SMI - 14

168 1 0
                                    

Lumabas ang dalaga sa sasakyan at hindi maka paniwala kung saan naka tira ang binata. " Di-dito ka naka tira? Seryoso!? " tanong ni Natsumie kay Caerus sabay titig sa binata at minasdan ang mamahaling sasakyan sa tirahan ng binata.

" Oo, bakit? may problema ba? " tanong ni Caerus matapos pumasok sa pintuan ng gusali kung saan nangungupahan si Natsumie.

FLASHBACK

Ng Umagang yon ay kaagad nag-empake ng iilang gamit si Caerus at nilagay ito sa maleta at nag-tungo sa isang gusali. Kaagad din syang lumabas dala ang kanyang maleta at sinipat ang kaluwagan ng kapaligiran.

" Magandang Umaga po Sir, mangungupahan po ba kayo? Halika po dito sa loob at ng maipakita ko ang mga bakante pang silid " Wika ng Landlord kay Caerus matapos sya nito makita na lilinga-linga sa paligid.

" Gusto kong upahan ang isa sa mga silid dito, gusto ko yung malapit sana sa bagong lipat dito kahapon " wika ni Caerus sa Landlord na ngayo'y ipapakita sana ang bawat bakanteng kwarto.

" Y-yung dalaga po bang maganda tinutuloy ninyo, yung kasama ni Sir Clinton, hindi ko po alam kung mapapahintulutan ko yan Sir dahil binil... " hindi na natapos ng Landlord ang sasabihin ng tinitigan sya ni Caerus ng Seryoso.

" I'm one of his student, and the girl I am looking for was my classmate. Ayoko mapaligiran ako mg random person na hindi ko kilala. " pag-dadahilan nya at ilang minuto din ay nakuha na nya ang kanyang gusto.

END OF FLASHBACK

Umiling ang dalaga na animo'y walang problema at dinala sila ng mga paa nila sa pintuan na halos kadikit lang ng kanyang inuupahang silid. Naka ramdam ng kaba ang dalaga na tila ba sinadya ito o di kaya'y pinagplanuhan talaga ng husto, ngunit wala syang sapat na pruweba mag-papatunay kung totoo ba ang mga hinala nya sa isip nya.

" Lapag mo nalang bag mo dyaan, halika dito tayo sa Kitchen dito tayo gagawa para maluwag at malapit na din sa pag-kain kung gugutumin" wika ni Caerus saka isa-isang nilabas sa kwarto ang laptop nya at ang printer kasama ang bond-papers na gagamitin nilang dalawa.

"Okay, let me the one who'll use the laptop. Ako na mag analyze ng kwento. Pipiliin ko importanteng detayle tapos kailangan basahin mo ng buo para handa ka sa itatanong ni Ma'am" Wika ni Natsumie bago sya naupo sa Silaya at binuksan laptop, kinuha nya notebook nya at yellow pad saka sinulat ilang magiging parte ng report nila.

Habang gumagawa sila ay hindi maiwasang titigan ni Caerus ang dalaga, sa kung paano ito mag-sulat, tumitig sa harap ng laptop at sa kung paanong paraan ito kumuha ng detalye na isa-isang sinusulat sa kwadernong papel. Muli sa mga oras na iyo'y nakita nya muli ang babae sa kasiyahan na tila prisesang hinulog ng langit para mag sabog ng tuwa sa paligid. Napapangiti sya habang hindi nya namamalayang nasusunog na ang pinipirito.

"Caerus itlog mo nasusunog" wika ni Natsumie na tila hindi naunawaan ng binata at tinignan lang sya. "yung itlog mo nasusunog! ayan sa kawali!" muling wika ng dalaga at doo'y napag tanto nito na kanina pa pala nasusunog ang pinipirito nyang itlog sa kawali.
Napa tawa ang dalaga dahil nag-mamadali ang binata na patayin ang kalan at kaagad dinarang ang kawali sa lababo sabay bukas ng gripo. Imbis na mag luto ay nag pa deliver nalang ang binata sa takot na muli itong maka sunog uli.

" Alam mo na ba ang buong kwento ni Romeo at Juliet? " tanong ni Natsumie kay Caerus sabay lingon sa binata na animo'y alam na nito ang kwento dahil sa sobrang popular ng pag-mamahalan ng dalawa ay hindi matatanggi na alam na ito ng lahat.

" Ofcourse I do, what kind of question is that? " Sagot ni Caerus sa dalaga sa patanong na paraan sabay kuha ng hita ng manok at sinawsaw ito sa gravy bago kinain.

" Tinanong ko lang para alam ko, malay ko ba baka hindi mo alam tapos madamay pako sa pag-bagsak mo. " sagot ng dalaga sabay inom ng Milk tea at nag type sa laptop.

Ilang-oras nila binuno ang kanilang report hanggang sa matapos na nila ito at bumalik na sa isip ni Natsumie na oras ng umuwi, ngunit paano? gayong ayaw nya malaman na magkalapit lang sila ng kwarto ng binata. Bahagya napa isip ang dalaga kung paano nya ito pag-tatakpan, kaagad nya kinuha cellphone nya at nag-kunwari na may nag text sa kanya.

" Naku, Caerus mauuna nako hinahanap na ako ng may ari ng tinutuluyan ko " pag-kukun wari ni Natsumie saka isa-isa nitong niligpit ang gamit nya at inilagay sa bag nya. Kaagad nya ito binitbit at dali-dali tinungo ang pintuan palabas, nag-mamadali syang lumabas na animo'y takot malaman ng binata kung saan sya naka tira.

Ng sandali maka labas sya ay dali dali nyang kinuha ang susi sa puntuan ng kanyang tinutuluyan at pumasok sa loob sabay lock ng pinto. Naka hinga sya ng maluwag ng mga sandaling iyon ngunit namo-mroblema na baka matuklasan ng binata na sa iisang apartment lang sila tumutuloy, at ang malala ay magka dikit lang ang kanilang tinutuluyang silid.

Hindi naka tulog ng maayos si Natsumie ng gabing iyon kaka isip sa mga posibleng mangyari pag nalaman ng binata na magkalapit lang ang kanilang silid, mabuti na lamang at sabado kinabukasan kaya hindi sya obligadong lumabas at maglayang layang sa labas para makita ng binata, Day off din nya ng araw na yon sa pinapasukan nyang part time job kaya naisipan na lamang nya na mag-laba sa vendara ng inuupahan nya.

" Hi Ms. Quintanna, my lovely neighbor mag-kalapit unit pala tayo" bati sa kanya ng pamilyar na tinig mula sa likuran nya habang sya ay naka upo sa bangkito at nag-lalaba, bahagya napa kunot ng nuo ang dalaga bago sya lumingon, alam na nya sino may ari ng boses. Kaagad syang lumingon at nag-salita.

" Pwede ba tigilan mo na ang kaka a-.... " natigilan sya ng pag-sasalita ng makita nya topless lang ang binata habang hawag ang mug ng mainit na iniinom nitong kape, kaagad sya tumalikod at muli nag-salita. " Hoy! mag-damit ka nga pwede ba! "  protesta ng dalaga habang bahagyang naka kuom ang kamao nya at may hawak itong piraso ng tela.

" So kung ganito ako? unless titigan mo ako mag-hapon mo ako tititigan. " sagot ng binata na may halong pang-aasar lalong nainis ang dalaga kaya humarap ito sa kanya ai pinanduro ang naka kuom nyang kamao para pag-salitaan ang binata.

" Hoy! ang kapal naman ng mukha mo! " sagot nya sabay titig ng masama sa naka tayong binata mula sa kabilang unit.

" Panty ba yang hawak mo? Ganda ng taste mo ha " sagot ni Caerus matapos makita ang hawak na tela ng dalaga mula sa pinanduduro sa kanya. Nag-init bigla ang pisngi ni Natsumie ng malaan na hawak pala nya ang kanyang panloob kaya dali dali nya ito binaba at tinago sa likuran nya at nag taas ng kilay sa binata at pinasok sa loob ng unit nya ang nilalabhan nya.

Napa ngiti ang binata dahil kay aga aga napahiya ni Natsumie at sa sarili pa mismong kagagawan ng dalaga. Nag-desisyon ang dalaga na sa banyo nalang sya mag laba at nag sisi na doon pa nya naisipan gawin ang labahin gayong magkalapit lang sila ng unit, ilang minuto na nag kukusot ang dalaga ng labahin ng biglang may nag doorbell, kumunot ang nuo ng dalaga at nag bitbit ng piraso ng nilalaban nya saka nya binuksan ang pinto at binalibag ang damit na basa sa taong naka tayo sa pintuan at nag-salita " Hindi ka talaga hihinto e! sinabi ko wag mo ako iinisin! " bulyaw ng dalaga at halos manigas sya sa kinatatayuan nya ng makita sino ang taong binalibag nya ng damit. Halos umakyat ang dugo sa mukha ng dalaga ng sandaling iyon at dali-daling pinulot ang damit at sinubukang mag-salita ngunit sa hindi malamang rason at napipi syang bigla.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Selling My Innocence  (+18) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon