Chapter Seven

22 1 0
                                    

Endless Happiness



Heather's POV



NASASAKTAN pa rin ako sa aking natuklasan kaya hindi ko siya pinapansin simula noong mabasa ko ang usapan nila ng Kelsey Payton na iyon.


Pauwi na kami ng metro na hindi nag-uusap. Hanggang sa bumaba na ito ng La Union hindi ko pa rin ito pinapansin. Naguguluhan na nga ito sa mga ikinikilos ko.


Gabi na ng makarating kami sa aming bahay. Hinatid pa kasi namin ni kuya ang lahat ng aming pasahero sa kani-kanilang mga bahay.


Pagod na pagod ako, physically and emotionally. Hindi ko matanggap na pinagtataksilan ako ni Rainier. 


Sabi nga nila daig ng malalandi ang magaganda. 


Hindi ako naiiyak, mas matimbang sa akin ngayon ang inis at galit sa kaniya.


Patulog na ako ng biglang magchat sa akin si Hillary.


"Bes, kamusta ang bakasyon niyo? Balita ko kasama niyo raw si Rainier." usisa nito.


Hindi ko alam kung kanino nito nalaman. Wala talagang maitagong sikreto rito.


"Nakakainis, bes!" pagtatapat ko.


"Bakit naman? Hindi mo ba na enjoy ang Vigan kasama siya?" panunukso pa nito.


Sasabihin ko ba sa kaniya ang natuklasan ko? Mapagkakatiwalaan ko naman siguro siya. Gusto ko lang din may masabihan ng sama ng loob ko at baka pumutok na ako sa sobrang inis.


"Bes kilala mo ba iyong Kelsey Payton?" direktang tanong ko sa kaniya na binalewala ang naunang tanong niya sa akin.


"Oo bes. Bakit mo naitanong?" naguguluhang sagot nito.


Nagulat naman ako sa sagot niya. Ibig sabihin kilala niya iyong babaeng kalandian ni Rainier?


Sinabi ko sa kaniya ang aking natuklasan sa cellphone ng pinsan nito.


"Langhiya! Hindi pa pala tapos sa paninira ng relasyon iyang babaeng iyan?" galit na sagot nito.


"Paanong paninira?" naguguluhang tanong ko. Ako naman ang naguguluhan ngayon.


"Eh kasi may gusto iyan kay Brixton. Mukhang pera kasi iyang babaeng iyan. Tapos ginamit pa niya si Rainier para mapalapit kay Brixton. Noong nagkakamabutihan na sila ni Brixton, si Rainier naman ang nilalandi niya. Gusto pa yata niyang pag-awayin ang dalawang lalaki." paglalahad nito.


"Ay walanghiya nga naman pala talaga ang malandi na iyan!" galit na sagot ko. 


I Almost Love YouWhere stories live. Discover now