Chapter 22

930 21 0
                                    

"Hindi lang pala isa ang dapat natin alamin kung sino ang pumatay sa kanya, kundi dalawa." - Dane Lewis Sebastian

Chapter 22

History

BINIGYAN kami ni Kael ng tig-iisang kopya tungkol sa resulta ng autopsy ni Miracle. Mariin kong tinitigan ang papel na ito kung saan nakalagay kung ilan ang nakamit na tama ng saksak sa katawan ni Miracle, halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Thirty na saksak?!" Napalunok ako sa galit na tanong ni Lewis. "Tangina ang tindi naman ng gumawa nito." Napalingon ako kay Lewis na nasa tabi ko, ngayon ko lang yata nakita ang madilim na aura sa kanyang mukha at ang galit sa kanyang mga mata. Sandali akong napa-inom sa tubig na nasa harapan ko.

Nang matapos kaming mag-exam kanina niyaya kami ni Kael sa isang fastfood upang makapag-usap na walang mga matang nakatingin sa amin. Ang nangyari kagabi hindi ko pa sinasabi sa kanila at wala akong balak na ipaalam dahil mahirap na baka hindi nila ako paniwalaan, gusto ko sanang puntahan ang matandang babae kagabi ngunit hindi ko alam kung saan ang unit niya kaya pinilit ko na lang matulog at hindi ko na natapos ang nirereview ko kagabi pero kahit ganoon nakasagot pa rin ako sa exam namin.

"Wala ba kayong napapansin dyan?" Napatingin ako kay Kael na nasa harapan namin ni Lewis nang magtanong ito, pasimple kong tinignan si Sasha na katabi lamang niya at umiling ito sa tanong ni Kael.

"Bakit?" Nag-aalangang tanong ko.

Tumikhim siya at umayos nang pagkakaupo, bahagya siyang lumapit sa lamesang pinaggigitnaan namin. "Mayroong hindi malamang kemikal na nainom si Miracle bago pa siya mamatay at isa na rin sa dahilan ng kemikal na iyon ang pagkaluto ng mga bituka niya." Pakiwari ko umikot ang aking sikmura sa sinabi niya.

"Anong kemikal?" Dinig kong tanong ni Lewis.

Nagkibit-balikat si Kael. "Hindi malaman kung ano iyon, tinanong ko kanina ang doctor pero ang sabi niya kahit sila ay hindi malaman kung anong kemikal ang lumason kay Miracle."

"Teka nga, edi bago patayin si Miracle pinainom siya ng nakalalasong kemikal at pinagsasasaksak?" Nagtatakang tanong ni Lewis.

Napansin kong huminga nang malalim si Kael at bahagya siyang tumingin sa akin kasabay nang paghuramentado ng aking puso sa bigla kong naramdamang kaba, dahan-dahan niyang binaling ang kanyang tingin kay Sasha na mistulang nakatulala at muli siyang tumingin kay Lewis. "Para sa akin hindi siya pinainom ng nakalalasong kemikal bago sinaksak. Bakit mo pa sasaksakin ang isang tao kung alam mo namang nakalalason ang pinainom mo? Kung alam mo naman na mamamatay ito. Sa palagay ko dalawa ang gusto pumatay sa kanya. Una, pinainom siya ng nakalalasong kemikal at ang nagpainom 'non ay hindi alam na may isa pang gustong pumatay sa kanya at ang sumaksak naman ay hindi alam na nakainom si Miracle ng nakalalasong kemikal."

Para akong malalagutan ng hangin sa katawan sa bawat salitang binitawan ni Kael, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako at unti-unti ko nang nararamdaman ang panginginig ng tuhod ko pati na rin ang pagpapawis ng aking mga palad. Kahit nakaupo kami ngayon pakiwari ko babagsak ako sa aking kinauupuan.

"Teka Kael, hindi kita gaanong maintindihan. Ang gusto mo bang sabihin na dalawa ang pumatay kay Miracle at ang unang gustong pumatay sa kanya ay walang kinalaman sa pangalawang pumatay sa kanya?" Seryosong tanong ni Lewis at tinanguan naman siya ni Kael. "Hindi lang pala isa ang dapat natin alamin kung sino ang pumatay sa kanya, kundi dalawa."

Mas lalong nag-alab ang kabang nararamdaman ko sa huling mga salitang binitawan ni Lewis. Nawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa dahil muling nagtalo ang dalawang ala-alang pilit kong kinakalimutan sa sarili ko at muling nanumbalik ang kakaibang pakiramdaman na nararamdaman ko ngayon.

Demon's Game Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now