Chapter Six

21 1 0
                                    

Province Life



Heather's POV



BAKASYON na naman. Ang bilis lang ng panahon. Isang taon na rin kaming magkakilala ni Rainier. Mas tumibay pa ang aming pagkakaibigan. 


Dahil wala na ngang pasok, naisipan namin ng mga pinsan kong magbakasyon sa hacienda namin sa Vigan, Ilocos Sur. Minsan na lang kasi kaming nakakauwi doon sa probinsya namin. 


Sa ngayon ay ang kapatid ni mommy na si tita Audrey at ang pamilya nito ang namamahala sa naiwang lupain ng aming namayapang lolo. Si lola naman ay sa amin na nakatira sa Taguig. 


May ancestral house ang grandparents namin sa probinsya. Doon kami palaging namamalagi kapag nakakauwi kami ng Vigan. At doon din muna pansamantalang nakatira sila tita Audrey ngayon habang pinapagawa pa ang bago nilang bahay malapit doon sa batis ng hacienda.


Kasama ko sa pag-uwi ang aking kapatid na si kuya Daniell at ang aking mga pinsang sina Mackenzie at kuya Randolf. Sila ang mga kasabayan kong lumaki kaya talagang mapapakilos lalaki talaga ako. At may kasama rin kaming dalawang bisita.


Si Mackenzie ay anak ng isa pang kapatid ni mommy na si tita Sophie. Magka-edad lang din kami ng pinsan kong ito. Si kuya Randolf naman ay anak ni tita Audrey at kaedaran naman ni kuya Daniell. Lahat kami ay nag-aaral sa Maynila kaya hindi talaga kami madalas nakakauwi ng probinsya.


Sakay kami ngayon ng Chevrolet Trailblazer ni kuya Daniell. Ito ang nagmamaneho habang katabi sa harapan ang girlfriend nitong si ate Tiffany. Nasa pangalawang hilera naman si Mackenzie, si kuya Randolf at ang girlfriend din nitong si ate Nathalie. Ako lang nasa likod mag-isa.


"Sis, daanan muna natin si Rainier dito. Along the way lang naman papuntang Vigan." biglang sabi ni kuya Daniell habang nagmamaneho pa rin. 


Pagtingin ko sa labas nasa La Union na pala kami. Gulat na nanlalaki ang mata ko sa sinabi nito. Kailan pa sila nag-uusap ni Rainier?


Alam nitong magbabakasyon kaming magpipinsan pero hindi ko alam na sasama pala ito.


"Bakit siya sasama?" naguguluhang tanong ko.


"Ininvite ko siya." pilyong sagot naman ni Mackenzie.


Hindi ko alam na nagkasundo pala ang tatlo na isama si Rainier sa probinsya namin. Naging malapit na din kasi ito sa aking mga pinsan lalo na kay Mackenzie na kasamahan pala nilang nagvo-volunteer sa deaf and mute community sa Baguio.  


"Para daw hindi ka mainggit sa amin. Diba babe?" nang-aasar na sabat ni kuya Randolf habang nilalandi ang kasintahan. 


Binatukan naman ito ni ate Nathalie na ikinatawa naming lahat. Buti nga sa kaniya!


I Almost Love YouWhere stories live. Discover now