Chapter 30

1.1K 23 0
                                    

"Too weird to live, too rare to die!" -- Hunter S. Thompson

Chapter 30

Bloody Ending

TULAD ng inaasahan ko masaya ang kinalabasan ng buong field trip namin. Gandang-ganda kami sa Puerto Galera at halos ng nakita ko roon pakiwari ko isang beses ko lang makikita sa buong buhay ko. Ayoko pa sana umuwi kaso hindi ko naman pwede, kaya sinabi na lang sa amin ni Kael sa sembreak babalik kami roon. Buong byahe pabalik sa school tulog na tulog kami ni Sasha, siya na ang katabi ko kanina at si Lewis katabi naman ni Kael. Mga bandang alas-sais nang nakarating kami sa school at sinabihan kami ng prof naming wala kaming pasok bukas dahil na rin sa pagod kaming lahat.

"Guys, gusto niyo bang sa bahay muna kayo? Nagtext kasi sa akin sila Mama wala raw sila sa bahay samahan niyo naman ako." Untas ni Sasha nang makapasok kami sa loob ng sasakyan ni Kael.

Bahagyang lumingon si Kael kay Sasha at napabaling ang kanyang tingin sa akin. "Sa akin okay lang, sa inyo ba?" Aniya nang dumako ang kanyang tingin kay Lewis.

Lumingon si Lewis sa akin at napatitig siya sa mga mata ko nang mariin. "Okay lang sa akin." Aniya kasabay nang pag-iwas niya ng tingin sa akin.

"Wala naman tayong pasok bukas kaya okay lang din sa akin." Biglang inistart ni Kael ang kanyang sasakyan nang sumang-ayon kaming lahat kay Sasha muna matutulog ngayon.

Sinabi ni Sasha kung saang lugar ang kanyang bahay at biglang napamura si Kael dahil sobrang layo raw nito halos dalawang oras daw ang byahe kung traffic at kung hindi naman ay isa't-kalahating oras. Kaya naman nag-ambagan kami pang gasolina ng sasakyan niya, sinabihan niya kaming matulog muna ngunit hindi kami inaantok dahil kaninang buong byahe sa bus tulog na tulog kami.

Kinain na lang namin ang natirang sitsirya na baon namin at si Lewis may chocolate bread pang tira kaya buong byahe food trip lang ang ginawa namin at nagkwentuhan din kami tungkol sa Puerto Galera, pinagtatawanan pa namin iyong stolen shots na nasa cellphone ni Sasha dahil halos lahat ay stolen shots nina Kael at Lewis maging sa cellphone ko puro stolen din nila. Hindi namin namalayan ang oras nang biglang sinabi ni Sasha na nandito na raw kami sa kanila. Bigla akong napatingin sa bintana, bumungad sa akin ang tahimik at madilim na lugar.

Ngayon lang kasi ako nakapunta rito sa Bulacan kaya medyo nagulat pa ako sa nakikita ko ngayon. Tama nga ang sabi ni Sasha matagal talaga ang byahe at umabot ng dalawang oras buti nakakaya niyang bumyahe ng ganoong kahaba parang mas mahaba pa yata ang byahe niya kaysa ang oras na tinatagal niya sa school. Tinuro ni Sasha kay Kael kung saan ang bahay niya at hindi nagtagal pinark na ni Kael ang sasakyan niya sa tapat ng kulay green na gate. Bumaba na kami ng sasakyan kasabay nang pagsalubong sa akin ng malamig na simoy ng hangin.

"Sarap ng hangin dito Sha!" Ngiting singhal ko sa kanya at sinamyo ko muli ang hangin.

Bahagya tuloy akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig na dala ng hangin. "Pasok na kayo." Anyaya sa amin ni Sasha nang makapasok na siya sa loob ng gate.

Nauna na akong pumasok habang sina Kael at Lewis ay binitbit iyong mga bag namin. Pagkapasok ko sa loob ng bahay nila Sasha namangha bigla ako sa nakikita ko ngayon, hindi ko akalain na ganito kaganda ang loob ng bahay nila Sasha dahil kung titignan sa labas isang normal na bahay lang ito ngunit kakaiba ang nasa loob.

Marahan akong naglakad patungo sa mga nakasabit na iba't-ibang paintings, naglakbay ang aking mga mata sa lahat ng gamit na nandito sa sala. Hindi gaanong malaki ang bahay nila Sasha ngunit nagmumukha itong malaki at malawak dahil sa mga magagandang kagamitan.

"Ganda pala ng bahay niyo Sha!" Ngiting usal ko sa kanya habang namamangha pa rin ang aking mga mata sa nakikita ko ngayon.

"Maupo muna kayo." Aniya nang makapasok sina Kael at Lewis.

Demon's Game Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now