SMI - 6

243 5 0
                                    

Kinabukasan lang ay pumasok sya sa Part time job nya dahil wala syang klase the whole day, ginusto na nya mag shift ng twelve hours para malaki ang ibayad sa kanya. Kina kailangan nya kasi maka ipon na ng husto sa nalalapit niyang pagtatapos ng College.
Nagtataka sya bakit hindi pumasok si Clifford ng araw na iyon kaya minabuti nalang nya mas isipin ang trabaho upang mas kumita sya ng husto para sa pinaghahandaan nya na mga babayaran sa school.

" Caerus, ako nalang yung gawin mo na date sa Year end. Wag na mga Hippopotamus na mga babaeng humahabol sayo " saad ng babae na sumusunod kay Caerus sa School. Lagi nasa School si Caerus kahit wala syang klase maghapon makikita mo sya pakalat kalat. Kung meron mang Best in Attendance ay Honorable Mention na pangalan nya.

Hindi pinansin ni Caerus ang babae na humahabol sa kanya hanggang sa Locker Room ng mga lalaki. Maya maya pa ay  huminto si Caerus ng narinig nya sinara ng Babae ang pinto at ni-lock ito. " Tatangi ka ba sakin kung eto ang kapalit? " tanong uli ng babae at lumingon si Caerus matapos makita ang kahubadan ng dalaga.

Ramdam ni Caerus ang init matagal narin ng huli sya maka tikim ng studyanteng babae na kusa ng lumalapit sa kanya. Ramdam nya na unti unti nabubuhay ang pag kalalaki nya, naramdaman nalang nya magkalapit na sila ng babae ng halikan sya nito sa leeg. Tutugon na sana sya ng maalala nya Bilin ng School Admin sa kanya kaya marahan nya kinabig ang babae at naglakad papalayo, kahit na ang totoo gusto na nya ito sunggaban at walang habas na paspasan ng kanyang killer moves.

" Wow ha! Nananaginip ba ako? Si Caerus Fontano na binansagan Casanova dahil wala syang pinapalampas pag dating sa sex tatangi sa Queen of the University na halos ilang beses mo naman ng Tinikman tikman " panunukso nito sa kanya pero hindi nalang pinansin ng binata at nilayasan nalang nya ito.

Bagamat sa Ganoong paraan sya nakilala, gusto parin maka tapos ni Caerus sa kadahilanang Bago umalis ang magulang niya para sa Business tour ay pinag usapan na nila ang tungkol sa buhay nya na Once maka tapos na sya ng College He can do Everything He wants ng hindi hinahadlangan ng kanyang mga magulang. Gusto na nya mabuhay ng bukod dahil ever since hindi nya naranasan Mahalin at hindi iwan ng mga tao pinapahalagahan nya. From that day He promised na magiging Bato sya sa lahat ng papasok sa buhay nya except his Friends na kahit kailan hindi sya iniwan sa kalagitnaan ng mga kagaguhan nya at malulungkot na sandali.

" Umie!!!! Peste kang bata ka halika dito! " sigaw ng tita ni Natsumie

" Sino nag sabi sayo pwede ka kumupit sa pitaka ko ha! kelan kapa natuto magnakaw! " tanong nito kay Natsumie ng makalapit ito sa kanya

" P-po? wala po ako kinukuha " pag papaliwanag ni Natsumie

" So sinasabi mo ako kumuha ng pera ni Mama? Ibang klase karin pala. Ikaw na nga pinatira namin dito tapos ganyan lang gagawin mo ang kapal din pala ng mukha mo " epal ni Llyn na anak ng tita ni Natsumie.

" Wala naman ako sinasabing ikaw " paliwanag uli ni Natsumie

" Ahh ganon so sasabihin mo gumagawa ng kwento ang anak ko! " panunumbat ng Tita ni Natsumie at bigla nalang sana ito sasapakin ng Tita nya at naka iwas si Natsumie dahilan para mag buhal ang Nanay ni Llyn.

" Peste kang bata ka! " bulyaw ng tita nya sa kanya
" Walang hiya ka ang lakas ng loob mo ganunin ang Mama ko halika dito mag tutuos tayo ! " banta ni Lyn at hilina nito buhok ni Natsumie at kinaladkad nya ito palabas ng bahay at pinag sasabunutan. Ayaw lumaban ni Natsumie sa pinsan dahil baka lumala lang ito ngunit ayaw talaga nito mag paawat

" Tama na Llyn nasasaktan ako " pag mamakawa ni Natsumie ngunit hindi sya nito pinakinggan " Masasaktannka talaga sa akin ng husto! " dagdag nito habang patuloy sya sinasabunutan. Ng maka labas ang Nanay ni Llyn ay nakisali din ito sa pag mamaltrato sa dalaga na walang laban.

" nagsisisi ako kinupkop kita tapos gagawin mo lang ito " sambit ng tita ni Natsumie habang pinagsasampal nya ito, umiiyak na si Natsumie ngunit hindi sya pinakinggan ng Tiyahin nya at Pinsan.

Mangiyakngiyak na ang dalaga sa ginagawa sa kanya ng dalawa ngunit hindi parin ito tumitugil, hindi na nya kaya kaya lumaban na sya at tinulak nya si Lyn na kinabagsak nito sa sahig at isang sampal naman ang binigay nya sa tita nya na lalo kinagalit ng dalawa.

" Kita mo na! edi lumabas din sungay mo. Ang lakas talaga ng loob mo kalabanin ako na sarili mo Tiyahin " wika nito saka tumayo at hinawakan sa buhok si Natsumie at sa sobra nitong Galit ay naihampas nya ang ulo ng dalaga sa haliging gawa sa simento na malapit sa Gate ng bahay nila, hindi ito nakuntento at inihampas pa nya uli ko ng tatlong ulit.

" Mama... M-m-may dugo . Mama Napatay mo ata si Umie " saad ni Llyn ng makita nya wala ng malay si Natsumie at duguan na ang ulo nito.

Natakot ang Tiyahin ni Natsumie at kaagad nya binitawan ang dalaga sa sobrang kaba at Takot. Dadalawin sana ni Mr. Santibañez ang Dalaga ng Makita nya ito pinag tutulungan ng sarili nitong tita at pinsan, Alam na nya ang lagay ng buhay ni Natsumie sa puder ng mga ito pero hindi nya inakala na ganito pala kung itrato si Natsumie, pababa na sya ng Makita nya pinaghampasan ang ulo ng dalaga sa pader at duon na sya napatakbo dahil duguan na ang dati niyang Studyante.

" Ano sa tingin nyo ginagawa nyo " tanong nya sa Tiyahin ni Natsumie na kinagulat nito maging ang anak nitong si Lyn. Kaagad nya binuhat si Natsumie na walang malay at nag-iwan ng banta sa mga nanakit dito " Pwede kayo makulong sa ginawa nyo . Pero naka dipende yon kay Umie kung sasampahan kayo ng kaso sa pananakit sa kanya " saad nito sabay takbo at isinakay and dalaga sa sasakyan at dali dali nag maneho patungo sa Hospital.

" Ma.... pano kung ipakulong tayo ni Umie " kinakabahang tanong ni Llyn " Mama ayoko makulong! " dagdag pa nito sabay yakap sa Nanay nya

" Gagawa tayo ng paraan para hindi sya mag sampa ng Kaso sa atin " sagot nito sa kanyang anak na takot na takot sa sandaling maka alis si Umie kasama ang dati nitong Guro.

Selling My Innocence  (+18) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon