya nakakainan, kaya maghahanap pa ulit kami ng iba hanggang sa magbangayan na naman silang dalawa ni Miracle.

"Hindi talaga magkakasundo ang dalawang iyan." Biglang sambit ng katabi ko, simple ko siyang sinulyapan at bumalandra na naman sa kanyang bibig ang brace niya. "Buti na lang lagi tayong bati- Aray!" Marahas kong kinurot ang tagiliran niya at inirapan siya.

Bwisit din itong si Lewis! Pinahamak ako kanina sa English class namin! Hindi pinasa iyong assignment ko! "Pati ba naman kayo aawatin ko?" Rinig kong tanong ni Sasha, hindi ko iyon pinansin at nanahimik na lamang ako. Narinig ko pang humagikgik ang katabi kong bwisit na ito.

Mayamaya pa'y napagdesisyonan naming sa KFC na lang kumain tutal may tig-singkwenta pesos lang na pagkain doon. Sina Kael at Lewis na lang bumili sa counter ng kakainin namin.

Sa halos dalawang linggo may mga pagkakataong nakasasalubong ko sa hallway ng building namin si  Ms. Dela Vega, General Psychology Prof namin, laging nagtatagpo ang mga mata namin na para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. Ang weird nga e, kasi hanggang ngayon topic pa rin namin ang panaginip hindi ko alam kung lesson pa ba iyong tinuturo niya sa amin o mga trivia na.

"Tuloy ba ang balak natin girls?" Biglang tanong ni Miracle nang makaupo na kami sa isang pahabang table.

Nasa kabilang side ng upuan sila ni Sasha at ako nasa kabilang side rin. Inilabas ni Miracle ang salamin niya at ang suklay niya. Hilig niya talaga iyan, napapansin ko lang."Kayo lang naman. Ano bang desisyon niyo?" Balak sana nila sa unit ko na lang tumira hati-hati kami sa bayad tutal gusto nilang mag dorm. "Kasya naman tayong tatlo roon." Sambit ko sa kanila.

Demon's Game Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now