Chapter Two

61 2 0
                                    

Fake Invitation



Heather's POV



KAKARATING ko lang ng bahay galing sa paghatid ng tatlong pabebe. Doon na nga rin ako naghapunan sa bahay nila ate Channel habang naghihintay na tumila ang malakas na ulan. Pinalipas ko na din muna ang mahabang traffic jam bago ako umalis sa bahay nila. Ayaw na nga sana akong paalisin ni tita Jesse kasi madulas na daw ang daan. Nagpumilit lang talaga ako kasi wala akong dalang pamalit. 


Buti na lang at nahatid ko na sina Hillary at ate Margaux bago pa kami maabutan ng malakas na ulan kung hindi ay baka nastranded talaga kami sa daan kasi medyo mababa yung lugar nila. 


At buti na lang din at hindi pa masyadong traffic papunta sa bahay nila ate Channel noong mga oras na iyon. Ayoko pa naman sa lahat iyong traffic. 


Kaya naman napagod talaga ako sa kakamaneho pauwi dito sa bahay. Medyo may kalayuan din kasi ang lugar nila ate Channel dito sa amin. Taga Antipolo pa kasi sila at sa Taguig naman kami. 


Naupo na muna ako saglit sa sofa sa sala namin. Papasok pa lang ako kanina ng may nakita akong royal blue na sobre na may gold na ribbon sa may center table. Nagtataka ako kung ano ito kaya binuksan ko na. 


It is an invitation. A wedding invitation specifically! 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ikakasal na pala si kuya Robert. Anak siya ng malapit na family friend nina daddy Dylan at tito Flynn, ang daddy ni ate Channel. Kaya I'm sure invited din sila ate Channel sa kasal. Hindi ko nga lang alam kung invited din ba sina Hillary at ate Margaux. Pero feeling ko hindi, kasi hindi naman sila magkakakilala ng pamilya Everson.


Habang tinitingnan ko ang invitation lumapit naman si mommy Hailey sa akin na mukhang galing sa kusina.


"My, pupunta po ba tayo sa wedding ni kuya Robert?" tanong ko kay mommy.


"Nak, baka ikaw lang ang ipapapunta namin ng daddy mo. Busy kasi ngayon ang daddy mo sa kompanya. At tsaka sa Tagaytay pa yung venue ng kasal. Alam mo namang napapagod magbiyahe si Harriet. Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito. Kaya ikaw na lang." mahabang paliwanag ni mommy.


Si Harriet ang bunso kong kapatid.


I Almost Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon