SMI - 7

209 3 0
                                    

Nagising si Natsumie sa isang Kwadradong silid na napapaligiran ng mga puting bagay, iginala niya ang kanyang mata at isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya na tila nag iwan ng isang malaking katanungan.

" Sir Santibañez " tawag ni Natsumie sa dating Guro na ngayon ay mahimbing na natutulog ng naka dukdok hawak ang kanyang mga kamay. Ng imulat ng kanyang dating guro ang kanyang mata ay hindi maialis ng dalaga ang kaba na hatid ng bawat titig nito.

" Umie. You're awake, okay ka na ba? may masakit pa ba sayo? sa ika-lawang araw pa ang labas ng CT Scan mo kaya medyo mag-tatagal ka pa dito " tanong nito sa dalaga sabay tayo at titig dito sa seryosong paraan.

" Sir.... Paano po ako napunta dito? " tanong ng dalaga sabay upo at hawak sa nuo na kumikirot, naramdaman nya na may gasa na naka palupot at tinignan nya ang buong paligid saka nya nalaman nasa hospital sya.

" Long story Umie, ang mahalaga ngayon intindihin mo muna ay mag pahinga at mag pagaling " sagot ng dati nitong guro.

" Pero Sir... " pahabol ng dalaga na kaagad din naman pinutol ni Mr. Santibañez

" Isa pa yan dahil wala na ako sa School nyo wag mo na ako tawagin na Sir o Mr. Santibañez . Tawagin mo ako sa tunay kong pangalan. Okay ngayon itatawag mo na sa akin ay Clinton " Dagdag pa nito sa dalaga na tila gulong gulo sa mga nangyari.

Habang nag-uusap ang dalawa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang Tita ni Natsumie at pinsan nitong si Llyn na may dalang basket ng prutas " Umie okay ka na ba?? " plastik na tanong ng tita nya sa kanya at hinaplos ang pisngi nito habang si Llyn naman ay inilapag ang dalang prutas sa side table ng kwarto ni Natsumie.

Hindi alam ni Umie ang dahilan para umarte ng ganon ang kanyang tiyahin na akala mo nag-aalala talaga ito sa kanya na para bang alagang alaga sya sa buong buhay nya na ipinamalagi sa puder nito.

Nakipag beso beso naman si Lyn sa kanya sabay kuha ng suklay at sinabing " Suklayin ko na ang buhok mo gaya ng ginagawa ko sayo sa bahay " wika niyo na bagay na sadyang hindi naman talaga totoo. Ngunit sa halip na hayaan si Lyn ay iniwasan nya ito, " Tama na, hindi bagay sa inyo yung ganyan. Pwede nyo naman ipakita kung sino talaga kayo " Saad nito na biglang ikinatahimik ng mag-ina. Doon na napag-tanto ni Mr. Santibañez na hindi talaga maganda ang lagay ni Natsumie sa puder ng mag-ina.

" May problema ba? " tanong ng guro sa dalaga na ngayon ay ngilag sa mag ina sa tabi nito. Tinignan ni Natsumie ang guro na tila nag-dadalawang isip kung tutugon ba o hindi. Bakas ang pag-dadalawang isip sa mata ng dalaga na kaagad napansin ng kanyang guro. Napa tingin sa kanya ang dalaga na inimo'y nag-dadalawang isip na sabihin ang totoo. Bakas sa mukha ng dalaga ang katotohanan na gusto nya ikubli.

"Ah Sir,  gusto ko na po mag-pahinga medyo nahilo po uli ako" sagot ng dalaga sabay higa sa kama at tumalikod sa mag-ina na ngayon ay dinalaw sya. Walang nagawa ang mag-ina kun'di lisanin ang silid na may halos takot at pagka dismaya na baka mag-sumbong ang dalaga sa otoridad.

"Wala na sila, pwede mo na sabihin sa akin ang totoo. Alam ko dahilan mo lang kanina para mapa alis sila" Wika ng guro ni Natsumie sabay upo sa gilid ng hinihigaan ng dalaga. Kaagad naman nilingon ng dalaga ang guro at sya ay bumangon. Napa tingin ang dalaga sa kanyang guro at bigla nalang tumulo ang luha nito ng hindi inaasahan.

" Ayoko na po bumalik sa amin, hindi ko na po kaya ginagawa nila sa akin. Sa pagkakataong ito Sir, suko na ako sa pag mamaltrato nila sa akin. Ayoko na balikan ang bahay na yon " Paliwanag ng dalaga sabay punas ng luha nya gamit ang palad nya na di naglaon ay sarili na nyang guro ang nag punas.

" Iaalis kita doon wag ka mag-alala okay? ako bahala sayo " paniniguro ng guro sa dalaga bago ito tumayo at niyakap ang dalagang ngayo'y umiiyak

" Pano na yan mama, mukhang ayaw tayo kausapin ni Umie. Baka mamaya isumbong tayo non sa pulis. Ma ayoko ng ganon" takot na pananalita ni Llyn sa kanyang ina na ngayo'y nag-iisip ng husto.

" H'wag mo muna ako guluhin, nag iisip pako ng paraan para hindi makapag sumbong yaang Umie na yan" sagot nito sa kanyang anak matapos nila maka ng hospital. Kaagad naman sila naka hanap ng masasakyan pauwi sa kanilang bahay.

" Pre! Sino napili mong date sa Year End Party natin? " Tanong ni Monchie kay Caerus sabay shoot ng bola sa ring.

" Wala nga pre, nag-papalamig pa ako gawa ng Warning na nakuha ko sa Faculty " Sagot ni Caerus sa kaibigan sabay kuha ng bottled water at inimom ito.

" Bakit hindi mo kuhananin na Date si Ms. Genius? " pang-aasar sa kanya nu Monchie sabay upo sa bleachers at uminom ng tubig.

" Bago ko mapa-payag ko naligo nako sa sampal sa babaeng yon. Kaya wag nalang " sagot ni Caerus sa barkada nya. Ilang saglit pa ay kinuha na nya ang sports bag nya at nag-paalam sa kaibigan. " Una na ako pre! sabihan mo nalang sina Fred at Kent kita tayo sa Club house " bilin nito bago sumakay ng kotse at umalis.

Ng sandaling maka uwi ang mag-inang Lhyn ay bigla nalang sumulpot ang Guro ni Natsumie na si Mr. Santibañez, na ngayon ay nag-aantay sa labas ng gate ng bahay. Bakas sa mukha ng mag-ina ang kaba at takot ngunit hindi nila ito pinahalata.

" Magandang gabi po Sir. Ano po ang kailangan nila? May kailangan po ba kayo sa amin? " tanong ng ina ni Lhyn sabay bukas ng gate at inanyayahan ang guro na pumasok sa loob. " Pasok muna kayo Sir, maupo muna kayo at mag handa lang ako ng miryenda ninyo. " pag-papaalam nito sa guro ni Umie

" Hindi naman po ako mag-tatagal may kukunin lang ako dito tapos aalis na din ako " sagot nito na ngayo'y naka tayo padin

" Ano po ba yon? " hirit na tanong ni Lhyn na ngayo'y may hawak na de boteng softdrinks

" Kukunin ko sana lahat ng gamit ni Natsumie. Maari nyo ba akong tulungan? From now on once she got discharge She'll be staying at my place. Don't try to disagree because I can file a case against the two of you. " Pananakot ni Clinton sa mag-ina dahilan para sumunod nalang ang mga ito sa kanya. Kaya isa-isa nilang inempake ang gamit ni Natsumie at gulat ng binata ng pasukin nya ang silid na tambakan ng gamit, ganon pala talaga kahirap buhay ng kanyang studyante sa piling ng mag-ina, na ultimo maayos na silid ay pinag-kakait sa kanya. Ilang minutong pag-hahakot ay naisakay na sa kotae ni Clinton mga gamit ng dalaga at kaagad din sya umalis para dalin ang mga ito sa kanyang bahay at ipinaayos agad sa mga katulong ang magiging silid ng dalaga.

" Manang Lita, naayos nyo na ba pina-paayos kong silid sayo? " tanong ni Clinton habang pinapasok ng ilang katulong ang mga gamit na kinuha nya mula sa bahay ng Tiyahin ni Natsumie. " Paki ayos nalang yang mga gamit na yan sa kwarto na pina-ayos ko at Manang Lita bukas mamalengke ka ng ilang mga pagkain gusto ko mag-luto ka ng masarap dadalin ko yon sa hospital " wika nito saka sya umakyat sa hagdanan papunta sa kanyang silid.

Nag-tataka ang ilang mga katulong sa magiging bisita sa mansion. Bakit Gayon nalang kung ipahanda ng kanilang amo ang silid maging ang mga pagkain.

" Wala naman kami nakikitang problema based sa result ng CT Scan, may nalamog lang na laman kaya wala dapat ika-takot. Just keep on taking the medicine for one week " wika ng doctor makalipas ang ilang araw na naka confine ang dalaga sa hospital. " Oh before i forgot, pwede na  sya maka uwi today. Just fill up the form sa cashier " dagdag mg doctor bago ito lumipat sa kabilang kwarto para tignan ang ilan pang pasyente.

" Halika na uuwi kana. " saad ni Clinton kay Natsumie na ngayo'y nabalot nanaman ng takot at lungkot ang mukha ng dalaga. Nasa Biyahe na sila ng mapansin ng dalaga na iba ang ruta ng dinadaanan nila.

" Sir, hindi po dito daan sa amin " wika ng dalaga sa kanyang guro sabay tingin sa dinadaanan ng sasakyan.

" Hindi nga, dahil simula ngayon hindi ka na doon naka tira " sagot ng kanyang guro sabay kabig ng manibela at lumiko sa bandang kaliwa at tinahak ang kahabaan ng kalsada. Nag-iisip ngayon ang dalaga kung saan sila pupunta, saan sya ngayon titira.

Selling My Innocence  (+18) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon