Chapter 03

2.9K 60 8
                                    

"Do you know that sometimes in your life is just a dream or should I say a nightmare." -- Ms. Dela Vega

CHAPTER 03

First class, first dream

"GOOD luck sa unang pasok mo Zaf!"

"Ate! Samahan mo ako!"

"Kaya mo na iyan!" Matinis siyang tumawa at sumulyap kay Kuya Lach. "Basta makipagclose ka agad sa makakatabi mo!" Baling niya sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako at hinawakan ang shoulder bag ko. "Sige na nga. Bye na." Ngumiti na lang sila sa akin at tumango.

Magkalapit lang kami ng University nila Ate Shi kaya naman sinabayan nila akong pumasok. Medyo weird sa tenement nitong mga lumipas na araw, lalo na sa floor kung saan ang unit ko wala akong makitang tao tuwing lalabas ako pero kapag tuwing gabi may naririnig akong nagpipiano, kaya kagabi nakatulog agad ako para kasi akong hinihele ng bawat tunog. Hindi ko pa nakakausap si Jeah hindi ko kasi siya matyempuhan lumabas.

Nang mahanap ko na kung saan ang una kong classroom pumasok agad ako roon, kokonti pa lang ang mga classmate ko. Sa may bandang dulo ako umupo, bakanteng row. Hindi ko yata feel ang makipagkaibigan para kasing ang taray ng mga hitsura ng mga babae rito. Sobrang kabado ang nararamdaman ko ngayon, parang hindi yata ako sanay sa atmosphere ng pagiging college student.

Ilang minuto akong nakapalumbaba at nakatunganga sa kinauupuan ko hanggang sa napansin kong unti-unti na silang dumarami. Inayos ko ang upo ko at inihiga ko ang aking ulo sa may arm chair ko.

Namiss ko bigla ang mga highschool friends ko, rito sa University na pinasukan ko ako lang pumasa kaya naman hindi ko sila kasama.

"Miss, may nakaupo ba rito?" Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko upang tignan kung sino ang nagsalita sa gilid ko.

Bumungad sa akin ang isang lalaking maputi at nakangiti sa harap ko. Para akong nasisilaw sa kulay ng brace niya, sumulyap ako sa bakanteng upuan na katabi ko saka ako tumingin ng pasimple sa paligid namin, muli ko siya binalingan ng tingin. Nakangiti pa rin siya na halos buong ngipin niyang may brace nakalabas. Hindi naman malaki ang ngipin niya, naaalibadbaran lang ako sa brace niya.

"Wala." Usal ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.

Naramdaman kong umupo na siya sa tabi ko at tumawa ng mahina. "Wala na kasi akong maupuan kaya rito na lang ako tumabi sa iyo." Hindi ko siya pinansin at muling inihiga ang ulo ko sa desk.

Ilang sandali pa nang maramdaman kong parang tumahimik ang buong klase, agad akong dumilat at iniangat ang ulo ko sa desk. Inilibot ko nang tingin ang buong paligid dito, hindi ko alam kung nasaan ako sobrang dilim... Halos wala na akong makita, hindi ko maigalaw ang katawan ko para akong nakaglue sa kinauupuan ko. Hindi ako makasigaw at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

Nararamdaman ko nang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko. Bakit naging ganito ang classroom namin!? Nasaan ako?

"Isa, magtago ka na..."

Muli akong tumingin-tingin sa buong paligid ko. Pilit hinahanap kung saan nang galing ang tinig na iyon, pero wala akong maaninag na kahit isang tao rito. Hindi ko alam kung saan banda nanggagaling ang boses na iyon para bang hindi ko malaman kung dito ko ba talaga naririnig iyon.

Demon's Game Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now