SMI - 9

199 3 0
                                    

Ilang minuto lang ay bumalandra sila sa pinaka gilid ng kalsada na kaunti nalang ang Distansya bago sumalpok sa poste ng kuryente. Nag-kagulo ang mga tao para maki usisa sa nangyari, wala naman nasaktan sa kanilang dalawa maliban sa nakuping parte sa likuran ng kotse. Kaagad bumaba ang kundoktor ng Truck para humingi ng Dispensa, may ilang pulis din dumating para rumisponde ilang oras na pag-areglo ay nauwi padin sa pag papakulong sa driver ng Truck.

" Sorry kanina nailagay pa kita sa kapahamakan " paumanhin ni Clinton kay Natsumie na kaagad naman naintidihan ng dalaga. Ng maka uwi sila ay kapwa na sila nag-pahinga para sa Year end party na gaganapin kinabukasan ng gabi. Sumapit ang umaga at bumaba ng hagdanan at binati sya ng ilang katulong ng magandang umaga. Nilingap nya mata nya sa paligid para hanapin si Clinton pero hindi nya ito nakita.

" Ma'am maaga po umalis si Sir, may aasikasuhin daw po sa opisina. Binilin ka naman po nya sa amin na pag-ka gising nyo ipaghain kayo pagkain. Uuwi din daw po sya bago sumapit ang dilim " wika ng isang katulong sabay hatid sa kanya sa kusina kung saan nag-aantay na ang pagkain na kanina pa naka hain.

Sumapit ang gabi at dumating ang ilang hair stylist at make up artist na nirentahan ni Clinton para ayusan si Natsumie, dala din ng mga ito ang isusuot na gown ng dalaga. Ng sandaling maka rating ang mga ito sa bahay ni Clinton ay kaagad sila nag umpisa sa isang total make over.

" Hello, We are your Glam team, kami ang mag aayos sayo ngayon gabi. We want your beauty stands out at the party " bati ng make up artist sabay akay kay Natsumie paupo sa upuan na nakapaharap sa salamin na may katabi na malaking ring light.

" Naku, wala po ako maipambabayad sa inyo. Saka ayos napo sa akin yung simple lang " saad ng dalaga na medyo nag aalangan maayusan dahil sa wala sya maipambabayad sa mga ito.

" All expenses was paid under the name of Mr. Clinton Santibañez, he hire us to do a total make over sayo Madam. So shall we start? " sagot ng isang Staff at kaagad nila sinimulan ang Pag-aayos sa dalaga. At first medyo challenging sa kanila dahil ni hindi talaga inaayos ni Natsumie anh sarili, ni magbunot ng kilay o mag treatment sa buhok ay hindi nito ginagawa kaya medyo natagalan ang Glam team sa pag-aayos sa kanya.

" Bro! Hey. Ang gwapo naman natin ngayon " sambit ni Fred kay Monchie na ngayon ay kuntodo porma. Ilang saglit pa ay dumating na si Kent at may naka pulupot sa kanyang balingkinitang babae, na kung iyong iisipin ay girlfriend nito.

" Yo! Asan na si Caerus? " tanong ni Kent sabay akbay sa babaeng kasama nya, kaagad naman naagaw ang pansin nila sa sigawan ng mga babae ng mga oras nayon.

" Oh ayan na ang Prince Charming " saad ni Monchie dahil iisa lang naman dahilan bakit mag sisigawan ang mga babae, ito ay dahil sa pag-dating ni Caerus, sakay ng isang puting kotse. Pag-lakad palang nito sa entrance ay halos hindi na magkanda mayaw ang mga babae.

" Yo! Mga pare! " masayang bati ni Caerus sa mga tropa nya sabay ayos ng suot nyang tuxedo, hindi naman mapatid ang bilang ng babae panay ang lapit sa area nila Caerus para lang mag sabi ng Hi sa binata.

" Ibang klase ka pare, University is Shaking sa presence mo." kantyaw ni Fred sabay inom ng Juice at tinignan ang hindi magkanda mayaw na mga kabataan na nag eenjoy sa gabing iyon.

" Oh such a lovely girl " bati ng Make up artist matapos nila ayusan si Natsumie, ng sandaling iharap ang salamin sa dalaga ay hindi sya makapaniwala sa nakikita ng dalawa nyang mga mata. Isang mukha ng babaeng tila nabubuhay lamang sa libro, sa madaling salita mukha syang Prinsesa sa isang Fairytale book na kahit sino siguro'y gugustuhin basahin ng paulit-ulit.

" A-ako ba talaga to? " tanong ng dalaga sabay haplos sa mukha at tinignan ang mga nag ayos sa kanya na may ngiti sa labi.  Ilang minuto pa ay isunuot na ni Natsumie ang kanyang gown na semi-modern ang dating at may halong pagka 80's ang istura.  Pababa na sya ng hagdan ng tumambad sa kanya si Clinton, naka puting Tuxedo, ng sandaling mag tama ang mata nila ay hindi maiwasan ng dalaga mag silay ng ngiti sa labi.

Habang pababa si Natsumie ay hindi maalis ang tingin ni Clinton sa dalaga, sa madaling salita nabighani sya sa tinatago nitong ganda na ngayon mismo nag sisimulang mamulaklak. Gusto nya pa ito alagaan at diligan ng madaming atensyon at pag-mamahal baka sakaling hindi lang ito ang maabot ng ganda na meron ang dalaga.

" Manang alis na kami, kayo na muna bahala sa bahay. Paki asikaso na din muna ang Glam team " paalam ni Clinton bago sila umalis ng bahay.

" Have you seen Natsumie? " tanong ni Caerus sabay hawak sa chin nito, na tila nag iisip sa itsura dahil ni minsan hindi nya ito nakita dumalo sa mga ganitong klase ng pagtitipon

" Bakit mo hinahanap pare? type mo ba maka date? " pang-aasar ni Kent sabay tawanan ng dalawa

" Gago! just wanna find out if she'll attend this year, balita ko she never go to this kind of party "  protesta nito sabay kuha ng cocktail juice sa umiikot na mga waiter. Ilang minuto pa ay isang puting karwahe ang pumasok sa entrace, hila ng puting kabayo at huminto sa gitna ng entourage ng kasiyahan, kaagad naman nag silapitan ang mga mag-aaral para makita sino ang mala maharlikang dumating.

Lumapit nadin sila Caerus para tignan ang dumating na yayamanin. Hanggang sa nag-salita na ang admin ng paaralan. " Please may i take your attention as our former teacher take his entrace together with this lovely girl " lahat ay nag-palakpakan ng bumaba si Clinton, lahat naman ng babae ay tila nafall inlove sa dating guro ng paaralan.

Ilang saglit pa ay bumaba ang isang magandang binibini na kanyang inalalayan papasok kasabay nito ay ang pag-alis ng karwahe, ang lahat ng lalaki ay nakatitig sa kasamang babae ng dating guro ng paaralan, ilang minuto pa ay muling nag-salita ang admin ng paaralan. " Again Mr. Clinton Santibañez and Ms. Natsumie Quintana " lahat ay hindi maka paniwala ng malaman si Natsumie ang kasama ni Mr. Santibañez

" Dude! Seryoso si Miss Genius yan? tangina pare ang ganda pala pag naayusan " saad ni Fred at hindi namalayan nabitawan na ang hawak nitong baso.

" should i court her? " wika ni Monchie sabay lingon sa mga barkada nya na may malapad na ngiti.

" Let me finished my business to that women first, then you're free to do anything you want to her " wika ni Caerus sabay titig ng malagkit kay Natsumie na ngayo'y naka upo kasama ang ilang special guest ng paaralan.

Selling My Innocence  (+18) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon