SMI - 8

203 3 0
                                    

Ilang saglit pa ay namangha ang dalaga ng pumasok ang sasakyan sa isang gate na may malawak na hardin, puno ng mga magagandang bulaklak may fountain at may iilang puno. Napa tingin sya sa kanyang guro na tila puno ng katanungan sa kanyang isip.

" Maganda ba? pwede kang maglagi sa hardin na yan kelan mo man gustuhin. " wika nu Clinton kay Natsumie habang tuloy lang sa pag mamaneho.

" Ang lawak Sir, ang ganda po. Asan po pala tayo? " tanong ng dalaga sa kanyang guro kasabay nito ay ang pag hinto ng kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Kaagad lumabas si Clinton sa sasakyan para pag-buksan ng pinto ang dalaga.

" Welcome to my house " wika nito kasabay ang pag-labas ng ilang katulong para dalin ang iilang gamit na dala nila.

" Sir, seryoso sa inyo to? " tanong muli ni Natsumie habang nililibot ng tingin ang buong paligid na may halong ngiti sa labi.

" Oo, and from now on you'll going to stay here. Manang Lita samahan nyo muna si Umie sa kanyang silid para makapag pahinga " sagot nito sa dalaga sabay bilin sa katulong bago sila parehong pumasok sa loob ng pamamahay ni Clinton.

Kung iyong isasalarawan ang bahay ay maari mo na itong maihalintulad sa isang magarang palasyo, puno ng mwebles , mamahaling paintings, magagandang klase ng kagamitan na talagang nanaisin mo na magkaroon ka. Ng maihatid na si Natsumie sa kanyang silid ay tila hindi pa nag sink sa utak nya na wala na sya sa pamamahay ng kanyang tyahin, dagdag pa rito ang kakaibang kiliti at kilig na dulot ng kanyang long time crush na si Clinton. Habang minamasdan nya ang silid na gagamitin nya ay tila hindi nya alam kung ano mararandaman dahil halos apat na beses ang laki nito kesa sa tinutulugan nya doon sa kanyang tyahin, bukod pa ang espasyo at laki ng sarili nyang Paliguan. Para syang isang Prinsesa na sinagip ng Prinsipe mula sa madrastang nag-papahirap sa kanya at dinala sya nito sa palasyo na nababalot ng kakaibang saya.

" Sir Clifford kayo po pala " bati ng katulong kay Clifford sabay kuha ng maleta nito at dinala sa silid ng binata.

" Asan si Kuya? " tanong nya sa isa pang katulong sabay punta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig

" Nasa kwarto po nya Sir, nag-papahinga saka may inuwi pong babae kapatid nyo " sagot ng katulong kay Clifford na pinag taka ng binata

" Nag-uwi ng babae? bago yan aah ngayon lang nag-uwi ng babae si Kuya " sagot nito sabay inom uli ng tubig na nasa baso

" Palagay ko nga po balak na i-bahay ng kapatid nyo dahil dinala na dito lahat ng gamit ng babae " epal naman ng isang katulong na ngayo'y abala sa pag-hihiwa ng kakainin sa hapunan.

Napa isip ng husto si Clifford kung sino ang babaeng tinutukoy ng mga katulong gayong iisang babae pa lang ang minahal ng kapatid nya at hindi nya sukat akalain na makaka limot agad ito. Matapos non ay kaagad sya pumunta ng kanyang kwarto para makapag pahinga na.

Ng nabalot ng dilim ang langit ay lumabas ng kwarto si Clinton para ipahanda na ang mga pagkain, paakyat na sana syang muli ng hagdan para puntahan ang dalaga ng iluwa ng kabilang pinto si Clifford ang bunso nyang kapatid na may dala nanaman maleta.

" Aalis ka nanaman? hindi ko alam na dumating ka " wika nito sa nakakababata nyang kapatid.

" Paano mo nga malalaman since Mom and Dad Passed away wala ka ng time to check me. Saka balita ko may inuwi kang babae? I want to meet her soon Kuya but I'm in a hurry may Trip pa ako para sa another photography ko kuya " Pag-papaalam ng binata sa kanyang kuya sabay madaling bitbit ang maleta at lumabas ng pinto.

Napa-ngiti nalang si Clinton dahil panigurado nag iisip nanaman ng kung ano ang kanyang bunsong kapatid kaya kaagad nya sinundo si Natsumie sa kanyang kwarto para maka kain na ng hapunan. Ng gabing iyon ay titig na titig ang dalaga sa masasarap na pag-kain naka hain sa kanya.

" Hindi ka mabubusog kung titignan mo lang ang mga yan " biro ni Clinton sabay kain.

" Eh Ang dami po sobra. Saka Chicharon lang okay na ako Sir " wika nito habang tinitignan isa isa ang bawat putahe sa lamesa.

" Hindi kana mag tyatyaga sa ganon simula ngayon, Masasarap na makakain mo saka kumain kana bago pa lumamig ang mga yan. Masarap mag luto mga kasambahay ko dito " paliwanag nito kay Natsumie na nakumbinsi din nya kumain. Napa dami ang kain ni Natsumie dahil yun ang unang beses na nakain sya muli ng masarap na pag-kain buhat ng pumanaw ang kanyang magulang.

" Bukas sumama ka sakin mag ma-mall tayong dalawa. " wika ni Clinton kay Natsumie sabay kain ng salad

" P-po bakit po Sir? " tanong ni Natsumie

" Don't call me Sir and stop using po, Call me Clinton hindi naman naglalayo edad natin. Saka ibibili kita ng isusuot mo sa Year End party. Remember I'll be your escort " Paalala nya sa dalaga sabay punas ng panyo sa bibig at sumandok uli ng panibagong pag-kain.

" Si-.. Clinton hindi naman na kailangan saka hindi ko alam pano ko makaka bayad ng utang ng loob sa ginagawa mo " sagot ni Natsumie na ngayo'y kumakain ng Soup.

" Don't worry hindi ako nag hahanap ng kapalit, just promise me na tatapusin mo pag-aaral mo " sagot ng binata sa dalaga.

Kinaumagahan ay kaagad sila nag-punta sa isang Mall para mamili ng isusuot na damit ni Natsumie, ipinamili nadin ni Clinton si Natsumie ng mga bagong damit na isusuot nito lalo na kapag pumapasok. Sa Di kalayuan ay natanaw sila ni Kent ang barkada ni Caerus, namataan sila ng Binata na abala sa pag-shopping habang hawak ni Clinton ang shopping bags, samantalang abot abot naman hila nya kay Natsumie pumasok sa isang Shoe store. Kaagad itong kinuhanan ng picture ang dalawa.

" sobra na atang dami nito okay na to wag na dagdagan " hirit ni Natsumie kay Clinton na halos madami dami nading naipamili.

Ilang saglit pa ay dumiretso na sila sa Parking area para tuluyan ng maka uwi. " Clinton, salamat pala sa lahat.  Nahihiya nako sa mga tulong na binibigay mo, kung pwede sana hahanap nalang ako ng uupahan ko apartment, ayoko kasi maging pabigat sayo lalo at alam ko napaka busy mong tao. " wika ni Natsumie habang tinatahak nila ang kahabaan ng kalsada.

" Sigurado ka ba dyan? kasi ang laki naman ng bahay ko, pwede ka naman doon at mapapalagay ako nasa maayos ka kapag andoon ka " sagot ni Clinton sa dalaga habang naka tuon ang atensyon nya sa kalsada.

" Sigurado na ako saka may trabaho naman ako hahanap nalang uli ako ng isa pang trabaho para matustusan naman mga kailangan ko " tugon ni Natsumie kay Clinton, dahilan para lingunin sya nito ng biglang lingon pabalik ni Clinton sa kalsada sabay kabig ng manibela para iwasan ang nag overtake na truck sa kabilang linya.

" Sir!!! " sigaw ni Natsumie sabay takip sa mukha nya at yumuko dahil sa takot na sumalpok sila dito.

Selling My Innocence  (+18) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon