SMI - 10

214 4 0
                                    

Ang lahat ay nagkaka siyahan sa saliw ng iba't-ibang kanta, habang abala kumain si Natsumie sa tabi ni Clinton ay abot ang galak ng ilang admin na sa wakas dumalo si natsumie sa huling party ng taon nya bilang mag-aaral. Puro hiyaw, tawanan at kwentuhan ang madidinig mo sa kung saan, dala na din ng ilang mag-aaral na nag enjoy sa party.

" Buti Mr. Santibañez napapayag mo si Natsumie dumalo " bati ng School registar na si Bheth sabay subo ng pagkain.

" Of course, buti nga at pumayag sya " sagot ni Clinton sabay inom ng Tubig at punas ng tissue sa bibig.

" Ang ganda ganda mo Natsumie, nako walang duda ikaw ang mananalonh Queen for tonight " dagdag ni Bheth na tila kinapula ng mukha ni Natsumie sa hiya at tuwa.

napako ang tingin ni Natsumie sa isang lugar kung saan nakita nya si Caerus na naka tingin din sa kanya, Bahagya naka ramdam ng kaba. Isang kaba na pinapahiwatig na any moment ay hindi sya safe. Maya maya pa ay nag-simula na tumugtog ang romantic music sa saliw ng tugtugin ng Beautiful in White.

Not sure if you know this,
but when we first met.
I got so nervous, I couldn't speak.
In that very moment,
I found the one and my life had found it's missing piece.

" May i have the pleasure of dancing you? "  alok ni Clinton kay Natsumie sabay lahad ng kamay nya at kaagad naman binigay ng dalaga ang mga kamay nya sa dati nitong guro, lumakad sila at nahati ang daan dahilan para mapunta sila sa gitna ng mga sumasayaw na magka sintahan at nag-iibigan.

" Sir, hindi ako marunong sumayaw, baka maapakan ko mga paa mo " wika ni Natsumie ng sandaling ilagay ni Clinton ang mga braso ng Dalaga sa kanyang balika.

" Tiwala ka lang sa akin, sundan mo lang ang galaw ko at ako ang bahala sayo " sagot sa kanya ni Clinton sabay hawak sa bewang ng dalaga at nag umpisa na silang umindak

So as long as i live i love you,
will have and hold you.
You look so beautiful in White,
and from now till my very last breath, this day I'll cherish
You look so beautiful in white tonight...

Ang lahat ay tila ba huminto para kay Natsumie, ang bawat sandali na sinasayaw sya ni Clinton ay sobrang mahiwaga, tanging tugtug lang ang kanyang naririnig at ang tao lang na nakikita nya ng mga oras na iyon ay ang dati nyang guro, lahat ay napapatingin kay Natsumie at Clinton at sa paraan kung paano sila sumayaw ng hindi naghihiwalay ang mga mata sa isa't-isa, mababakas din ang ngiti sa labi nila na tila ba may sariling mundo ang dalawa.

What we have is timeless
my love is endless, and with this
ring i said to the world.
Your my every reason, you're all that i believe in. With all my heart i mean every word.

Inangkin na ng dalawa ang sayawan kasabay nito ay ang pag-hinto ng mga mananayaw dahil tila ba nag sasariling mundo na ang dalawa simula ng tumugtog ang awitin.

" Sabi ko sayo ako bahala diba, kita mo nakaka sayaw ka ng maayos " wika ni Clinton kay Natsumie na ngayo'y naka titig din sa kanya, sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga sa sinabi ni Clinton dahilan para mamula ang mga tainga nya na animo'y bigla nalang nadarang sa init.

So as long as i live i love you
will have and hold you
you look so beautiful so white
and from now till my very last breath, this day i'll cherish you look so beautiful in White tonight

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-sasayaw ay bigla nalang nagulat ang lahat ng sandaling nag-lakad si Caerus papalapit sa pwesto nila Clinton at Natsumie, ang lahat ay nag-aabang sa anumang mangyayari ng sandaling lumapit si Caerus sa dalawa. Ng biglang nilahad nya ang kamay nya at nag-salita.

" May i barrow this beautiful lady to dance with me tonight? " alok ni Caerus dahilan para lingunin sya ni Clinton at tumingin ito kay Natsumie na tila nag-papahiwatig kung ibibigay ba nya ang kamay ng Dalaga sa binata o hindi. Ilang saglit pa ay ngumiti si Clinton at hinabilin ang mga kamay ng dalaga sa kanya, mula sa mga sandaling iyon ay sumenyas si Caerus na palitan ang kanta, Lahat ng babae ay dismayado dahil ngayon lang nila nakita si Caerus mismo ang mag-alok ng sayaw sa isang babae, di tulad noon na sila pa mismo ang nangungulit dito para isayaw sila.

Were the King and Queen of Hearts,
Hold me when the music starts,
all my dreams come true. When I dance with you
Promise your mine tonight
I've been wait in line tonight
while the lights are low
I never let you go....

Hinapit pa lalo papalapit ni Caerus ang dalaga ng sandaling kabigin nya ang balakang ni Natsumie para lalo ito kumapit sa batok nya. Titig na titig si Natsumie sa mukha ng taong kinaiinisan nya na ngayo'y isasayaw sya, habang isang malagkit na tingin naman ang binibigay ni Caerus sa kanya. Lahat ay naka tuon ang atensyon sa dalawa na ngayo'y sumasayaw sa saliw ng bagong tugtugin.

Did i dream that we dance forever,
In a wish that we made together
on a night that i prayed would never end.
You know it's not my imagination, or a part of the orchestration.
Love was here at the Coronation.

" I'm the King and your the Queen of Hearts " wika ni Caerus sa malambing na tinig habang sinasabayan ang huling linya ng kanta, itutulak sana ni Natsumie si Caerus ng bigla sya nitong kabigin papalapit dahilan para mahagkan nito ang labi nya. Lahat ay nagulat sa ginawa ni Caerus at ilang saglit pa ay isang malutong na sampal ang nakuha nito sa dalaga. Daglian naman umalis si Natsumie papaalis sa kumpol ng mga tao, hahabulin sana sya ni Caerus ng pigilan sya ng Dati nilang guro na si Clinton, na sya ngayong humahabol sa dalaga para sundan ito .

Umiiyak si Natsumie matapos nya umalis sa kumpol ng mga tao, butil buti na luha ang umaagos sa mukha nya habang hila nya ang suot nyang gown , papalayo na sya ng papalayo mula sa madaming tao. Habang papalayo sya ng papalayo ay hindi na nya namalayan naka rating na sya sa abandonadong library ng kanilan paaralan kung saan hindi na naabot ng liwanag mula sa party.

" Umie wait.. wag ka lumayo mg husto " wika ni Clinton sabay kuha ng cellphone sa bulsa at tinanglawan ng flashlight ang daanan. At naaninag nya na tila papalayo na ng papalayo si Natsumie dahilan para mas lalo pa nya bilisan ang pag-lalakad para masundan ito. Nakita nya na pumasok ito sa abandonadong library, kaya sinundan nya ito papasok. Panay ang tawag nya kay Natsumie ngunit tila hindi sya nito nadidinig.

Sa kakalakad ni Natsumie ay narating nya ang bakanteng silid ng lumang library at doon sya umiyak ng husto kasabay niyo ang pag kuskos nya sa labi nya na tila ba hinalikan sya ng isang mikrobyo. Mula roon ay dinig ni Clinton ang pag-iyak ng dalaga, walang patid na mag hagulgol, sinundan nya ang pinang gagalingan ng ingay at ng tanglawan nya ang paligid ng flashlight ay tumambad sa kanya ang dalaga na naka salampak sa sahig yakap ang tuhod.

" Umie... " wika ni Clinton, paupo palang sya ay bigla nalang sya niyakap ng dalaga na nag dulot ng tila sundot sa puso nya para tumibok ng mabilis na animo'y nakikipag karera.

Selling My Innocence  (+18) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon