Prologue

1.3K 11 0
                                    

"Yo biatch?! Where art thou?!" I heard Dee's hoarse voice. Naririnig ko rin sa background ang malakas na music at sigawan ng mga tao mulu sa loob ng bar.

"On the way pa ako ulol.." I smiled, nagsisimula na siguro ang night blast and hell yeah, gustong-gusto ko na magparty at magwala sa gitna ng dancefloor! I can't wait to get wasted again and again!

"Tss. Just make it fast! Okay? Ciao!" Agad na naputol ang tawag namin ni Dee, it seems like nagkakasiyahan na nga sila.

"Manong pagdumating na po si Almira, pakisabi umalis na po ako." Sabi ko sa guard namin dito sa restaurant, pagkalabas ko.

"Okay mam." Ngumiti si Manong Leo saakin kaya tumango na rin ako at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, pumasok na ako sa loob ng aking sasakyan at agad na nagdrive patungo sa Club Link kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko.

Im a party animal. I love partying. When im partying kasi I feel like im free! Free sa lahat ng mga problema, sa gulo, sa bahay, sa resto, sa buhay! When im partying, nawawala kahit sandali man lang ang mga nasa isip ko na nagpapastress lang sa akin. That's why wala akong inuurungan kapag nagyaya na si Dee. Siya kasi talaga ang the best buddy when it comes to parties.

Kumbaga, ginawa ko nang stress reliever ang pagna-nightclubbing. Wala naman din akong ibang ginagawa kundi ang sumayaw sa gitna ng dancefloor at magpakalunod sa mga inumin. Pagkatapos non ay hangover na ang haharapin ko  kinabukasan. My daily routine haha.

Mabilis ang patakbo ko kaya agad kong narating ang Club Link. Its an underground bar na kung saan may nakakonektang hotel sa taas and restaurant sa gilid. So I opened the door and went out of the car, sumalubong saakin ang hangin na dahilan kung bakit sumabog ang buhok ko. Effect siguro yon para bongga. Halos napatingin lahat ang mga taong nasa labas ng club, sa banda ko. Wearing a tight black mini dress, paired up with my favorite black stiletto and only a purse in my hand, parang ngayon lang ulit sila nakakita ng isang dyosa na bumaba galing sa langit.

"Shiela? Hey! Its been a while!" Habang naglalakad ako papasok ay may tumabi saakin na isang lalaking nakilala ko ata sa isang hindi ko matandaang pangyayari?

"Yeah.." Tanging nasabi ko lang and ngumiti sa kanya. Hindi naman kasi ako interesado.

"Alone?" Hanggang sa elevator ay panay ang tanong niya, pero ngiti lang ang sinusukli ko dahil medyo nakakairita na. Bumukas ang elevator sa underground kung nasaan ang party. The bouncer smiled at me and I did the same too. Alam na niya kung sino ako that's why diretso na ang pasok ko at agad na bumungad saakin ang wild na atmosphere geesz.

"Hey Shiela! Wait up!" Napalingon ako sa likod ko at nakitang nastuck sa bouncer ang lalaking kanina pa nangungulit saakin. Familiar siya yes, pero hindi ko maalala kung saan kami nagkita eh. Thats why, no.

Agad na tinungo ko ang table namin na malayo banda sa dancefloor. Nakita ko si Dee na nakatayo at halatang may tama na dahil sa mga galaw nito. Nandito ang buong squad kaya naman lumaki ang ngisi ko. Napansin kaagad ako ni Dee kaya kumaway siya at agad akong tinuro pero bago pa sila nakalingon ay nakalapit na ako.

"Hey party people!" Nakangisi kong sigaw.

"Yeah! Lets bring this party to the peak na!" Hiyaw naman ni Dee sabay taas ng kamay nito na may hawak na isang shot glass. "Leeeezgooooooo!"

"What took you so long?" Tumabi ako kay Kirstine na kaagad akong inabutan ng isang shot glass. Kinuha ko ito at agad din na tinungga, and hell yeah, Im staying!

"Di ko maiwanan ang shop, ang daming customers. Wala pa nga si Almira eh tangina non." Sabi ko sabay tingin sa dancefloor na dinudumog pa ng maraming tao.

Lust In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon