"Knock knock!

"It's Lucas." Pagkasabi ko non ay agad na akong dumiretso sa pinto para pagbuksan ang bisita ko.

"What!? Is he crazy!? Hindi pa nga siya nakakarecovasdfghjkl

Di ko na narinig pa ang mga reklamo ni James dahil nakalayo na ako sa kinaroroonan nila.

"Lucas!" Excited kong bungad kay Lucas pagkabukas ko ng pinto.

"Dahan-dahan lang Mal hahaha," natatawa pang aniya nang akmang yayakapin ko dapat siya, oo nga pala may mga benda pa siya sa katawan.

"Oh sorry, I'm just happy to see you," it's the truth. I really am happy to see him dahil hindi ko pa siya nakakausap ng maayos o nakakamusta man lang after ng incident sa park last time.

Teka? Bakit nga pala parang hindi man lang hinahanap ni Vlad si Gio? Or kahit tinanong man lang sana ako kasi diba last time na pagkikita namin nasa puder ko pa si baby? Is he not even curious kung bakit ganito ang mga kilos ko o namin kahit pa nakidnap ang anak ko? Wow. He's so manhid o nagmamanhid-manhidan lang?

I never know.

"Hey Yumi you're spacing out." Oh, oo nga pala Lucas is here. Napakamot tuloy ako bigla.

"M-May naisip lang," saad ko tyaka pagkuwan ay nginitian siya.

"Hey demon! What are you doing here?" Napairap ako dahil sa bungad na iyon ni James kay Lucas. Actually I never saw them being close like this so di ko naman alam kung paano ba talaga sila mag turingan.

"Mind your own, I'm here for Yumi and not for you devil," pakinig kong bwelta naman ni Lucas sa sinabi ni James habang iginigiya ko siya papasok ng aming bahay.

"Who is he?" Walang emosyong turan ng kasusulpot lang na si Vlad. Buhay pa pala to? -,-

"The name is Lucas and he's Nisa-baby's ex boyfriend hahahahaha," malademonyong tumawa ang napakagagong si James. Binato ko nga ng throw pillow, literal na nagamit sa pag throw.

"I don't care." Salubong na salubong nanaman ang kilay ni Vlad nang sabihin iyon.

Wala ba to nung first day ni Lucas sa school? Or sadyang wala lang talaga siyang pake sa paligid niya that time?

"Basta ang alam ko hindi lang naman ako ang ex ni Yumi dito, right? Correct me if I'm wrong." Prenteng naupo sa sofa si Lucas tyaka pinakatitigan si Vlad.

Oh God! Dadagdag pa ba sa sakit ng ulo ko ang isang to!?

"Ikaw lang, we never broke up---

"Ang tanong, naging kayo ba talaga?" Wow! Lucas just interrupted the mighty Vlad.

"Fvck you!" Akmang manunugod na si Vlad kaya mabilis akong pumunta sa harap ni Lucas para umawat.

"Sige subukan mo!?" Matapang na salubong ko sa galit na galit na si Vlad.

"Calm down brother." Dinaluhan na din ni James ang kaibigan para pakalmahin.

Biglang lumamlam ang ekspresiyon ni Vlad. Napabuntong hininga nalang din siya tyaka marahan akong tinitigan.

"Baby I'm sorry---

"Vlad, just.... just g-go home." Umiwas ako ng tingin. I don't want to hear him saying sorry again. Nakakapagod na, paulit-ulit nalang.

"No baby I'm sorry, I'm just---

"You're not even invited here so please, please Vlad just leave." Tinalikuran ko na siya. Hindi ko maatim na makita ang mukha niya dahil baka pag ginawa ko iyon ay bumigay nanaman ako at takasan ng inipon kong lakas ng loob para paalisin siya.

"Sige na Vlad hayaan mo na muna siya." Pakinig kong turan ni James sa kaibigan.

Sa kabilang banda naman ay bigla akong hinawakan ni Lucas sa kamay para pakalmahin at damayan.

"Fine, I'll find baby Gio first then I'll come back. Babalikan kita Ayumi I promise you that." Bigla akong nakaramdam ng matinding takot at kaba nang marinig mula sa kanya ang pangalan ng aming anak.

Naramdaman ko ding biglang pinisil ni Lucas ang kamay ko. Alam kong ramdam din niya ang tensiyon sa pagitan naming lahat na naririto sa apat na sulok ng aming sala.

Narinig ko pa ang muling pagbuntong ng hininga ni Vlad bago nagpaalam kay James tyaka tuluyan na ring umalis pagkuwan.

Nang marinig ang tuluyang pagsara ng aming pintuan tanda na nakaalis na si Vlad ay tila awtomatikong nanghina rin ang mga tuhod ko at kamuntik nang bumigay buti nalang at naalalayan ako kaagad ni Lucas.

"Careful." Nakalapit na din sa pwesto ko si James tyaka inalalayan din ako paupo sa sofa.

"T-Tawagan niyo si mommy," I asked them dahil parang naubusan na ako ng lakas at maging ang pagtawag ay di ko na magawa.

"Anong sasabihin ko?" Si James ang nagtanong.

"Uuwi tayo sa private residence nila ama, hindi na safe sa bahay na ito ang anak ko." Mariing naipikit ko ang aking mga mata pagkasabi non.

Kasabay din ng aking pagpikit ang pagtakas ng ilang mga luha mula sa aking mga mata.

I'm sorry Vlad but I have to do this. I hate to say this but I have to take our son away from you and your family. It'll be safer this way.




To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now