Labag man sa kalooban ko, hindi maitatanggi ang katotohanang saksakan ng gwapo si Yro. He's hot and sexy in his very own way which really pisses me off. Tapos malakas pa ang charm niya at idagdag niyo pa ang nakakaakit niyang sex appeal. May six packs yan at toned ang katawan.

Umusok ang ilong ko at napairap nang makita ang walang hiya niyang pagkindat! Aba'y may gana pang mangindat! Tusukin ko yang mata niya nang magdugo eh.

Tumayo ako at hindi ininda ang masamang tingin sa akin nung babae niya. "Wear a fucking shorts and cover up, asshole" Tinanggal ko ang nakasalampak na earphones at tinaasan ang kuya niyo ng isang magandang kilay.

He smirked. "No need. Magkikita rin naman kayo ni pare when the time comes"

Humalukipkip ako. Sa tingin niya ba papatulan ko siya? Over my dead body! Baka nga ipakain ko siya sa puwet ng baboy! No friggin' way will I fall head over heels for this guy!

"Honeybunch, who is she ba? Why is she here?" Maarteng singit nung babae niya. Honeybunch? What the fuck?

Sa sobrang kagustuhan ko man na matawa, buti at napigilan ko. Jusko po! Honey bunch? Ke laki niya at ke lalaki ng mga muscles ni Qazvin, honeybunch? Shit!

Natawa ako sa isip ko.

"Don't mind her, Harley. She's my fiancé. Okay lang naman sa kanya na magtaksil ako kahit minsan lang dahil gwapo ak—TANGINA!"

Buti nga sayo!

Binato ko na ng bag ko!

He glared at me and massaged his neck. Dun ko kasi binato ang may kabigatan kong bag. Pagsisisi? Wala! Kapkapin niyo man ako! Wala! Buti nga sa kanya! Walang hiya kasi ang bibig! Kung ano ano ang pinagkakalat na masamang balita.

Ngumisi ang babae sa akin na tila ba nang-iinggit saka ipinulupot sa baywang ni Qazvin ang mga kamay. "Oh really?"

Hindi sumagot si Qazvin dahil minamasahe niya pa yung leeg niya. Amazing! Ni hindi gumalaw ang mabilis niyang reflexes ngayon!

Uhuh? Masyadong pagod ang katawan? Whatever.

She then kissed him on the lips in front of me. Ew! Gusto ko tuloy sumuka. Tanginang Qazvin! Hinahalikan pa man din ako ng walang paalam! Malay ko ba kung may sakit na yung bibig niya! Sa dinami dami ba naman ng nagalaw niyang you know, ewan ko na lang!

"I'm leaving na. Just call me if you need me to work you out again" Nang-aakit niyang sabi at sinamahan pa ng kindat at bukas bunganga. Sige! i-shoot niyo na yung siopao! Nakanganga oh.

Lumabas na si Harhar, I mean Harley pala kaya sinamaan ko na ng tingin si Yro na ngayon ay nakabusangot na sa akin.

"Pinapunta mo ako para dito?! Saan dito ang emergency?! Emergency mo mukha mo!"

Nanliliksi ang mga matang sita ko sa kanya. Tsaka ano ba ang problem niya? Tanghaling tapat, eto ang ginagawa?! Gosh!

Pinaikot ko muli ang mga mata ko saka maingay na nagtungo sa kusina para maghalungkat ng kung ano na puwede kong makain pero pagbukas ko ng ref, walang laman kundi isang condom.

Suminghap ako. "Seriously?" Sabay talikod at pinakita kay Yro.

"That's a normal thing"

Normal? Pinaglololoko niya ba ako? "Anong normal ka riyan?! Ang sabihin mo, abnormal! Abnormal ito tulad mo! Bakit pati condom nilalagay mo sa ref?! Ano ka? ADIK?!"

Sumimangot siya.

Frustrated akong umungol. Gutom pa naman ako eh walang pagkain dito!

Makakain ba ang condom? Shit lang ha.

Naintindihan ko na yon. Ayaw ni Yro na kapag may kinakama siya, nagtatagal ang mga itong kasama siya. What he wants is a satisfying fuck and then done. He doesn't do cuddling with any of his woman.

Sinampal ko ang lamesa. "Mag-order ka ng pagkain at ipahatid mo dito. Nagugutom ako" Utos ko sa kanya.

Ngumuso siya sa akin kaya pinandilatan ko siya. "Subukan mong magreklamo at huwag gawin ang pinaggagawa ko sa'yo, malilintikan ka sa akin" Banat ko sa kanya. Ganito nga ako kapag gutom. My patience and kindness really runs out fast.

Kita ko ang kagustuhan niyang magreklamo pero nagmura lang siya.

Kuntento akong napangiti sa isip ko. Good. Because I'm hungry.

HINIWA KO ang beef steak saka sumubo ng isang piraso. Si Yro naman, naka-upo sa harapan ko habang nakamukmok sa lamesa at tinititigan ako.

Ngumuya ako. "Bago na naman yung babae mo" Komento ko.

"Okay lang naman si Barney ah"

Nanlalaki ang mga mata ko. "Gago! Harley ang pangalan nun hindi Barney!"

Natatawa kong sabi. Fuck! That's so savage!

Ngumuso lang siya. "Magkatunog naman yun ah!" May pinaglalabang sabi pa niya kaya nailing na lang ako. Ewan ko na lang sa lalaking ito. Paanong naging Barney ang Harley? The heck?

"Lunch at grabe ang sikat ng araw, ginagawa niyo yun. Iba ka rin eh ano?" May pagkasarkastiko kong sita sa kanya at muking sumubo.

"Ano ba ang mali dun? Sabi ni Dad, be a gentleman and try to be generous at all times. Sinusunod ko lang naman. She texted me if I could satisfy her needs, I did. Isn't that generosity?" Napabuntong hininga ako. Hindi muli ako nakapagpigil at binatukan ko siya. Hindi pa ako nakuntento at inapakan ang paa niya.

"Fuck!"

"Tarantado! Kadiri ka! Anong generosity ang pinagsasasabi mo riyan tungkol sa pakikipaglibogan?! E paano na lang kung mabuntis mo yun? Paano kung makabuntis ka diyan sa pinaggagagawa mo?! Mapapanagutan mo ba ang responsibilidad?!" Gigil na gigil na talaga ako. Kung pwede lang na ihampas ang malaking dustpan sa mukha niya, ginawa ko na.

Ako ang nag-aalala sa kanya sa ginagawa niya eh! Knowing him, hindi pa siya handang maging tatay. Kahit gusto ko mang maka-shoot siya, nananaig pa din sa akin ang konsensya at walang hiyang pag-aalala kapag nagkatotoo ang matagla ko nang hinihiling mangyari.

"I use condoms"

I blew a frustrated groan. "Kahit na! With condom or not! There are still chances that you might get her tummy bloated with your sperm you asshole! What if may butas yung condom?!"

Sumandal ako sa upuan at napasapo sa noo. Nawalan na ako ng ganang kumain.

Tiningnan ko si Yro dahil natahimik siya at naabutan ko siyang mariing nakatitig sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" Mahina niyang tanong.

The Playboy Game Changer (REVISING)Where stories live. Discover now