SMI - 12

177 1 0
                                    

Kung pag-mamasdan ang larawan ay mababatid mo na tila may kung anong namumuong relasyon sa pagitan ng dalawa. Isang larawan na mababakas ang saya sa pagitan ng dalawang tao, isang kasiyahan na tila ba ang ugat ay pag-mamahalan.

" Sabi na eh, so totoo ang kumalat noon na may relasyon ang dalawa. Plinano lang siguro nila takpan. " wika ni Fred habang kumakain ng Korean Noodles.

" Yaan din siguro dahilan bakit napabalita umalis ng school si Sir. Santibañez para mapag-patuloy nila ang relasyon nila " pang gagatong naman ni Monchie sabay bukas ng bagong Soft-drinks in can.

" Malay ba natin hindi lang yan? who know's naka score na agad yaang si Sir. Kay Ms. Genius " dagdag ni Kent.

Nakikinig lang si Caerus sa tatlo habang nag-uusap ang mga ito, bahagyang napaawang ang panga nya at ngumiti saka humugot ng hangin at nag-salita. " Kung nalawayan man yan ni Sir ng ilang ulit sisiguruhin ko naman na mas mangingibabaw ang laway ko pag dinilaan ko na yang si Ms. Quintana " maangas na wika ni Caerus na tila kina-gulat ng tatlo.

" So you mean babalik kana sa pagiging Casanova Prince? " tanong ni Monchie kay Caerus na tila sabik sa itutugon nito.

" Let's just say Yes, at si Ms. Quintanna ang pam-pagana ko sa pag-babalik ko. Sisiguruhin ko paulit-ulit ko syang titikman " sagot ni Caerus bago ito ngumisi ng nakaka loko.

" So pano ba yan? yung deal natin for real na. Once na mabigo ka kay Ms. Genius ay samin na isa sa sports car mo? Wala kana magiging pakielam sa gagawin namin don " wika ni Monchie na tila sabik na sa kakahinatnan ng plano ng ka barkada nya.

" Good morning po Ma'am, kumain na po kayo maaga umalis si Sir dahil may aayusin pa daw sa company. Ibinilin ka naman po nya na pag may kailangan ka ay ipasabi nyo lang sa kahit sino dito " wika ni Manang lita saka inilapag sa lamesa ang kakainin ng dalaga. Medyo wala pa sya sa sarili nya dahil pinipilit nya isipin pano sya naka uwi at nakapag palit ng damit gayong nasa sasakyan pa sila bago sya maka tulog. Napahawak tuloy sya sa katawan nya na naka pang tulog at tinitigan ang ilang katulong na nag-sisilbi sa kanya

" H'wag po kayo mag-alala pina bihisan kayo sa amin ni Sir. Tuloy po kayo ng iuwi nya kagabi " wika ni Manang Mira dahil batid nya ang pag-tataka ng dalaga ng sandaling napatingin ito suot nyang damit.

" Ma'am alam nyo ngayon lang namin nakita si Sir na ngumingiti . Noon kasi Iba yung ugali nya " daldal ng isang katulong na masasabi hindi nalalayo edad nito sa kanya

" Ano ibig mong sabihin? " tanong ni Natsumie habang kumakain, tinignan nya ang katulong na lumapit sa kanya at umupo sa kabilang upuan malapit sa kinauupuan nya.

" Si sir kasi yung ugali nya noon ay hindi maganda, palaging mainitin ang ulo. Nasesermunan kami palag... " natigil ang katulong ng biglang iluwa ng pinto ang kanyang amo na naka bihis pang opisina. Namutla ito na tila naka kita ng multo sabay tayo at bumalik sa linya ng mga katulong.

" Ano tuloy mo ano yung Sir ninyo panong nasesermunan? " tanong ni Natsumie sa katulong.

" Pano ko hindi sersermunan, tinatama ko lang naman mali nila nagagawa sa bahay tama ba? " tanong ni Clinton sabay lapag ng office bag nya sa kabilang lamesa at naupo sa tabi Natsumie, saka ito pinag latagan ng plato at kubyertos ni Manang Lita.
Tahimik ang lahat ng dumating na si Clinton, habang kumakain ay tila hindi alam ni Natsumie ang gagawin kaya binasag na nya ang katahimikan sa paligid.

" Ah Clinton, balak ko na sana humanap ng malilipatan. Masyado na ako nakaka abala dito, saka hindi narin ako nakaka pasok sa part time job ko. " wika ni Natsumie kasabay nito ang pag-baba ng kubyertos ni Clinton sa plato.

Selling My Innocence  (+18) [ON GOING]Where stories live. Discover now