Chapter 28

887 23 0
                                    

"Kapag talaga hinahabol ka na ng kamatayan kahit anong takbo na gawin mo madadatnan at madadatnan ka pa rin nito."

Chapter 28

Romance

NARARAMDAMAN ko pa rin ang panginginig ng kamay at tuhod ko kahit na kanina pa ako pinakakalma ni Sasha. Imbis na makahinga ako ng maluwag dahil bangungot na naman iyon ngunit para akong sinasakal sa sobrang kaba.

"Zaf, huwag mo nang isipin iyon binangungot ka lang naman. Inumin mo na iyang kape para mahimasmasan ka." Nginitian ko na lang siya habang patuloy lang siya sa pagluluto.

Alas-kwatro kami nagising ni Sasha at kung hindi pa niya ako binuhusan ng malamig na tubig sa mukha hindi pa raw ako magigising, kahit siya natakot kanina pero wala ng makapapantay ng kaba lalo na ng takot na nararamdaman ko. Alam kong isang babala iyon ni Nocturssio, alam kong may gusto siyang ipahiwatig at alam kong hindi lang iyon basta isang normal na bangungot.

Isa lang naman ang namumutawi na tanong sa aking isipin...

Bakit si Sasha ang sumasakal sa akin?

"Zaf, tulungan mo naman ako rito." Tumayo ako sa aking pagkakaupo at tinulungan siyang ilagay ang abodo sa baunan.

Nang matapos naming ayusin lahat ng dapat ayusin nauna nang naligo si Sasha at pagkatapos niya agad akong sumunod. Kailangan bago mag alas-sais nakaalis na kami rito sa unit ko kaya naman bawat kilos namin ay mabilisan, nagtext si Lewis sa akin na susunduin daw nila kami dahil may dalang sasakyan si Kael hindi na kami nagdalawang isip pa ni Sasha kaya pumayag na rin kami dahil medyo makulimlim pa kung mag tataxi kami papuntang school. Nang biglang tumawag si Lewis na nasa labas sila ng tenement naghihintay agad na kaming bumaba ni Sasha. Pagkababa namin agad na bumungad sa amin ang sasakyan ni Kael kaya naman agad na kaming pumasok sa loob na hingal na hingal dahil sa bitbitin naming mabibigat

"Good morning." Bati sa amin ni Lewis habang inaalok kami ng tinapay. Nakaupo siya sa passenger seat habang si Kael naman seryosong nagdadrive.

Tinanggap namin ang tinapay na inaalok ni Lewis dahil kape lang ang inalmusal namin ni Sasha. 30 minutes ang byahe papuntang school kaya itong si Sasha natulog muna sandali habang may earphone sa kanyang tainga.

Nakasuot siya ng sweatshirt na may design na mickey mouse at blue pants habang ako naman ay nakasuot ng gray hoodie at black pants. Nakapanloob sa amin iyong department shirt namin dahil kailangan daw iyon para mabilis malaman kung anong course namin. Sina Lewis at Kael naman ay naka-jacket.

Tahimik lang kami buong byahe at tanging tugtog lang sa loob ng sasakyan ni Kael ang naririnig namin. Nang nakarating kami sa school agad na bumungad sa akin ang mga bus at mga estudyanteng nakapila. Pinark ni Kael ang sasakyan niya malapit sa school dahil bawal gumamit ng sariling sasakyan, hindi naman siguro iyon mawawala dahil marami ring nakapark na sasakyan ng mga estudyante rito at may mga guard na magbabantay.

"Sha, gising na." Tinapik ko siya sa balikat at agad naman din siyang nagising.

Bumaba na kami ng sasakyan at tinulungan akong bitbitin ni Lewis ang isang maliit na bag na naglalaman ng baunan. Ako na kasi ang nagbitbit ng niluto ni Sasha dahil nakakahiya naman kung siya pa ang magbibitbit. Hindi nagtagal pinapasok na kami sa bus bawat section, tatawagin ko sana si Sasha upang tabihan ako sa pag-upo nang biglang tumabi sa akin si Lewis, hindi ko alam na nakasunod pala siya sa akin.

"Ano ka ba naman si Sasha uupo rito." Nginitian lang niya ako na para bang nang-aasar.

Inirapan ko siya nang mahagip ng mga mata ko si Sasha. "Sha!" Sigaw ko habang kumakaway.

Agad naman siyang naglakad papunta sa pwesto ko at nang madatnan niyang nakaupo si Lewis sa tabi ko dahan-dahang naglaho ang kanyang ngiti.

"Sasha, doon ka na lang umupo sa tabi ni Kael." Marahas kong siniko si Lewis sa sinabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin habang nakatitig siya sa mga mata ko. "Doon ka sa tabi ni Kael!" Umismid ako sa kanya at binalingan ko ng tingin si Sasha. "Sha, dito ka na umupo." Muling ngumiti si Sasha sa akin ngunit hindi maitatago ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Hindi na Zaf, sa likod na lang ako uupo." Aniya at nang akma siyang maglalakad biglang may nagsalita.

"Dito ka na Sasha." Sabay-sabay kaming napatingin kay Kael na nakaupo sa kabilang upuan na kahelera namin ni Lewis. "Para kahit papaano tabi-tabi tayo." Hindi ko napansin na roon pala nakaupo si Kael.

Bahagyang tumingin sa akin si Sasha at tinanguan ko na lamang siya, umupo siya sa tabi ni Kael at tinulungan siya nitong ayusin ang kanyang bag.

Narinig kong mahinang tumawa itong katabi ko. "Tawa ka pa." Asar na sabi ko sa kanya at humalukipkip ako.

Mas lalo siyang tumawa sa sinabi ko. Biglang nagtawag ng pangalan ang prof namin kung kumpleto ba kami at nagdasal din kami bago magsimulang bumyahe. Pasimple kong sinilip sina Sasha at Kael, nadatnan ng aking mga mata na natutulog silang dalawa. Si Kael ang nasa tabi ng bintana kaya nama'y nakasandal siya roon habang may shades ang kanyang mga mata.

Bahagya akong nagulat nang may marinig akong kanta sa kanang tainga ko. Tumunghay ako kay Lewis na hindi ko inaasahang nakatingin siya sa akin. "I think the purpose of this earphone..." Tinuro niya ang isang earphone na nasa tainga ko at dahan-dahang napapaangat ang magkabilang dulo ng kanyang labi. "Is for you." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya.

"Corny mo." Napailing ako habang natatawa at umiwas ako ng tingin sa kanya.

"5 seconds of summer huh." Nangingiting usal ko.

Bigla na lang kasi nag play ang Amnesia. "One of my favorite bands," Bigla akong natawa sa sinabi niya. "Marami ka pang hindi alam sa akin Zaf." Natatawang usal niya sa akin.

Hindi na ako nagsalita at ganoon din siya. Tumingin na lang ako sa bintana habang nag-eenjoy ang aking mga mata sa mga nakikita ko. Sa mga sandaling oras na ito biglang nawala ang kabang nararamdaman ko, pakiwari ko nakahihinga na ako ng maluwag ngayon siguro dahil sa excitement na namumutawi sa puso ko.

Sana kahit ngayong araw lang maging malaya ako sa buhay ko at walang inaalala ngunit alam kong imposible iyon, kahit na nawala ang kabang nararamdaman ko kailangan ko pa rin mag-ingat. Bigla akong napangisi sa sarili ko sa salitang mag-ingat dahil kahit anong ingat na gawin ko wala pa rin itong epekto. Kapag talaga hinahabol ka na ng kamatayan kahit anong takbo na gawin mo madadatnan at madadatnan ka pa rin nito.

Bahagya akong nagulat nang maramdaman kong may dumantay na ulo sa aking balikat. Pasimple kong sinulyapan si Lewis habang nakadantay ang kanyang ulo sa aking balikat at nakahalukipkip pa ito habang natutulog. Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya kaysa gisingin ko pa.

Dahan-dahan kong sinandal ang aking ulo sa bintana at ipinikit ko ang aking mga mata. Hanggang sa hindi nagtagal naramdaman kong may humawak sa aking kanang kamay, bigla kong iminulat ang aking mga mata at mabilis kong tinignan si Lewis ngunit nanatili lang siyang nakapikit habang may ngiting nakaloloko sa kanyang labi, hindi ko namamalayang napapangiti na rin ako.

Humugot ako nang malalim na paghinga at bahagya kong tinignan ang kamay namin magkahawak, dahan-dahan pang pinipisil ni Lewis ang kamay ko.

Mas lalo tuloy lumalawak ang pagngiti ko.

Demon's Game Nightmare (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant