SMI - 13

222 2 3
                                    

Dali-dali tinungo ni Caerus ang parking area at sumakay ng sasakyan, kagad naman naka sunod ang tatlo at sumakay sa loob at umalis sa Grocery store.

" Okay na may stock kana ng pag-kain, good for two months na ang mga yan. Pano alis na ako? " wika ni Clinton saka nya isinara ang refrigerator bago nya tinignan si Natsumie na isa-isang inaayos ang damit sa loob ng closet. Matapos mag-ayos ng gamit ni Natsumie ay tumayo sya at nag-tungo sa kusina at nag-labas ng kagamitan pang-luto.

" Dito ka na kumain mag-luluto lang ako saglit " wika ni Natsumie sabay bukas ng Refrigerator at kumuha ng sayote at karne ng manok. Napahinto si Clinton ng paanyayahan sya ng dalaga na doon kumain, at napigilan nga sya nito. Ilang minuto ang naka lipas ay luto na ang kanin at ang tinolang manok. Inihain ito ni Natsumie sabay kuha kubyertos at plato. Sabik na sabik naman tinikman ni Clinton ang luto ni Natsumie at naupo ito agad sa silya sabay salok ng kanin at ulam.

" Clinton dahan dahan lang mainit pa yung sabaw, bahong kulo " paalala ni Natsumie ngunit tila sunod sunod ang subo ngayon ng dati nyang guro, animo'y sarap na sarap sa luto nya. Sinabayan din sya ni Natsumie sa pag-kain habang kumakain sila ay nag-timpla ng Juice si ang dalaga para may maiinom sila. Masaya ang dalawa na nag uusap habang kumakain, pinag uusapan ang plano ni Natsumie sa buhay pag asenso nya. Inabot sila ng ilang oras ng pag-uusap hanggang sa namalayan nalang ni Clinton na kailangan na nya umalis. Nag-paalam sya sa dalaga at inihatid sya nito palabas ng apartment, doon ay niyakap sya ni Natsumie at nag-pasalamat bago sumakay ng sasakyan si Clinton at nag-maneho paalis.

" Boom! sabi na may relasyon sila " wika ni Monchie na kanina pa kasama ang tropa na manmanan ang dalawa. Lalong na Challenge si Caerus na makuha si Natsumie sa marungis na paraan.

" Tumahimik ka nga ang ingay mo! " protesta ni Fred sabay tapal sa bunganga ni Monchie at tumingin kay Caerus sabay tanong. " Ano plano mo pre? " hindi sinagot ni Caerus ang tanong ng barkada bagkus ay nilisan nadin nila ang nasabing lugar. Matapos umalis ni Clinton ay pumasok na din sa loob ng apartment si Natsumie, niligpit nya ang pinag-kainan nila at hinugasan ito bago sya natulog ng mahimbing.

" Hi Natsumie.... " bati ng grupo ng basketball player kay na nakatambay sa reading park, nginitian naman sila ng dalaga bago ito dumiretso sa kanyang silid aralan. Maaga pumasok si Natsumie at natuto na din sya na mag-ayos kahit papano kaya napapansin sya ng ilang kalalakihan sa university.  Saktong pag-pasok nya ay pumasok na din ang isa sa guro nila. Sa kalagitnaan ng klase ay napansin ni Natsumie na sa katabi na nyang arm chair si Caerus na abala sa pag-susulat ng lecture, nakakapag taka na sumusulat din pala ito ng mga aralin sa school nila kahit gagago gago.

" Hindi mag-susulat ang pen mo kung titignan mo lang ako ng ganyan " wika ni Caerus na tila na laman naka titig sa kanya ang dalaga kaya dali-daling inalis ni Natsumie ang tingin nito sa kanya at bumalik sa pag-susulat ng aralin nila ng araw na yon.

" Okay Class were having a thesis, pairings ang labanan so one by one you'll going to pic a card on my table and find your match. But before we proceed on that gusto ko malaman ninyo topic ng ating thesis which is all about film, dramas more on theater act. Hindi ko naman sinabi na aarte kayo bagkus you'll going to make a presentation about the chosen story na ibibigay ko sa inyo " paliwanag ng teacher nila sabay lapag ng card sa magkabilang side na devided for boys and girls.

Isa-isang kumuha ng card ang mag-aaral gayon din si Natsumie, ng kumpleto na ay isa-isa na nila hinanp ang kapareha ng card na nakuha nila. Mainggay sa loob ng classroom sa pag hahanap lang ng partner ng card na nakuha nila, habang tahimik si Natsumie sa upuan nya at tinignan ang nakuha nya.

Selling My Innocence  (+18) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon